Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Araling Panlipunan 6

Ikatlong Markahan – Modyul 6

Ang Pagtatanggol ng mga


Pilipino sa Pambansang
Interes
ROY S. FERNANDO
Manuel A. Roxas Elpidio R. Quirino Ramon F. Magsaysay
(1946 – 1948) (1948 – 1953) (1953 – 1957)
Carlos P. Garcia Diosdado P. Macapagal Ferdinand E. Marcos
(1957 – 1961) (1961 - 1965) (1965 - 1972)
Suriin

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang


Pilipinas ay maraming mga kinaharap na suliraning
panlipunan at pangkabuhayan. Ang naganap na digmaan ay
nagdulot ng pagkalugi ng mga lokal na industriya. Tulad ng
bigas, asukal, pagmimina at paghahayupan. Naapektuhan
din ang pagluluwas ng kalakal maging ang linya ng
transportasiyon.
Dahil sa mga dinanas na suliraning pangkabuhayan,
ang Pilipino ay naging malikhain, masipag at masigasig
upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. May mga
mangangalakal na namuhunan sa pagpapagawa ng mga
palaisdaan, panaderya, paggawaan ng kape at cocoa, maging
ang paggawa ng sapatos. May mga Pilipino ring nakisosyo sa
mga dayuhang namumuhunan upang mapalago ang kanilang
mga kabuhayan. Dagdag pa dito, ang mga dating G.I. jeep at
mga trak ng mga sundalong Amerikano ay ginawa nilang mga
sasakyang pampasahero.
Maging ang pamahalaan ay gumawa rin ng mga
hakbang upang patataging muli ang pambansang interes.
Ang Pangulong Manuel Roxas ay humingi ng tulong sa
USA at bilang tugon ay ipinadala si Senador Millard Tyding
upang siyasatin ang pinsala ng digmaan. Dahil dito
iminungkahi ng senador na magpatuloy ang palitan ng
kalakalang USA at Pilipinas. Dahil diyan, unti-unting
bumuti ang ekonomiya ng ating bansa sa panunungkulan
naman ni Pangulong Elpidio Quirino.
Sa panahon naman ni Pangulong Magsaysay,
pinagkatiwalaan niya ang mga taumbayan at binigyan niya ng
pagkakataong maisaayos ang kanilang kabuhayan. Sa ilalim
ng kanyang administrasyon, ang (NARRA) o National
Resettlement and Rehabilitation Administration ay namahagi
ng mga lupa para sa mga magsasaka. At sa pamamagitan
naman ng FACOMAS o Farmer’s Cooperative and Marketing
Association, ang mga magsasaka ay natulungan sa kanilang
pinansyal na pangangailangan upang maikalakal ang kanilang
mga pananim o anumang produktong pang- agrikultura.
Sa panunungkulan naman ni Pangulong Carlos P.
Garcia, inilunsad ng kanyang pamahalaan ang patakarang
“Pilipino Muna”, kung saan ang karapatan ng mga
Pilipino ang inuuna at higit sa lahat tangkilikin at
paunlarin muna ang industriya at kabuhayang Pilipino
bago sa mga dayuhan.
Sa ilalim naman ng panunungkulan ni Pangulong
Diosdado Macapagal, upang matugunan ang lumalalang
krisis sa kawalan ng trabaho, itinatag ang EEA o
Emergency Employment Administration. At ipinatupad
ang Land Reform Code upang maalis ang mga kasama o
mga magsasakang walang sariling lupa. Nakasaad din sa
R.A. 3844 na ang hangarin at mithiin ng gobyerno
mabigyan ng mga lupang sakahan ang mga magsasaka sa
buong bansa.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng mga
pangungusap at ekis (X) kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang
iyong mga sagot.

________1. Dahil sa napagdaanang digmaan, naging


lugmok ang ekonomiya ng bansa.
________2. Walang kasiguraduhang mapatatatag ang
kabuhayan ng Pilipinas kung kaya’t ang mga
Pilipino ay nanlumo at naghintay na lang ng
tulong.
________3. Pinagkalooban ng Pangulong Magsaysay
ang mga Pilipino ng lupang sasakahan.
________4. Unti-unting lumago ang ekonomiya ng
Pilipinas sa pamamahala ni Pangulong
Elpidio Quirino.
________5. Ang patakarang “Dayuhan Muna” ay
inilunsad ni Pangulong Garcia upang
mapatatag ang ating ekonomiya.
________6. Inilunsad ni Pangulong Macapagal ang
Emergency Employment Administration
upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng
walang trabaho.
________7. Ang mga Pilipino ay likas na tamad at
walang pagsisikap.
________8. Upang makatulong na maiangat ang kabuhayan,
maraming mga Pilipino ang namuhunan sa
pagpapagawa ng palaisdaan, paggawa ng kape
at cocoa at pagawaan ng sapatos.
________9. Iminungkahi ni Senador Millard Tyding na
magpatuloy ang kalakalan ng USA at Pilipinas.
________10. Ang mga dating G.I. jeep at trak ng mga
sundalong Amerikano ay binenta ng mga
Pilipino upang makatulong sa kanilang
pamumuhay.
TEST

You might also like