Professional Documents
Culture Documents
Week 7
Week 7
Panuto:
Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama
ang ginawang pasya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek () ang kolum ng
mabuting kilos kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti. Lagyan naman ng
ekis (X) ang kolum ng masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama.
“Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na
makatao.”
Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin
ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay
batay sa ating pagpapasya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating
isinasagawang kilos ay mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang Moral na Kilos ay ang makataong
kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos.
Ang papel naman ng kilos-loob ay tumungo sa layunin o intensiyon ng
isip.
Dalawang Uri ng Kilos:
Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung masama
ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit na mabuti ang
panlabas.
Halimbawa: