Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

YUNIT III

PINOY NGA !
- Ang angking katangian ng pakikipagugnayan nating mga
Pilipino sa kapwa sa ating lipunan kaya may matatawag tayo na
sariling mga gawaing pangkomunikasyon na tayo lang ang lubos
na makakaganap
- sa impluwensyang kaunlarin sa anyo at Pamamaraan ng
pakikisalamuha natin sa kapwa matingkad parin ang sariling
kaakuhan ng komunikasyong Pilipino na nakahabi sa mga pag –
iral ng ating kultura, na nakaugnay sa ekonomik at politikal lalo
na sa wikang pambansa.

- ang komunikasyon ang nag bibigay buhay at nagpapadaloy


sa ugnayanng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang
lipunan at hinuhulma rinsila nito
- Ayon kay Salazar (1996) “ kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karansan na nagtakda ng
maangking kakayahan ng isang kalipunan ng tao.

- Ayon kina (Constantino at Atienza 1996) ang wika ang


“daluyan, tagapahayag at impokan kuhaan” ng isang
kultura.
- Kaylangan ng masusuing pagkilatis sa mga katangian,
katuturan, kalakasan, at kahinaan ng bawat gawaing pang
komunikasyon upang ito ay mapayamanan at magamit sa
pagsulong ng bayan.
Tsismisan: Istoryahan ng Buhay – buhay
mg mga Kababayan

- Ang tsismisan ay maaring tao, bahagyang totoo,


binuklat na katotohanan, dinagdagan o binawasang
katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
pawing haka – haka, sadyang di – totoo o imbentong
kwento.
Ang tsisimis ay may tatlong maaring pinaulan
1. obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o
nakarinig sa tsismisan.
2. imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang
– uri
3. pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlinlang sa
isang grupo o sa madla.
- Ang Tsisimis ay nag bibigay ng panandaliang
katuwaan at kaluwagan sa damdamin ng mga
mahihirap na manggagawa dahil ditto nila naibubuhos
ang sama ng loob nila sa mahirap na kalagayan sa
usapan.
Umpukan: usapan ,katuwaan at iba pa sa
malapitang salamuhaan

*Ang umpukan ay impormal na paglapit ng tatlo o higit pang


nakakakilala para mag-usap nang magkakaharap. Sa pang kalahatan ito
ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon.Ang mga
nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumalapit para
makiumpok mga di sadyang nagkalapit-lapit o mga niyayang lumapit.
*Ayon kay 2013)likas na sa umpukan ang kwentuhan kung
saan may pagpapalipatan ,pagbibiyang ,pagbubukas -loob at pag-
uunay ng kalooban.

*Ang paksa ng usapan umpukan ay hindi rin planado o pinag-


iisipan mabuti maaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa
komunidad ,magkakaparehong interes ng mga naguumpukan o
mga bagong mukha at pangyayari sa paligid .
*Pinag-aralan ni Petrus ang salamayaan sa Marikina bilang
pagpopook sa siyudad sa kamalayang-bayan ng mga mamayan nito.
Bukod sa kainan,kantahan at paglalaro ng bungo ,isa rin sa mga
tinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kahalo na ring
tsismisan ,talakayan ,balittaktakan ,biiruan at iba pa na nagaganap sa
silungan o tambayan.

*marami pang ibang katuturan ang umpukan.Sa karanasan ng mga boluntir


ng ugnayan ng pahinungod /obligation corps(up/oc)ang programang
pamboluntaryong serbisyo ng unibersidad ng pilipinas los
banos(UPLB)mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa isang
komunidad ang pakikiumpok.
Talakayan: Masinsinang Palitan at
Talaban ng Kaalaman

- Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan


ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy
na paksa.
- ito ay maaring pormal, imporal at pwedeng harapan or
mediated

PORMAL NA TALAKAYAN
- ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at
sa mga labas ng telebisyon at programa sa radio kung saan
pinipiliang kalahok

- karaniwang may itinatalagang tgapagpatuloy (facilitator) na


tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon.
IMPORMAL NA TALAKAYAN
- ay madalas nangyayari sa umpukanat minsan sa tsismisan o
di sinasadyang pakita kaya may posibilidad na hindi lahat ng
kalahok ay napili.
ang mga kalahok mismo ang kusang nag mamaneho ng
diskusyon inaasahan na magkaroon ng pagpapalitan at
pagbabanggan ng magkaibang pananaw, pagkritik sa mga
ibinabahaging ideya

MEDIATED
- ginagamitan ng anumang ideya/midya
- Ang mga Pilipino raw ay malaki ang
pagpapahalaga sa kapwa. May mga bentahe ang
mediated na talakayan na wala sa harapang pormal
nito.
PAGBABAHAY-BAHAY:
PAKIKIPAGKAPUWA SA KANYANG
TAHANA’T KAPALIGIRAN
- Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta
ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang pamayanan
para maghatid ng :

* mahalagang impormasyon, magturo sa isang


teknolohiya
* magturo ng isang teknolohiya
* kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa iisyu o
programa
*mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan
* o maghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan,
gawsain o adbokasiya

- mainam din itong Pamamaraan para pag usapan angg mga


sensitibong isyu sa pamayanan
- Ang pagbabahay ay madalas na isinasagawa ng mga
kinakatawan ng ahensiya ng pamahalaan, pribadong
institusyon o non government organization na may tiyak
na layong panlipunan na nangangailangan ng
kontrbusyon , pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga
residente ng isang kumunidad.

- Ang kainaman ng pagbabahay-bahay ay ang harapan at


impormal na dulog nito sa pakikisalamuhang tiyak na
layon.
Pulong Bayan: marubdob na
Usapang Pampamayanan

- Ang Pulong Bayan ay pag titipon ng isang grupo ng


mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag
usapan nang masinsinan at pag desisyonan kung maari
ang isyu,kabahalaan, problema, programa, at iba pang
usaping pampamayanan
- Halimbawa ng mga nagpapatawag ng Pulong –
bayan ang sumusunod: halal na lider ( KONSEHAL,
KAPITAN, PUNONG – BAYAN,
BOKAL,GOBERNANOR,KONGRESMAN,SENA
DOR)
- sila ay nag sasagawa ng konsoltasyon hinggil sa
isang programa o panukalang batas; ahensiya ng
gobyerno na may programang pang kaunlaran;
people’s o nongovernment organization na may
sinusulong na proyekto o adbokasiya.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan, ang
tradisyonal na “SARAGPUAN” o tipunan ng mga
Tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar
kung saan may malaking batong nakaayos nang
pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pag
pupulong.
KOMUNIKASYONG DI – BERBAL:
PAGPAPAHIWATIGAN SA MAYAMANG
KALINAGAN

- ang komunikasyong Di-berbal ay paraan ng


pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng
samot saring bagay maliban sa mga salita.
Ang komunikasyong di berbal ay nagsasagawa sa pamamagitan ng
mga sumusunod:

1. Paggalaw ng kahit ng isang bahagi lang ng katawan


2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi ng katawan
3. Panahon ng pagsasalamuha, lalo na ngbbilis o bagal, kawalan o dalas,
at oras o araw ng interasyon
4. pook at kapaligiran ng pagsasalamuha
5. Kasuotan o borloloy sa katawan
6. Iba pang simbolismo gaya ng kulay
- pinakamakulay at pinakaginagamit ang mga di-berbal
na senyales sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan

- may iba’t ibang kahulugan din ang ppanahon ng


pakikisalamuha

- ang iba’t – ibang piraso ng kasuotan, kasama naang


mga aksesory ay nagbibigay rin ng iba’t ibang pahiwatig,
sa parehong katutubo o modernong pananamit.
Iba pang kagawian: Pag unawa sa hitik na
kailangan

Kagawiang pagbati
May dalawang uri na pagbati na halos nakagawian na nating mga
Pilipino sa larangan ng pagkomunikasyon. Ang berbal na pagbati at di
berbal na pagbati o ekspresyon.
BERBAL NA PAGBATI
- Ang berbal na pagbati ay isang uri ng pagbati na may ginagamit na
boses o pagsasalita.
Halimbawa ng berbal na pagbati ay ang mga sumusunod:
 Pag bati ng magandang(umaga,tanghali at hapon,gabi o araw)
DI-BERBAL NA EKSPRESYON

- Samantala ang di-berbal na ekspresyon o pagbati naman ay hindi gumagamit


ng salita bagkus naipapakita ang mensahe sa pamamagitan ng kilos o galaw ng
katawan.
Halimbawa:
Mabilisang pagtango o pagtungo
Pag taas ng kamay o pagkaway na sinasabayan ng "uy" o "kamusta"
O pag apir at pagkamay
Kabilang din ang beso beso at paghalik sa pisngi o noo,subalit bihira
lamang itong nagagamit

"Mga paniniwala"
Sa kagawiang pagbati, may paniniwala din na ang hindi pagbati sa
kakilala o pag iwas na magkasalubong,lalo na at nagkatinginan na bago
pa magkalapit,ay nagpapahiwatig ng tampuhan o pag aaway
Kagawiang Pangkomunikasyon
Dahil sa kahiligan nating mga Pilipino sa mga pagkain, naging bahagi na ng kagawiang
pangkomunikasyon ang pag aalok kasahog man o hindi kasahog at pagpapakita na din ng
kagandahang loob sa kapwa.
Napagtitibay din ng pag aalok ng pagkain ang mga ugnayan ng bawat isa at madalas kung saan
may mga kwentong nabubuo at pagkakaibigang namumukadkad.

"Mga paniniwala"
May 3 pagkakaiba raw sa kahulugan o paniniwala ang isa o dalawa o higit pang beses na pag alok
ayon sa ating kultura:
1. Pag isang beses ka lang niyaya o inalok nangangahulugan na wala pang kasiguraduhan na
gusto talagang ibahagi
2. Kapag dalawang beses o higit pa, sigurado na raw nagustong mamigay ng pagkain
3. Kapag daw pinagduduldulan,baka busog na o ayaw na sa kinakain at gustoy iba na ang
umubos
Gawing pangkomunikasyon

May mga gawing pangkomunikasyon na matatagpuan lamang sa


ilang lugar sa Pilipinas, kagaya ng Salamyaan sa Marikina at mga
Tinggunian sa Tubo, Abra. Ang bandilyo at katutubong praktis kagaya ng
pukkaw at ang tagapamahagi ng impormasyon na natatalaga ng isang
taong manpukkaw.
PUKKAW
Ang pukkaw ay nangangahulugan ng pag sigaw o pagtawag.
Ang pukkaw,isang katutubong praktis ng mga Tinggunian sa tubo,Abra
sa pamamahagi ng impormasyon na nagmula pa sa mga ninuno ng mga
Tingguian
Kadalasan ang laman ng mensahe sa pukkaw ang mga:
pagpupulong,
ambon(may nawawalang tao o hayop)
saep(pangingisda ng mga tao sa ilog Otip)
payas(bayanihan sa pangkalahatan)
 billete(kasal)
Ginagamit pa din ang pukkaw ngayon sa Brngy. Supo dahil sa
naging bahagi na ito ng buhay at kultura na pamana sa lugar at
inangkin na rin ng mga opisyal ng barangay sa pamamahagi ng
impormasyon.
MANPUKKAW
Ang Manpukkaw naman ang nagsisilbing taga sigaw ng anunsyo sa
komunidad
Ang manpukkaw ay pili o pinili ng konseho ng barangay at
nararapat na mayroong malinaw na boses at malakas na
boses,matalas na memorya,mapagkakatiwalaan,responsable at
magalang
Komunikasyon at Wikang Filipino:
Magkatahing Puwersa ng Pag-uugnayan,
Pagkakaunawaan, at Kaunlaran

- Ang pag iral ng Iba’t ibang gawing pangkomunikasyon sa


lipunang Pilipino ay tanda ng mayamang tradisyon ng malalim na
pakikipagugnayan at marubdob na pakikisalamuha ng mga Pilipino sa
kapwa.
- ang personal at impormal na katangian ng pagbabahay – bahay na
may tiyak na layon; simbolik na mga kahulugan sa di – berbal na
komunikasyon; at ang instruksiyong makulay na ekspresyong lokal na
nakaugat sa ating kakuan at pagkakilalan.

- Ang mga gawaing pangkomunikasyon na ito ay nakatahi sa ating


mga katutubong wika, higit sa lahat ay sa bernakular sa mga rehiyon at
pambansang wika sa pangkalahatan sa lipunang Pilipino.

- Bihirang bihira ang nagsasalita ng purong Inles sa tsismisan at


umpukan ng mga Pilipino sa ating bansa.
- Malaki ang potensiyal ng sariling nating gawing pangkomunikasyon at sariling
wika sa iskolarsyip at praktika ng iba’t ibang larangan.

- Tunay na mainam na ikonsidera sa pormal at di-pormal na edukasyon ang mga


gawaing pangkomunikasyon na tatak Pilipino at ang pambansang wika upang mas
maging matatag ang ugnayan ng mga iskolar at ng mata.
WANGWANG
• Malakas na tunog ng literal na “wang-wang” ( sirena ng ambulansya o kotseng
pampatrol ng pulisya.
• Ayon sa blog ng Swedish na si Jonna Wibelius ang ‘wang-wang’ ang kahol o tahol
ng aso sa Tsina.
• Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
• kauna- unahang pangulo ng Pilipinas na nagtalumpati nang halos purong Filipino
kanyang SONA.
• Kaunaha-unahan ding pangulo na bumanggit ng salitang wang-wang sa kanyang
talumpati .
• Siya rin ang nagpopularisa ng terminong ito sa pambansang diskurso.
• Kauna-unahang SONA noong Hulyo 26,2010 hindi nabanggit
kahit isang beses man lang ang salitang “Wang-Wang”.
• Pangalawang State of the Nation Address (SONA) noong
Hulyo 25,2011. Humigit kumulang 20 beses binanggit ni
Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III
ang salitang “Wang-Wang”.
• Sa ikatlong SONA noong Hulyo 23,2012, dalawang beses din
itong nabanggit.
• Dalawang beses din ginamit ang salitang ito sa kanyang
“Talumpati sa Pagtanggap ng Tungkulin” o inaugural speech
noong ika-30 ng Hunyo 2010.
• Ayon sa unang edisyon ng UP Diksyonaryong Filipino(2001), ang
“wangwang” ay huni ng sirena.
• Sa binagong edisyon ng UP Diksyonaryong Filipino (2010), itinuturing
na kolokyal na salita ang wang-wang na may ganitong
depinisyon:”sirena ng kotse ng pulis”.
• Bago pa man gamitin ni Pangulong Noynoy sa kanyang talumpati ang
terminong “wang-wang ay nakaugat na ito sa ating kultura at pana-
panahong pumailanlang sa pambansang diskurso depende sa klimang
pampolitika.
• Sa inaugural speech (Hunyo 2010) ni Pangulong Noynoy ay
ginamit bilang pang-uri at pangngalan ang wang-wang:
• 1.”Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong
iniluklok sa puwesto?Ako rin. Kayo ba ay nag tiis na sa trapiko
para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang
sa kalsada? Ako rin.Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa
halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong
pagpasensiyahan at tiisin?Ako rin.
• 2.”Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga
sarili,sa sambayanan, WALANG MAIIWAN… Walang lamangan,
walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang,
walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay
muling magkawang gawa”.
• Sa ikalawang Sona ni Pangulong Aquino, ayon sa kanyang talumpati, bilang na
ang araw ng mga gumagamit ng “wang-wang”(maingay na businang dapat ay
para lamang sa ambulansya at sasakyan ng pulis) at mga may “utak-wang-wang
(wang-wang mentality:” panlalamang matapos mangakong maglingkod”)dahil
may kampanyang “kontra wang-wang”. Bilang na rin daw ang araw ng mga taong
“wang-wang”(korap,tiwali o kurakot) sa gobyerno at di na sila maaaring
tumanggap ng “wang-wang” (suhol):- hindi na sila”makapagwawang-wang
(makapangungurakot)kailanman.
• Kung ibubuod ,”simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang”,ayon mismo sa
pangulo.
• Kung dati ,ang “wang’wang” ay nakabubuwisit na tunog lamang ng sirena ng
sasakyan, ngayon ang “wang-wang” ay synonym na rin ng kaisipang korap o
tiwali,ng taong nangungurakot/taong kurakot,ng perang kinurakot atbp.gaya ng
ipinakikita ng mga sumusunod na halimbawa:
1.”Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-
aapi. Ang panlalamang matapos mangakong
maglingkod -iyan po ang utak wang-wang”.
• 2.”Dahil wala nang wang-wang sa DOE, muling
nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa
ating energy sector.”
• 3.”Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo
ng pagwawang-wang sa sistema: Tulog ang pagdurusa
ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto
ng bayan.”
• Sa ikatlong SONA noong 2012, muling ipinagyabang ng
panguloa ang paglutas sa problema ng “wang-wang” bilang
senyales na paaparating na ang minimithing pagbabago ng
sambayanan.
• Binatikos ng ibang pang aktibista Pangulong Aquino na
diumano’y puro “wang-wang “ ang iniisip ngunit wala namang
pakialam sa isyu ng “bang-bang”(extrajudicial killings o
pagpatay sa mga aktibista at mga mamamahayag).
• Ayon sa tala ng Karapatan (2012),99 na biktima ng “bang-
bang”o extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong
Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2012 ,at 60 naman
ang biktima ng “frustrated extrajudicial killings”.
• May programang “Wang-wang ng Bayan” na ang Radyo DZUP 1602. Ayon
sa kanilang Facebook page,ang wang-wang ay “instrumento sa pagkuha ng
atensyon”. Samakatuwid ang kanilang programang “Wang-wang ng
Bayan”ay magsisilbing umalahokan ng bayan upang mailantad at
maunawaan ng iba pang mamamayan ang mga nagbabagang isyung
panlipunan.
• Wang-wang – pag iingay ng masa, pagrereklamo ng samabayanan,
panawagan ng pagbabagong panlipunan- ang solusyon sa Noynoying ( ang
pagtutulug-tulugan at kawalan ng aksyon ng mga opisyal ng gobyerno sa
mga t at hinaing ng mamamayan).

- Sa pangkalahatan, ililigtas tayo ng salitang wang-wang sa luma nating


sakit: ang pagsasawalambahala sa mga usaping pambayan at ang pagkalimot
sa ating mga tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.

You might also like