Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAANO AT SAAN NAGMULA

ANG SANLIBUTAN?

• Sino ang lumalang sa sanlibutan?


• Sino ang lumalang sa tao?
Ano ang sinasabi ng Biblia sa pasimula ng
sanlibutan?

Genesis 1:1
“Nag pasimula ay nilikha ng Diyos ang lahat
ng bagay.”
Sino ang tumulong sa paglikha ng
sanlibutang ito?

Hebreo 1:1,2
“Ang Diyos na nagsalita noong unang panahon sa ating
mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang
paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita sa
atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng
KANYANG ANAK, na siyang itinalaga na tagapagmana
ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman Niya’y
ginawa ang sanlibutan.”
Sino ang ikatlong Persona na tumulong sa
paglikha ng sanlibutang ito?

Genesis 1:2
“At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at
ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at
ang ESPIRITU NG DIYOS ay sumasa ibabaw ng
tubig.”
Ilan ang sinasabi ni Jesus na bumubuo sa
Pagka-Diyos?

Mateo 28:19
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong
mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y
inyong bautismuhan sa pangalan ng AMA at ng
ANAK at ng ESPIRITU SANTO.”
Ano ang sinasabi ng Bibliya sa taong nag-
sasabing walang Diyos?

Awit 53:1
“Ang MANGMANG ay nagsabi sa puso
niya, walang Diyos.”
Sino ang lumalang ng mga punong kahoy at mga
hayop sa pasimula ng ating mundo?
Genesis 1:11
“At sinabi ng DIYOS, sibulan ang lupa ng damo, pananim na
nagkakabinhi, at punong kahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa
ibabaw ng lupa, at nagkagayon.”

Genesis 1:25
“At nilikha ng Diyos ang ganid sa lupa, ayon sa kaniyang
uri, at ang hayop ayon sa kanyang uri, at ang bawat
umuusad sa lupa ayon sa kani-kaniyang uri; at nakita ng
Diyos na mabuti.”
Ang tao ba’y nagsimula sa sambahayan ng mga hayop?
Kung hindi, kanino siya iniwangis sa pasimula?

Genesis 1:27
“At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa
kanyang sariling larawan, ayon sa
LARAWAN NG DIYOS siya nilalang;
nilalang Niya sila na lalaki at babae.”
Ano pa ang nilalang ng Diyos?
Genesis 1:16
“At nilikha ng Diyos ang dalawang malaking tanglaw:
ang malaking tanglaw (and ARAW) ay upang
magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw (ang
BUWAN) ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin Niya
ang mga bituin.”
Sino ang sinasabi ni David na lumalang sa mga bituin at
mga buntala sa daigdig na ito?

Awit 19:1
“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng
DIYOS; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng
KANYANG kamay.”

Awit 8:3
“Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang
GAWA NG IYONG MGA DALIRI, ang buwan at
mga bituin na Iyong inayos.”
Paano nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay?
Awit 33:6,9
“Sa pamamagitan ng SALITA NG
PANGINOON ay nangyari ang mga langit;
at lahat ng natatanaw roon ay sa
pamamagitan ng HINGA NG KANYANG
BIBIG. Sapagkat SIYA’Y NAGSALITA, at
nagyari; SIYA’Y NAG-UTOS, at tumayong
matatag.”
Paano lamang natin mauunawaan ang kakayahan ng Diyos na
lumalang ng isang bagay mula sa bagay na hindi nakikita o
wala?

Hebreo 11:3
“SA PANANAMPALATAYA ay natalastas
natin na ang sanlibutan ay natatag sa
pamamagitan ng SALITA NG DIYOS, ano
pa’t ang nakikita ay hindi ginawa sa mga
bagay na nakikita.”
Sa katapusan ng isang lingong panahon ng paglalang, paano
ipinagdiwang ng Diyos ang kanyang kahanga-hangang gawain?

Genesis 2:1-3
“At nangyari ang langit at ang lupa at ang lahat na
natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng
Diyos ang Kanyang gawang ginawa. At BINASBASAN NG
DIYOS ANG IKAPITONG ARAW AT KANYANG
IPINANGILIN sapagkat siyang ipinagpahinga ng Diyos sa
madlang gawang Kanyang nilikha at ginawa.”
Job 38:4,7
“Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga
patibayan sa lupa? Ipahayag mo kung
mayroon kang unawa...nang magsi-awit na
magkakasama ang mga bituin pang-umaga,
at ang lahat ng mga anak ng Diyos ay
naghihiyawan sa kagalakan?”
Bilang mga kabataan, paano natin kikilalanin ang ating
Manlalalang? Bakit?

Ecclesiastes 12:1
“ALALAHANIN mo rin naman ang
Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong
kabataan, bago dumating ang masamang
araw, at ang mga taon ay sumapit, pagka
iyong sasabihin, wala akong kaluguran sa
mga yaon.”
Maaasahan ba ang Talubata na mauunawaan ang panukala ng
Diyos?

2 Timoteo 3:15
“At mula sa pagkasanggol ay iyong
nalalaman ang Banal na Kasulatan na
makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya kay
Cristo Jesus.”
Yamang ang Diyos ang ating Manlalalang, ano ang Kanyang
inaasahan sa Kanyang mga anak?

Ecclesiastes 12:13
“Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig:
ikaw ay MATAKOT SA DIYOS at SUNDIN
MO ANG KANYANG MGA UTOS.
Sapagkat ito ang buong katungkulan ng
tao.”

You might also like