Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang Dipang Langit

Ni Amado V. Hernandez

Analysis
Pagsusuri sa Diksyon
Isa sa mga isinasaalang-alang sa tula ng mga manunulat ay ang
diksyon sapagkat ito ang bubuo sa mensahe at pag-unawa ng mga
mambabasa. Sa tulang Isang Dipang Langit ay angkop ang mga
napili ng awtor na salita. Ito ay may pagkakaugnay-ugnay sa kung
ano ang nais na ipahayag, tulad ng sa isang salitang napili sa isang
taludtod ay akma at nabibigyang linaw na kasunod na salita.
Ang ilan sa mga salitang naihayag ay halos mauunawaan ng mga
mambabasa sapagkat ito ay may malapit na pagpapakahulugan sa
ibang salita. Halimbawa ay sa salitang tanikala, ito ay mauunawaan
rin na nangangahulugang kadena. Dito naipakita na pumili ang
awtor ng mga salita na mas magandang pakinggan ang tono at
kung ano ang angkop na gamitin sa tula. Halos ang mga salitang
napili ay angkop sa konteksto ng sinasabi.

You might also like