Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

MANDILE ELEMENTARY SCHOOL

Talentong taglay ating


tuklasin
-PAGTULA-
PANALANGIN
Angel of God, my guardian dear,
to whom God's love commits me here,
ever this day, be at my side,
to light and guard, to rule and guide,
Amen.
Ano ang iyong natutuhan?
Ano ang isang Tula?
Ang Tula ay isang anyo ng sining na
naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod.
Elemento ng
• Sukat
Tula
• Saknong
• Tugma
• Kariktan
• Talinhaga
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod na bumubo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
halimbawa:
isda- is da ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les- 8 pantig
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod).
Kalikasan! Kalikasan!

ni Binibining Melody A. Gamboa

Pansin mo ba ang ating kapaligiran?


Taludtod
Mga puno't malawak na kabukiran.
Saknong
Sa bughaw na kalangitan ating mapagmamasdan,

mga likha ng Diyos nararapat na ingatan.


Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa
tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng
tula.
Ito ang nagbibigay sa tula ng akin nitong himig o indayog.
Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit
na salita upang masiyahan ang mambabasa,
gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
Talinhaga
Magandang basahin ang tulang di tiyakang
tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito'y
isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng tula.
Mahalagang Bagay Tungkol sa
Ponolohiya Tula
-Tinutukoy nito ang wastong tunog ng salita
-Wastong paglalagay ng diin gayon din ng
pag-iiba ng tinig at paglalagay ng tamang
paghinto sa pagbigkas ng tula
MANDILE ELEMENTARY SCHOOL

Talentong taglay ating


tuklasin
-PAGTULA-
Ano ang mga
kasangkapan
sa pagbigkas
ng tula?
Ang pagbabasa ng isang tula ay makakatulong sa iyo na
maunawaan at pahalagahan ang mga nakasulat na salita nang
higit pa. Kung nagbabasa ka upang pag-aralan ito, basahin
nang maraming beses upang mas maunawaan kung paano
nagtutulungan ang mga salita, tunog, istraktura at mga imahe
upang makabuo ng kahulugan. Kung babasahin mo nang
malakas, basahin nang dahan-dahan, iproseso ang iyong tinig
at sundin ang bantas. Katulad nito, gamitin ang iyong tono ng
boses, kilos at ritmo upang aliwin ang iyong madla kapag
binibigyang kahulugan ang isang tula.
Narito ang ilang kasangkapan kung paano bumigkas
ng isang tula

-LAKAS NG PAGBIGKAS- (TINIG)


Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng tinig.
Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng
bumibigkas.
-BILIS NG PAGBIGKAS-
Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal ng
pagbigkas na dapat iakma o ibatay rin sa
damdamin at kaisipang nais ipahayag
ng bumibigkas
-LINAW NG PAGBIGKAS-
Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng
pagbigkas, tamang pagbigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang
ng tamang diin upang maunawaan ang ibig pakahulugan ng
bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na pagbigkas ng
bawat pantig ng mga salita.
-HINTO-
Ang paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o katapusan
ng bawat pangungusap. Samantala sa kuwit naman sa loob ng
pangungusap ay bahagya lamang ang paghinto.
-KILOS AT KUMPAS-
Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na
kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan. Nakatutulong ito
upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang
pagbigkas.
-TIKAS-
Ang tikas ay makikita sa tindig at pagkilos ng katawan.
Ang katauhang pangtanghalan ng mambibigkas ay agad na
naipapakilala sa kanyang magandang tikas o maayos na tindig.
Ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa; tuwid ang katawan,
hindi baluktot o hukot; at taas ang ulo.
ang ayos ng palad ay may iba’t ibang kahulugan:
a. Palad ay nakalahad, unti-unting itinataas
- nagpapahiwatig ng dakilang damdamin.
b. Palad na nakataob, lalo na kung biglang ibababa o pagbagsak
na itatago
-nagpapahiwatig ng galit, ng marahas na damdamin.
c. Bukas na palad na bahagyang nakaharap sa
bumibigkas
- ginagamit sa pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi
ng katawan ng bumibigkas
d. Bukas na palad, nakaharap sa madla
- nagpapahiwatig ng pagtanggi, pagkatakot
e. Kuyom na palad
- nagpapahiwatig ng poot, ng matinding damdamin
Tayo na at
-TUMULA-
TEMA
Pagmamahal o pagpapahalaga
sa ating KALIKASAN
KAGAMITAN
-magsuot ng white T-shirt
TULA
Kalikasan! Kalikasan!
ni Binibining Melody A. Gamboa
Pansin mo ba ang ating kapaligiran?
Mga puno't malawak na kabukiran.
Sa bughaw na kalangitan ating
mapagmamasdan,
mga likha ng Diyos nararapat na ingatan.
Paligid kay gandang pagmasdan.
Musika ang hatid ng patak ng ulan.
Huni ng insekto'y kahali-halina sa pandinig,
Ng sa taong matalas na nakikinig.
Malinis na batis, karagatan at ilog, mga isda'y
dito nabubuhay.
Berdeng mga puno, bughaw na kalangita'y,
kapayapaan ang tinataglay.
Ngunit pansin mo ba?
Ang mga ito nga ba ay nakikita pa?
Sa paglipas ng panahon, kalikasa'y unti-unting
nasisira,
Kasabay ng pag-unlad, ito rin ay nabubura.
Pagkasira nito'y sa tao'y may epekto
Kaya nararapat pahalagahan, protektahan ito!
BATAYANG PANUKAT
RUBRIK
Pagkasaulo- 30%
Linaw ng pagbigkas- 25%
Ekspresyon, kilos
at kumpas- 25%
Tiwala sa sarili- 10%
Lakas ng pagbigkas- 10% Kabuuan- 100%
TANDAAN!

- Magsend ng bidyo habang tumutula.


- Huwebes hanggang 4:00 ng hapon
ang pagpapasa ng binigkas na tula.
-Sundin ang panuntunan sa pagbigkas ng
Tula.
Maraming
Salamat!

You might also like