Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Layunin:

Mapag-usapan ang iba’t ibang mga


isyu o problemang kinahaharap sa
loob at labas ng bansa.
Sa bahaging ito ng aralin tatalakayin ang
mga napapanahong isyu sa loob at labas ng
bansa gamit ang wikang Filipino. Sa
ganitong paraan, dadaloy ang kaalaman at
malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo
ng isang magandang lipunan at bansa.
Ang Sistemang
Ekonomiko ng Pilipinas sa
Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, nananatiling suplayer ng
hilaw na materyales, mga produktong
pangkonsumo (consumer goods) na karaniwa’y
semi-manupaktura (semi-processed) lamang, at
mga manggagawa ang Pilipinas ng ibang
mauunlad na mga bansa.
Ang mga korporasyon sa Pilipinas naman ay
karaniwang pagmamay-ari ng mga dayuhan, at
ang ibang mga lokal na korporasyon naman ay
may mga stock share na pagmamay-ari rin ng
mga dayuhan. Nakatatanggap naman ang
Pilipinas ng mga pautang.
Kung susuriing mabuti, lugi ang Pilipinas sa
ganitong kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas
malaki ang halaga ng iniimport ng bansa lalo na
ang makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas
na interes sa pautang kaysa halaga ng inilulunsad
nito. Sa ganitong kalakaran, tila kolonya pa rin ng
mas mauunlad na bansa ng Pilipinas.
Mahalaga ang pagkakaroon ng masigla at
matibay na agrikultura at industriya sa paglikha
ng empleyo, pagtaas ng kakayahang bumili ng
masang anakpawis, at pagpapatatag ng
produktibong kapasidad ng local na ekonomiya.
Ngunit, maliit ang pagpapahalaga ng pamahalaan
sa agrikultura, habang ang industriya naman ay
kiling sa dayuhang namumuhunan.
Sa sektor ng agrikultura naririyan rin ang
sistemang hacienda. Sa kabila ng programa sa
reporma sa lupa ng gobyerno, malaking porsyento
ng lupain sa bansa ang pag-aari g iilang pamilya
lamang. Maging ang mga lugar na urban na
pinagsulputan ng napakaraming mga
condominium ay monopolisado na ng iilang
pamilya na may kontrol sa industriyang real estate.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago
ng ekonomiya sa makroekonomikong antas ay
hindi nararamdaman ng napakaraming
mamamayan. Ang pinakamayayamang pamilya
lamang na may kontrol sa malalaking negosyo at
malalaking parsela ng lupa ang higit na
nakikinabang sa paglago ng ekonomiya.
Sa kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at
industriya, hindi lumilikha ng sapat na trabaho
ang ekonomiya para sa milyong pwersa sa
paggawa. Kung may trabaho man ay hindi sapat
ang kinikita ng isang karaniwang manggagawa
para buhayin nang marangal ang kanyang
pamilya.
Lalong nalulubog sa kahirapan
ang karamihan ng mga Pilipino,
samantalang may napakakitid na
bahagi ng populasyon na
nagkakamal ng labis-labis na tubo.
Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy
sa kawalan ng kakayahan ng
isang indibidwal na tustusan ang
kanyang mga pangangailangan.
Kakulangan ito ng salapi at
pagkakaroon ng pagmamay-ari.
Mga dahilan ng Paglaganap ng
kahirapan sa lipunang Pilipino
Pagtaas ng Populasyon
Ang populasyon ay ang tiyak na
bilang ng mga taong naninirahan sa
isang tiyak na pook o lugar.
111.5 milyon na ang kasalukuyang
populasyon sa Pilipinas na katumbas
ng 1.41% ng kabuuang populasyon ngg
mundo.
Kasabay ng paglaki ng
populasyon ay pagdami rin
ng mga indibidwal na
mangangailangan ng mga
resorses para mabuhay sa
kabila ng limitadong
mapagkukunan.
Kawalang ng trabaho at opurtunidad
sa pagkakakitaan
Ang kawalang ng hanapbuhay ay
nangngahulugan din ng kahirapan
dahil sa kawalan ng salapi na
ipangtututos sa mga
pangangailangan.
Mga dahilan kung bakit nawawalang
pagkakakitaan ang isang tao:

1. Lokasyon- may mga lugar sadya na


kulang sa mga opurtunidad na
pagkakitaan.
2. Kakulangan sa edukasyon at
kasanayan- Ang bawat trabaho at
negosyo ay nangangailangan ng sapat
na kaalaman at husay sa paggawa
upang maging matagumpay at upang
magampanan ang gawaing kaugnay ng
mga ito.
3. Mataas na istandard ng mga
employer- hindi lingid na sa Pilipinas
ay palaging tinitingnan ang natapos ng
isang indibidwal kapag siya ay nag-
aaplay at ito rin ang karaniwang
nagiging basehan kung siya ay
matatanggap o hindi.
4. Kawalan ng kompyansa sa sarili-
Sa paghahanap ng trabaho o sa
pagtatayo ng Negosyo mahalaga
ang pagkakaroon ng tiwala sa
sarili upang ito ay maging
matagumpay.
5. Kawalan ng pagnanais
May mga pagkakataon na nasa
paligid lamang ang opurtunidad
ngunit kung ang isang tao ay wala
talagang kagustuhang kumilos para sa
kanyang sarili ay wala talagang
mangyayari.
6. Kakulangan sa suporta at makabagong
kaalaman
Mahalaga sa bawat tao na makatanggap ng
tulong upang mas madali niyang makamit ang
kayang mga ninanais.
Sa patuloy na pagbabago ng kalagayan ng
ating buhay kinakailangan nating makisabay
at makiangkop sa mga ”trends” nang
saganoon ay hindi tao mapag-iwanan.
7. Sakuna
Maraming mga hindi inaasahang
panyayari ang maaaring makasira sa
pinagkakakitaan/pinagtatrabahuhan ng
isang tao, gaya ng mga pagkasira na
dulot ng hagupit ng kalikasan, gulo na
dulot ng kapwa tao at ang pagkakaroon
ng peste at sakit.
Dimaayos na Pamamalakad ng mga
namumuno
Kapag tinanong mo ang isang mag-aaral sa
sekundarya kung ano ang sanhi ng kahirapan,
bukod sa kawalan ng trabaho ang karaniwang
tugon nila ay ang pagkakaroon ng korapsyon.
Ibig-sabihin lamang na tunay na hindi maiikaila
na mayroong anumalya sa pamamaraan ng
pamamahala sa ating gobyerno.
Mga sitwasyong nagpapakita ng
pag-abuso sa kapangyarihan:

1. Pagkakaroon ng mg proyekto na
hindi na dumaan sa ”bidding”.
2. Paglalaan ng mga proyekto na
pangpamahalaan upang makinabang
ang mga sariling ari-arian.
3. Pagkakaroon ng mga ”ghost
recipient”

4. Kawalan ng ”Transparency” sa mga


paggastos ng pundong galin sa kaban
ng bayan.
5. Paggamit ng katungkulan upang
italaga ang mga kamag-anak at
kasangga sa iba’t ibang posisyon.

6. Paggamit ng kampanyarihan upang


pakilusin ang mga mamamayan nang
naaayo sa sariling kagustuhan.
Mga epekto ng
Kahirapan
Kahirapan ang pangunahing dahilan ng
malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang
humahadlang sa mga pamilya na makabili
ng masustansyang pagkain at kasabay nito
ang pagpapabaya sa kalusugan ng maraming
mamamaya g Pilipino.
Aling parte ng katawan mo ang
kayang mong ibenta?
Pagpasok sa ilegal na mgagawain.
Pagsusugal
Pagtutulak ng illegal na droga
Prostitusyon
Animal and Human trafficking
Pagpatay
Gawain:
Magbahagi ng isang Negosyo na iyong nais simulant
kung sakali sa hinaharap.
Ilarawan ang iyong ninanais na Negosyo mula sa
kalikasan nito at kung papaano ito patatakbuahin.
Ipaliwanag din kung bakit ito ang napili at kung
bakit sa palagay mo ito ay magtatagumpay.
Ang Gawain ay matatagpuan sa google classroom.
Maraming salamat sa
pakikinig!!!!

You might also like