Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 25

“1ST QUARTER”

ANG AKING MGA NATUTUNAN


“NOBELA”

• Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katnggali sa kabila.
• isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay .
“BAHAGI NG NOBELA”

• Tagpuan – lugar at panahon ng pinagyarihan


• Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
• Banghay – pagkakasuod-sunod ng mga pangyayari sa nobela
• Pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a. una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
• Tema – paksang-diwang binibigyan diin sa nobela
• Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
• Pamamaraan – istilo ng manunulat
• Pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
• Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan
sa tao, bagay at pangyayarihan
“URI NG NOBELA”
• Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan
• Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
• Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikakawili ng mga mambabasa
• Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunod-sunod ng pangyayari na
ikakawili ng mga mambabasa
• Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
• Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing
tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
• Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
sistema
“ESTELLA ZEEHANDELAAR”

• Ang natutunan ko sa akdang kay estella zeehandelaar ay ang


pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan, dapat pantay ang
batas sa mga kababaihan at mga kalalakihan at pag kakaroon ng
kalayaan sa mga babae dahil lahat tayo ay nilikha ng Diyos at
lahat tayo ay may angking kaalaman.
“TANKA AT HAIKU”
“TANKA”

 Ang
pinakaunang TANKA ay kasama sa lipunan ng mga tula na tinawag na
MANYOSHU o COLLECTION OF TEN THOUSAND LIVES.
 Ika-8 siglo lumaganap ang tanka.
 Maikling
awitin na puno ng damdamin at ito ay nagpapahayag ng
damdamin.
 Ginamit sa paglalaro ng mga aristocrat.
 Maysukat na 7-5-7-5-7 na pantig. Tatlumpu’t isa (31) ang bilang pantig na
may Limang taludtod.
“HAIKU”

 Ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng tula.


 Pinakamahalaga sa Haiku ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala.
 Kiru ang tawag dito-cutting. Ang kiru ay hawig ng sesura sa ating panulaan.
 Porma ng tula na may sukat 5-7-5 na pantig at may tugma o wala.
 May tatlong (3) taludtod at labingpito (17) na pantig.
”MGA KABABAIHAN SA TAIWAN (NOON AT NGAYON)”

• Noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad ng mga kasambahay o housekeeper. Tungkulin nila na
tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang
karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Mga kababaihan sa Taiwan ngayon
1. Ang mga kababaihan ngayon sa Taiwan ay may pananagutan pa rin sa mga gawaing-bahay.
2. Sa larangan ng pagtatrabaho, inaasahang magagawa ng mga kababaihan ang nagagawa ng kalalakihan. Sa
madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
3. Ang kanilang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas
na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng importansya sa kakayahan ng mga
babae at ang nasa kinauukulan ay handang tumanggap ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng
mataas. Tumataas din ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at napatutunayan ito dahil
nakikita na ring may mga babaeng namamahala.
4. Marami na rin sa kababaihan sa Taiwan ang nakakapag-aral. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na
mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
5. Ang mga batas sa Taiwan ay gumagawa ng mga pagbabago para sa pangangalaga sa kababaihan. Halimbawa, sa
Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang
maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.
“DULA”
• Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa
entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang
mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing
kaisipan ng manunulat o script writer.  
Mga Elemento ng Dula:
• Aktor -  gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
• Dayalogo - ang mga binibitatawang linya ng mga aktor 
• Direktor - nagpapakahulugan sa isang iskrip.
• Iskrip - nagsisilbing kaluluwa ng isang dula.
• Manonood -  nagbibigay – halaga sa dula.
• Tanghalan - lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula.
• Tema - pinakapaksa ng isang dula. 
“URI NG DULA”
• Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga
abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan.
• Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay
ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at
minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang
pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.
• Ang trahedya ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit
karaniwang may makabuluhang pagtatapos.
• Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa
nito ay panunuluyan.  
• Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito
ay pamamanhikan.  
• Ang dulang pantanghalan ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa nito
ay Macbeth ni William Shakespeare.
“2ND QUARTER”
ANG AKING MGA NATUTUNAN
“PONEMANG SUPRASEGMENTAL”
• Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang
hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon at
hinto.
• Diin.  Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa Filipino,
karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng patinig. 
• Intonasyon.  Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring
maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan
ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.
• Hinto.  Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian
habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang
paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang
katapusan ng pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang
saglat na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. 
“HAIKU AT TANKA”

• Haiku - mula sa ika-15 siglo, mayroong 3 taludtod, 17 pantig, at sukat na


575. Ang tema nito ay kalikasan.
• Tanka - mula sa ikawalong siglo, mayroong 31 pantig, 5 taludtod, at may
sukat na 57577. Ang tema nito ay PAKIRAMDAM NG TAO o PAG-IBIG.
• Manyoshu - A collection of Ten Thousand Leaves; kolesyon ng mga
sinaunang tula, mahigit 4,500 tula ni ay Tanka.
“PANG-ABAY AT ANG URI NG PANG-ABAY”
• Ang pang-abay ay  salita na naglalarawan ng pang-uri,pandiwa, at kapwa pang-abay.  ang
pang-abay ay may ibat ibang uri at ito ay ang :
• Pamanahon
- Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o gaganapin
ang isang pangyayari o kilos.
• Panlunan
- Isa sa uri ng pang abay kung saan ito ay nagsasaad kung saan naganap o magaganap ang
kilos ng pandiwa.
• Pamaraan
- Ito ang uri ng pang-abay na nagsasaad kung paano naganap o magaganap ang isang
pandiwa.
“PANG-URI
• Ang pang-uri ay mga salitang ginagamit upang magbigay-turing sa pangngalan at
panghalip. Ito ay may tatlong kayarian.
1. Panlarawan
2. Pamilang
3. Pantangi

1. Pang-uring panlarawan
        Ito ay nagsasaad ng anyo,hugis at katangian
2. Pang-uring pamilang
Ang mga pang-uring ginagamit sa pagbilang ng tiyak at di-tiyak na bilang.
1. Patakaran – nagsasaad ito ng bilang ng isang bagay. Pagkalampas ng sapu sa bawat bilang, ito ay
nilalapian ng salitang labing.
Halimbawa: isa, sandaan, sanlibo, labing-apat
2. Panunuran – sinasaad nito ang pagkakasunod-sunod. Ginagamitan ng panlaping una, pang, ika-,
Halimbawa: Pangatlo ako sa aming magkakapatid.
3. Pamahagi – ginagamit sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati ng isang kabuuan
Halimbawa: kalahati, tiglilima, tigsampu
4. Palansak – tinatawag na maramihan o langkay-langkay ang kahulugan at hinuhulapian ng an/han.
Halimbawa: isahan, dala-dalawahan, sampuan
5. Patakda – nagsasaad ng tiyak na bilang.
Halimbawa: pipiso, lilimahin, dadala-dadalawa

3. Pang-uring Pantangi
          Ang pangngalan ay nagiging pang-uri kapag sumusunod sa isa pang pangngalan at binibigyan ito ng
pagtatangi.
Halimbawa: Pancit-Malabon,
“TULA”
• isang uri ng panitikan na kilala sa paggamit ng wika sa iba't ibang estilo o anyo.
• binubuo ng taludtod at saknong
Mga Elemento ng Tula:
• Anyo - tula ay tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula.
• Kariktan - elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa
damdamin ng mga bumabasa.
• Persona -  tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa.
• Saknong - ang elemento ng tula na tumutukoy sa mga grupo ng mga taludtod ng tula.
• Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula.
• Talinhaga - tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at matalinhagang pananalita upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
• Tono o indayog - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. 
• Tugma -  ang elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod ng tula. 
Apat na Anyo ng Tula:
•malayang taludturan
•tradisyonal
•may sukat na walang tugma
•walang sukat na may tugma

Ang anyong malayang taludturan ay walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay


karaniwang ayon sa nais ng sumulat. Ang mga tulang isinulat ni Ginoong Alejandro Abadilla ang
halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.
Ang anyong tradisyonal ay may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga
halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang anyong may sukat na walang tugma ay mga tulang  may tiyak na bilang ang pantig ngunit
ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
Ang anyong walang sukat na may tugma ay mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa
bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
“SANAYSAY”
• Kilala ang sanaysay bilang "essay" sa Ingles.
• Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito. Ito rin ay
maaaring magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon o
damdamin, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
• Ang isang sanaysay ay maaaring tumalakay ng iba't ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya,
lipunan, mundo, at iba pa.
Dalawang Uri ng Sanaysay
• Ang sanaysay ay may dalawang uri. Maaari itong maging pormal o di-pormal.
1. Pormal na Sanaysay: Ang pormal na sanaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit ito
ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa pananaliksik at pag-aaral. May seryoso o pormal na tono ito
ukol sa paksa nito.
2. Di-Pormal na Sanaysay: Sa kabilang banda, ang di-pormal na sanaysay naman ay batay sa mga opinyon at
pananaw ng nagsulat nito. Ito ay maaaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may-akda. Ang mga paksa
ng mga di-pormal na sanaysay ay pang-karaniwan, personal, at pang-araw-araw. Bukod dito, hindi
kinakailangang seryoso ang di-pormal na sanaysay. Ito rin ay mas madaling maintindihan at sundan.
Mga Bahagi ng Sanaysay
May tatlong bahagi ang mga sanaysay. Narito ang mga bahagi ng sanaysay na maaaring
makatulong sa iyo sa paggawang ng mga sanaysay:
1.Panimulao Simula: Ito ang pinakamahala dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga
mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang may-akda tungkol sa paksa ng sanaysay.
2.Gitna o Katawan: Dito naman sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa.
Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ukol sa paksa.
3.Wakas: Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagtatapos sa sanaysay. Dito nagbibigay ng
hamon ukol sa paksa ang may-akda sa kanyang mga mambabasa. Ito ay para maisakatuparan
ang mga nabanggit na puntos sa katawan ng sanaysay.
“3RD QUARTER”
ANG AKING MGA NATUTUNAN
• Parabula Ang aking natutunan tungkol sa parabula, ito ay tumutukoy sa mga kwentong
hango aa bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo ito ng aral. Ito rin ay
nanggaling sa salitang Griyego na "parabole" na ang ibig sabihin ay "pagkukumpara".
• Alamat ito ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan
ng isang bagay o lugar.Maaaring magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o kung bakit
nagkaroon ng ganoong pook o bagay. Ito ay karaniwang kathang-isip at ito ay pasalin-salin
mula pa sa panahon ng ating mga ninuno. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
"Legendus" ng wikang latin at "Legend" ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay "upang
mabasa".
• Elehiya Ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o pagdadalamhati lalo na sa paggunita
sa isang sumakabilang-buhay na. Isa rin itong tulang Liriko na pumapaksa sa damdamin
tulad ng kalungkutan, kasawian o kaligayahan. Binibigyang-parangal dito ang mga nagawa
ng yumao.
• Anekdota Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito rin ay isang
maikling kwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.
• Etimolohiya Ito ay nagsimula sa saltang Griyego na etumologia na ang ibig sabihin ay "
may ibig sabihin o may kahulugan. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita, ang
kanilang mga pinagmulan at kung paano nagbago ang kanilang anyo at kahulugan sa
paglipas ng panahon.

You might also like