Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

“EPEKTO NG CELLULAR PHONES SA PAG-UUGALI NG MGA

ESTUDYANTE NA NASA UNANG TAON NG


KOLEHIYO SA ST. JOHN COLLEGES
TAONG 2021-2022.”
Soriano, Joshua
Tady, Christian Angelo M.
Tulaylay, Rizza Mae C.
Talaan ng Nilalaman
KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
• Panimula
• Kaligiran ng Pag-aaral
• Batayang Teoretikal
• Batayang Konseptwual
• Paglalahad ng Suliranin
• Hinuha
• Saklaw at Hangganan
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Katuturan ng mga Katawagan
KABANATA 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
KABANATA 3. METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
• Disenyo ng Pag-aaral
• Respondente at Populasyon
• Pamamaraan ng Pananaliksik
KABANATA 1. ANG
SULIRANIN AT
KALIGIRAN NITO
Panimula
Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabagong kasangkapan,
aparato at kagamitan na makakatulong sa pang araw-araw na
pamumuhay ng mga tao. Ang Cellular phone na isa sa mga
pangunahing kasangkapan na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon
partikular na ang pagtawag at paghahatid ng mga mensahe sa
pamamagitan ng tinatawag na text.Sa pagdami ng gumagamit ng
cellular phone ay ang unti-unting paglitaw ng mga epekto nito mapa
negatibo man o positibo sa mga kabataan kabilang na ang mga
estudyante.Makikita na di lamang sa pang araw araw na pamumuhay
nakakaapekto ang Cellular phone maari din nitong maimpluwensyahan
ang pag iisip at pag uugali ng mga estudyante.
Kaligiran ng Pag-aaral
● Karamihan sa mga kabataan ay mayroon ng kanya kanyang cellphone na
ginagamit sa iba’t ibang paraan tulad ng komunikasyon, pakikipagkaibigan,
pag konekta sa iba’t ibang social media.
● Nakakaapekto ang cellularphone di lamang sa pang araw araw na
pamumuhay kundi pati na rin sa pag uugali o personalidad ng isang tao.
● Isang halimbawa na lamang ang mga social media na isa sa pinaka gamit na
aplikasyon sa cellphone sa pamamagitan ng mga aplikasyon na ito maaaring
magkaroon ng kabatiran ang isang tao sa kondisyon o isyu na kinakaharap
ng isang bansa at ang mga hakbangin ng isang tao patungkol sa mga nabasa
ang magsisilbing basehan sa kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa
paghubog at pag unlad ng pag uugali o personalidad ng isang tao.
Batayang Teoretikal
● Maraming salik ang nakaaapekto sa pagbabago ng pag-uugali mga tao
maaaring dahil sa mga kaganapan sa kanilang kalikasan o pagkatuto gaya ng
mga teorya sa social learning ni Albert Bandura.
● Ayon sa social learning theory ni Banduria, madaming proseso ang maaaring
magamit ng isang tao. Dalawa sa mga ito ay and Victorious Conditioning o
ang pagkatuto mula sa kinalabasan ng gawain ng iba o ng observational
learning o pagkatuto batay sa panunuod lamang sa iba. Ito ang kadalasang
salik ng pagbabago ng pag-uugali ng tao at dahil nga laganap na ang cellular
phones na kahit bata ay maaaring gumamit. Dahil lantad na rin ang mga
kabataan sa pag gamit ng sosyal midya aplikasyons, dito na nararanasan o
nangyayari ang pagkatuto na humahantong sa aplikasyon sa sarili ng isang
taong gumagamit nito.
Batayang Konseptwual
Ang batayang konseptwal ay kinapapalooban ng pinagbabatayan, proseso,
at resulta o kinalabasan. Kung saan maipapakita ang naging pag daloy ng
pananaliksik.

Pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral tungkol sa naging epekto ng paggamit ng


mga cellularphones at makabagong teknolohiya sa mga estudyante. Ang
bahaging ito ay binuo ng Input, Proseso, at kinalabasan o Awtput.
Proseso
Input  
  Ipamamigay ang mga Awtput
Nais malaman ng mga kwestyuneyr sa mga  
mananaliksik kung ano ang respondente upang Malalaman ng mga
mga naging epekto sa makalap ang mga mananaliksik kung ano
estudyante ng impormasyon. ang mga naging epekto
paggamit/pagkakaroon ng   sa pag-uugali ng mga
cellularphones at iba g-   estudyante ang paggamit/
uugpang makabagong   pagkakaroon ng
teknolohiya.   cellularphones at
    irerekomenda ang plano
1. Sa paali   batay sa resulta.
2. Sa pagiging    
Produktibo    
 
Paglalahad ng Suliranin
● Ang pag aaral na ito ay deskriptibong pagsusuri na naglalayong malaman
ang mga naging epekto ng paggamit o pagkakaroon ng cellularphone sa
paguugali ng mga piling mag aaral na nasa unang taon ng paaralang St.
John Colleges taunang 2021-2022. Kalakip ng bahaging ito ng pag aaral
ang mga katanungang nais masagot ng mga mananaliksik.
1.May kaugnayan ba ang pagkakaroon ng cellularphone sa pagbabago
pag uugali ng mga estudyante?
Batay sa mga sumusunod
1.1 Oras ng paggamit ng cellularphone
1.2 Sa pinagagamitan o pinaglalaanan ng cellularphone
2.Ano-ano ang mga naging epekto ng paggamit o pagkakaroon ng
cellularphone?
Batay sa mga sumusunod
1.1 Negatibong epekto
1.2 Positibong epekto
3.Mga implikasyon ng resulta ng isinagawang pag aaral?
Hinuha
Hinuha para sa unang katanungan..

Ho: Ang pagkakaroon ng cellularphones at makabagong


teknolohiya ay may ugnayan sa pagbabago ng paniniwala,
kakayahan at kabuuang pag-uugali ng mga estudyante?

Ha: Ang pagkakaroon ng cellularphones at makabagong


teknolohiya ay walang ugnayan sa pagbabago ng paniniwala,
kakayahan at kabuuang pag-uugali ng mga estudyante?
Saklaw at Hangganan
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus at nakalimita lamang sa epekto ng
cellular phones sa pag-uugali ng mga mag-aaral na nasa unang taon
sa kolehiyo sa St. John College taong 2021-2022. Ang mga
mananaliksik ay nangalap ng datos sa mga piling mag-aaral sa
pamamagitan ng kwestyuneyr na naglalaman ng mga kaukulang
katanungan patungkol sa isinasagawang pag-aaral. Ang pananaliksik
na ito ay ginawa sa kabuuan ng pre-finals at finals na may
dalawampu’t-lima (25) na mag-aara.Susuriin ang mga piling mag-
aaral kung ano-ano ang mga epekto ng cellular phones at
makabagong teknolohiya sa kabuuang pag-uugali nila.
Kahalagahan ng Pag-aaral

● Sa Administrasyon
● Sa Dean.
● Sa mga guro.
● Sa mga magulang.
● Sa mga mag-aaral.
Katuturan ng mga Katawagan
● Cellular phones.
● Makabagong teknolohiya.
● Pag-uugali.
KABANATA 2. MGA KAUGNAY
NA LITERATURA
KAUGNAY NA LITERATURA
● Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga
babasahin na may kinalaman sa mga kagamitang pagtuturo, epekto at
antas ng paggamit nito. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-
ambag sa napapanahong mga isyu partikular sa larangan ng edukasyon.
● Napaganda, napabilis, napaayos at napadali ng ilang siglong pag-aaral ang
mekanismo ng teknolohiya. Ang versatility nito ay isang resulta ng
pagiging malikhain at matiyaga ng mga tao. Naituring ang cellular phones
na isa sa pinakamagandang nalikha ng tao sapagkat isa itong
makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa halos lahat ng bahagi ng
mundo upang maging mas maayos at madali ang buhay (Florentino,D.,
2009)
KABANATA 3
METODOLOHIYA AT
INSTRUMENTO NG
PANANALIKSIK
Disenyo ng Pag-aaral
● Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptibong
pagkalap at pagpapaliwanag, sapagkat naaangkop ito sa mga
mag-aaral na may malalim at malinaw na pagkilala sa sarili
tungkol sa pagbabago ng kanilang pag-uugali dahil sa
pagkakaroon ng cellular phones.
● Marami itong epekto sa kanilang pag-aaral pati na rin sa
kanilang sarili, at sa kanilang kinabukasan.
● Susuriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman,
damdamin, kaisipan, at pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa
mga naging epekto ng pagkakaroon ng cellular phones.
Respondente at Populasyon
Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung estudyante
na nasa Unang taon sa Kolehiyo na nagsilbing respondente
na magiging tagatugon para sa gagawing interbyu. Ang
pagpili ng respondente mula sa St. John College ay
gagamitan ng random sampling sapagkat pili lamang ang
mga estudyanteng na bibigyan ng katanungan para sumagot
sa mga tanong
Pamamaraan ng Pananaliksik
● Sinimulan ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa kabanata l at ll
kung saan nakasaad ang mga pangunahing suliranin ng pag-aaral, at ang
mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pag-aaral.
● Sunod nito ang pagpili ng magiging respondente at pagdetermina ng
gagamiting disenyo ng pag-aaral, instrumento, mga hakbangin na
gagamitin sa pagkalap ng mga datos at pag aanalisa ng mga makukuhang
impormasyon mula sa mga tagatugon.
● Mula rito, bubuo ng mga tanong ang mga mananaliksik tungkol sa mga
naging epekto ng paggamit ng cellularphone sa pag-uugali ng mga
responddente. Sumunod dito ay magtatanong ang mga respondente ng
iskedyul kung kailan maaaring maganap ang interview na sasagutin ng
mga estudyante na magmumula sa unang taong ng kolehiyo sa St. John
Colleges Taong 2021-2022.
● Matapos ang nasabing interview sa pagitan ng mga
mananaliksik at mga respondente, ang mga
mananaliksik ay gagawin ang proseso ng pag aanalisa
sa mga datos na nakalap, ito ay sa pamamagitan ng pag
”quotation” sa mga sinabi ng mga tagatugon upang
malamang ang kongretong epekto ng cellular phones sa
kanilang pag-uugali.

● Sa huli, ay inaasahang magbibigay konklusyon ito sa


mga suliraning inilahad sa naunang kabanata, at
magiging tuluyang benepisyal sa mga tao at
institusyong sakop ng kahalagahan ng pag-aaral.

You might also like