Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 8: Paghahambing sa

Dawalawang Ama
Paghahambing sa Dalawang Ama
98: Sandaling tumigil itong nananangis binigyan panahon luha’y tumagistis niyong
naaawang morong nakikinig sa habang ay halos magputok and dibdib

99: Tinutop ang puso at saka nagsaysay, “kalian”, aniya, “luha ko’y bubukal ng habag kay
ama at panghihinayang para ng panaghoy ng nananambitan?”

100: Sa sintang inagaw ang itinatangis, dahilan ng aking luhang nagbabatis yao’y
nananaghoy dahil sa pag-ibig sa amang namatay na mapagtangkilik

101: Kung ang walang patid na ibinabaha ng mga mata ko’y sa hinayang mula sa mga
palayaw ni ama’t aruga malaking palad ko’t matamis na luha

102: Ngunit ang nananahang maralitang tubig sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig,
kay ama nga galling dapuwa’t sa bangis, hindi sa andhuka at pagtatangkilik
Paghahambing sa Dalawang Ama
103: Ang matatawag kong palayaw sa akin ng ma ko’y itong ako’y paliluhin, agawan ng
sinta’t panasa-nasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil

104: May parang kong anak na napanganyaya, ang layaw sa ama’t dusa’t pawang luha,
hindi nakalasa[ kahit munting tuwa sa masintang inang pagdaka’y Nawala

105: Napahinto rito’t narinig na muli ang panambitan niyong natatali, na ang wika’y
Laurang aliw niring budhi, paalam ang abang kandong ng pighati.

106: Lumagi ka nawa sa kaligayahan, sa harap ng ‘di mo esposong katipan at huwag mong
datnin yaring kinaratnan, ng kasing nilimot at pinagliluhan.

107 Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, mahal ka ring lubha din sa panimdim at
kung mangyayari, hanggang sa malibing, ang mga buto ko, kita’y sisintahin.
● Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante dahilan sa isang Morong na nakikinig sa kanya. Nabatid niyang
napaiyak ang Moro dahil sa ang kanyang sinisinta ay inagaw ng sariling ama. Samantalang si Florante
naman ay namaalam na kay Laura at pinagdasal na sana ay maging masaya ito sa piling ng iba

You might also like