Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Iba’t – Ibang Uri ng Teksto

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Senior High School


Ika -11 Baitang
Ikatlong Markahan

INIHANDA NI GNG. RICHELE R. VALENCIA


SHS TEACHER II
Alam mo ba kung anong uri ng teksto ang
binabasa mo?
Ang teksto ay mga salita na nakasulat o
nakalimbag sa anumang babasahin na naglalaman
ng iba’t ibang impormasyon o kaalaman.
Mga Uri ng Teksto
• Tekstong Impormatibo
• Tekstong Deskriptibo
• Tekstong Persweysib
• Tekstong Naratibo
• Tekstong Argumentatibo
• Tekstong Prosidyural
TEKSTONG IMPORMATIBO

Layunin nitong magpaliwanag at mabigay ng


mahalaga at tiyak na impormasyon.
Kadalasan sinasagot ang mga batayang
tanong na ano, kalian, saan, sino, at paano.
Mga Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

• Bibliograpiya
• Diksiyonaryo
• Encyclopedia
• Almanac
• Papel-Pananaliksik
• Journal
• Balitab sa Diyaryo
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong ito ay may kinalaman sa pisikal na


katangian ng isang tao, bagay, pangyayari, karanasan
at sitwasyon. Inilalarawan nito ang detalyadong
imahe na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa na nais palutangin ng manunulat.
TEKSTONG NARATIBO

• Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga


pangyayari ay ang tekstong narativ o naratibo. Katulad ng
tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong naratibo ay
magbigay ng impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay
nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa
panahon, tagpuan, at mga tauhan. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang mga talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din itong piksyon
at di piskyon.
TEKSTONG PROSIDYURAL

• May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa ng
mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyural. Kilala
rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod, sumasagot ito
sa mga tanong na paano—paano nabubuo ang isang
bagay, paano iluto, paano isinasagawa ang isang proseso,
o paano naganap ang isang pangyayari.
TEKSTONG PERSWEYSIB

• Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong


naglalayong manghikayat ng mga mambabasa. Ginagamit ito sa
mga pahayagan, telebisyon, at radyo. Karaniwang ginagawa
ang tekstong persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga
tao at maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga
advertisements o mga patalastas sa TV o radyo. Maaari din
itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.

You might also like