Esp5 Q4 M6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Pagpapadama ng

Pagtulong at Pagkalinga
sa Kapwa
Module 6
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang tungkol sa pagtulong sa ating
kapwa, na kahit ikaw ay nasa murang edad pa lamang ay nararapat
mo nang matutuhan o makasanayan ang pagtulong o pagmamalasakit
sa ating kapwa.
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagtulong ay hindi lang masarap sa
pakiramdam kundi makabubuti rin sa ating kalusugan. Dahil kung
tayo ay palaging nakatutulong tayo rin ay palaging masaya at dahil
dito mababawasan ang sanhi ng ating kalungkutan sa ating
damdamin at magiging positibo ang ating mga pananaw sa ating
buhay.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagtulong at
pagkalinga sa kapwa
1.1 Naipakikita ang bukal sa loob na pagtulong
sa kapwa
1.2 Nasasabi ang epekto ng pagkalinga sa kapwa
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon at sagutin nang
tama ang mga sumusunod na tanong:
1. Si Arya ay mahusay sa araling Matematika. Sa online class nila
napansin niyang hirap intindihin ni Nancy ang kanilang paksa
tungkol sa fraction, kaya humingi ng tulong si Nancy sa kaniya sa
pamamagitan ng private message upang magpaturo. Alin sa mga
sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamalasakit kay Nancy?
A. Tuturuan ni Arya si Nancy sa kanilang aralin kung saan siya
nahihirapan.
B. Sasabihan ni Arya na madali lang naman ang paksa at
pagtawanan si Nancy.
C. Ipagkakalat sa FB na hindi maintindihan ni Nancy ang tungkol
sa aralin.
D. Tuturuan ni Arya si Nancy kung ililibre siya nito ng meryenda.
2. Ngayong panahon ng pandemya, ipinatutupad ang pagsuot ng
facemask at face shield tuwing kinakailangang lumabas ng bahay
upang maiwasan ang pagkahawa mula sa virus na COVID-19. Ano
kaya ang nararapat gawin ng isang batang katulad mo upang
makatulong sa ating kapwa?
A. Sumunod sa mga health protocols kapag may nagbabantay
lamang.
B. Sumunod as pinapatupad na health protocols upang makaiwas
sa Covid19
C. Sumunod sa pagsusuot ng face mask at alisin ito kapag
nainitan.
D. Ilagay mo ang face shield sa ibabaw ng iyong ulo para hindi
sagabal.
3. Napanood ni Marian sa balita na binaha ng Bagyong
Auring ang kanilang probinsiya kung saan marami ang
lumikas sa evacuation center. Marami siyang mga lumang
damit na maaari pang mapakinabangan, ano kaya ang
nararapat niyang gawin?
A. Magkukunwaring hindi niya ito alam.
B. Sasabihin niya sa kaniyang nanay na tumulong sila sa
kanilang mga kababayan.
C. Bayaan na lang ang balitang ito, malayo naman sila sa
kanilang probinsiya.
D. Sisisihin niya ang kaniyang mga kababayan dahil sa
pagputol ng mga puno.
4. May nasunugan sa lugar nina Anton, ano kaya ang
maaari niyang gawin upang makatulong siya sa
kanila?
A. Maghanap ng mga maaaring maitulong sa mga
nasunugan.
B. Ipagwalang-bahala na lamang ang mga
nasunugan.
C. Umiwas sa pagtulong sa mga nasunugan dahil
nakakapagod ito.
D. I-post mo sa FB ang nangyari at sisihin ang mga
nasunugan.
5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng
kusang-loob na pagtulong sa ating kapwa na
nangangailangan?
A. Si Weng na madalas tumulong kapag may
nakakakita lamang.
B. Naghihintay ng kapalit si Rey sa pag-alalay niya
sa isang lola na tatawid sa kalsada.
C. Kusang-loob na tumutulong si Anne sa
paghahanda ng mga relief goods na ibibigay sa mga
nabaha.
D. Sumasama lamang si Lea sa pagtulong dahil may
libreng meryenda sa barangay.

You might also like