Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

SANAYSAY

KATUTURAN, URI, BAHAGI


AT SANGKAP

WMSU
REPORTERS:
BONJO BEE M. BALIONG
SHELLA MAE LOZADA
1
JOEVANNIE VERTODAZO
ANO ANG
SANAYSAY?

2
RUBIN, et.al., 1989:91

• Anyong pampanitikan na naglalahad ng


mga kontemporaryong usapin at paksain sa
nagbabagong mundo.
• Ang mahalaga sa anyong ito ang
pagbabahagi ng manunulat ng kanyang
karanasan at di pa namamalayang
pananaw ukol sa mga nagbabago niyang
paligid kaya maituturing ito na makabagong
anyo.
3
Belvez(1985)
• Isang komposisyong pampanitikan sa isang
natatanging paksa na higit na maikli at pormal
kaysa alinmang akda.
• Sa kasalukuyan,ang komposisyon ay
naglalaman ng maikling pag-aaral na
naglalaman ng sariling pananaw, paniniwala at
kaisipan ng sumulat.
SEMORLAN, et.al., 1999
• Ay isang akdang naglalayong maglahad o
maglarawan ng isang buhay sa
makatotohanan at masining na paraan.
• Maaring talakayin o paksain ang anumang
tema- karaniwan o di-karaniwan, magaan o
seryoso- sapagkat ukol sa buhay ang inilalahad
dito.
2 URI NG SANAYSAY

PORMAL
DI - PORMAL
PORMAL NA SANAYSAY
• (MAANYO) kapag ang sanaysay ay may lohikal
na paglalahad ng mga kaisipan o may maayos
na balangkas. Maingat din ang pagsusuri ng
paksa nito.
• Samakatwid, masusi ang pag-aaral ng temang
tatalakayin. Binibigyang-diin ang katotohanan,
tuwirang pagpapahayag at seryosong
pagtalakay.
Halimbawa ng Pormal na
Sanaysay
• Ang isang pormal na sanaysay ay naglalaman
ng mga wikang ginagmait sa mga seryosong
publikasyon. Kadalasan, ang mga ito ay nakikita
sa mga aklat at iba pang panitikang akademya.

• Bukod rito, ang isang pormal na sanaysay ay


nagbibigay sa atin ng mga tunay na datos at
walang halong opinyon. 

Tamang Pangangalaga ng Kabayo


ni Bernadette Biko 8
SANAYSAY NA DI-PORMAL
• (DI-MAANYO) may kalayaan sa ayos ng
paglalahad, may himig ng pakikipag-usap at
pagbibiro at higit na kawili-wiling basahin.
• Subalit hindi rin dapat na kaligtaan na lakip
din nito ang katalinuhan ng pag-iisip at
masusing pagsusuri.
HALIMBAWA NG SANAYSAY NA
DI-PORMAL
•  Ang di-pormal naman na sanaysay ay
gumagamit ng mga pananalita na parang
pinag uusapan lamang. Kasama na rito ang
mga pansariling opinyon.

Nais mo bang lumigaya?


ni Regina M. Tabian

10
ANYO NG SANAYSAY
PERSONAL NA SANAYSAY
• Ang nilalaman ay tungkol sa nararamdaman ng
manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserbahan.
• Hal. Kung ikaw ay nakakita ng mga batang
nagkalat sa lansangan, ano ang iyong
nararamdaman sa pangitaing ito?
MAPANURI O KRITIKAL NA
SANAYSAY
• Ang nilalaman ay batay sa naiisip o kuru-kuro
kaugnay sa namatyagan ng manunulat.
• Mula sa pagiging personal ng akda ay
papasukin na nito at bubusisihin ang iba’t
ibang anggulo na maaaring sangkot sa usapin.
PATALINHAGA
• Ang bukal ng nilalaman mula sa mga
kasabihan o sawikain o di kaya’y
pagkamit ng mga simbolismo o
matalinhagang kaisipan bilang
panimula ng iyong pinapaksa.
BAHAGI NG SANAYSAY

15
Bahagi ng Sanaysay
• Panimula- ang pinakamahalagang bahagi ng
isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mababasa, dapat
nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
Bahagi ng Sanaysay
• Katawan- sa bahaging ito ng sanaysay
makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay,
dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat
puntos upang maunawaan ito nang magiging
mambabasa
Bahagi ng Sanaysay
• Wakas- nagsasara sa talakayang
naganap sa katawan ng sanaysay; sa
bahaging ito nahahamon ang pag-
iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay
ng sanaysay.
SANGKAP NG SANAYSAY
• Tema at Nilalaman – anuman ang
nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin
sa pagkasulat nito at kaisipang
ibinahagi.
SANGKAP NG SANAYSAY
• Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng
sanaysay ay isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng
mga mambabasa; ang maayos at lohikal na
pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa
sa sanaysay.
SANGKAP NG SANAYSAY
• Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at
istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin
sa pagkaunawa ng mambabasa;
• Higit na mabuting gumamit ng simple, natural
at matapat na mga pahayag.
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting
Mananaysay:
• May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa.
• Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
• Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad
ng ideya.
• Malinaw at hindi madamot o matipid sa
pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa
paksa.
• May kakayahang pumukaw o manghikayat ng
mambabasa.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!

23

You might also like