Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

MAGANDANG

UMAGA!
Panimulang Panalangin

Lord, help us to Acquire Wisdom in every activity that


will be presented in our class

May our teacher be empowered in teaching and


facilitating us

This we ask through Christ our Lord


Amen.
Karunungang- Bayan
ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging
daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
nabibilang sa bawat kultura ng tao.
Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural.
Salawikain
Karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma. Naglalaman ito ng mga aral
at mensaheng magsisilbing gabay o patnubay sa buhay.
Halimbawa:
Ang kahoy na liko’t baluktot
Hutukin hanggang malambot
Kung lumaki at tumayog
Mahirap na ang paghutok.
Halimbawa:

1.Kung ano ang puno, siya ang bunga.


2.Kung walang tiyaga, walang nilaga.
3.Pagkahaba- haba man ng prusisyon sa simbahan
din ang tuloy.
4.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
5.Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at
‘di sa kasaganaan.
Sawikain
Isang paraan ng pagsasalitang hindi gumagamit ng mararahas na
salita upang iwasang makasakit ng loob. Mga salitang
idyomatikong ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
Halimbawa:
itaga mo sa bato- pakatandaan
parang natuka ng ahas- natulala
Halimbawa:

1.Bahag ang buntot- duwag


2. Abot-tanaw- naaabot ng tingin
3.Alog na ang baba- matanda
4. Nag-alsa balutan- naglayas
5.Anghel ng tahanan- maliit na bata
Kasabihan
Tumutukoy at naglalarawan ng kilos, ugali, at gawi
ng isang tao.
Halimbawa:
tulak ng bibig malakas ang loob
kabig ng dibdib mahina ang tuhod
Halimbawa:

1.Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.


2.Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
3.Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa
kasaganahan.
4.Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.
5.Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa
paggalang sa mga magulang.
Dalawang Uri ng
Paghahambing
Pahambing na Magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay
may pataas na katangian. Gumagamit ito ng mga
panlaping kasing, sing, magsing, magkasing, tulad, gaya,
paris, kapwa, at pareho.
Halimbawa:
Kapwa matalino ang magkapatid.
Magkasimputi sina Tessie at Cely.
Pahambing na Di magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang
katangian.
May dalawang uri ito:
a. Pasahol- kung ang pinaghahambing ay mas maliit,
gumagamit ito ng mga salitang tulad ng di gaano, di totoo, di
lubha, o di gasino.
Halimbawa:
Di gaanong makuwento si Zeny gaya ni Puring.
Di lubhang maganda si Celo kay Gina.
b. Palamang
Kung ang pinaghahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan gumagamit ito ng mga salitang higit, labis,
mas, lalo.
Halimbawa:
Higit na mapagbiro si Danny kaysa kay Lito.
Labis na masiyahin si Joyce kaysa kay Trina.
Panapos na Panalangin

Lord, thank you for making us learn what is


essential in our lesson.
We ask your Holy Spirit to help us share our
fellowmen all the good things we have learned

Through the Holy intercession of Immaculate


Conception our Loving Mother Amen.

You might also like