June 18 2022 CORPUS CHRISTI

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 116

ORATIO IMPERATA PARA SA PROTEKSYON

LABAN SA COVID-19

Mahabagin at mapagmahal na Ama,


nagsusumamo kami sa iyo upang
hilingin ang iyong patnubay laban sa
Covid-19 na nagpapahirap sa
marami at kumitil na ng mga buhay.
Tunghayan mo kami nang may
pagmamahal at ipag-adya kami ng
iyong mapaghilom na kamay mula
sa takot sa karamdaman at
kamatayan. Itaguyod mo kami sa
pag-asa at patatagin sa
pananampalataya.
Gabayan mo ang mga dalubhasang
naatasan na tumuklas ng mga lunas at
paraan upang ihinto ang paglaganap
nito. Nagpapasalamat kami sa mga
bakunang naisulong sa patnubay ng iyong
mga kamay. Pagpalain mo ang aming
mga pagsisikap na mawakasan ng mga
bakuna ang pandemya sa aming bayan.
Patnubayan mo ang mga lumilingap sa
may sakit upang ang kanilang
pagkalinga ay malakipan ng husay at
malasakit. Pagkalooban mo sila ng
kalusugan sa isip at katawan,
katatagan sa kanilang paninindigang
maglingkod at ipagsanggalang sa
karamdaman.
Itinataas namin ang mga
nagdurusa. Makamtam nawa nila
ang mabuting kalusugan. Lingapin
mo rin ang mga kumakalinga sa
kanila. Pagkamitin mo ng
kapayapaang walang hanggan
ang mga pumanaw na.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na
magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng
lahat. Pukawin sa amin ang
pagmamalasakit sa mga nangangailangan.
Sa pagdamay at malasakit namin sa bawat
isa, malampasan nawa namin ang krisis na
ito at lumago sa kabanalan at pagbabalik
loob sa iyo.
Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo na
nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang
hangan.
Amen.
Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal
na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming
mga kahilingan sa aming
pangangailangan at ipagadya mo kami sa
lahat ng kasamaan, maluwalhati at
pinagpalang Birhen.
Amen.
Ipanalangin mo
kami.
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang
kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani sagana
Sa panahon ng digmaan at
kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang
kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo ang api at
sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang
kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
(Sa ngalan …)

Amen
(Sumainyo ang Panginoon)

At sumainyo rin.
Inaamin ko sa makapangyarihang
Diyos at sa inyo, mga kapatid, na
lubhan akong nagkasala (lahat ay
dadagok sa dibdib) sa isip, sa
salita, sa gawa at sa saking
pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na
Birheng Maria, sa lahat ng mga
anghel at mga banal at sa inyo,
mga kapatid, na ako’y
ipanalangin sa Panginoong ating
Diyos.
(patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan)

AMEN
Panginoon, kaawaan
mo kami.
Kristo,
kaawaan mo kami.
Panginoon,
kaawaan mo kami.
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
At sa lupa'y kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin dinarangal ka
namin
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
Pinasasalamatan ka namin dahil
sa dakila Mong angking
kapurihan.
Panginoong, Diyos, Hari ng langit.
Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat.
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Panginoong Diyos,
Hesukristo, bugtong na
Anak.
Panginoong Diyos, Kordero
ng Diyos Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng
sanlibutan
Maawa ka, maawa ka
sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin mo, tanggapin
mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa
kanan ng Ama.
Maawa ka, maawa ka sa
amin.
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Sapagkat Ikaw lamang ang
banal.
Ikaw lamang ang Panginoon.
Ikaw lamang O Hesukristo
ang kataas taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa
kadakilaan ng Diyos Ama.

Amen..Amen..Amen. Amen.
Amen...
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Gloria! Gloria! in
excelsis Deo!
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos
sa kaitaasan!
At sa lupa’y kapayapaan, at sa
lupa’y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal
Ka namin.
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi
Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin, dahil sa
dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng Langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na
Anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos
sa kaitaasan!
Ikaw na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng
sanlibutan,
Maawa Ka, maawa Ka sa
amin
Ikaw na nag-aalis
Ng mga kasalan ng sanlibutan,
Tanggapin Mo ang aming
kahilingan. Tanggapin Mo ang
aming kahilingan.
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama,
maawa Ka, maawa Ka sa amin.
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos
sa kaitaasan!
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at
ang kataas-taasan
Ikaw lamang O Hesukristo, ang
Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa
kadakilaan,
Ng Diyos Ama, Amen, ng D’yos Ama,
Amen.
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos!
Papuri sa D’yos
sa kaitaasan!
(Magpasawalang hanggan.)

AMEN
PAGBASA MULA SA
AKLAT NG
GENESIS
Gen 14:18–20
(Ang Salita ng Diyos)

Salamat sa Diyos, salamat sa


Diyos sa wika mong banal,
salamat po. Salamat sa Diyos,
salamat sa Diyos sa bugtong
mong Anak, salamat po.
(Ang Salita ng Diyos)

Salamat sa
Diyos.
IKA’Y PARING
WALANG HANGGAN
KATULAD NI
MELQUISEDEC
PAGBASA MULA SA
UNANG SULAT NI
APOSTOL SAN PABLO SA
MGA TAGA-CORINTO

1Cor 11:23-26
(Ang Salita ng Diyos)

Salamat sa Diyos, salamat sa


Diyos sa wika mong banal,
salamat po. Salamat sa Diyos,
salamat sa Diyos sa bugtong
mong Anak, salamat po.
(Ang Salita ng Diyos)

Salamat sa
Diyos.
Aleluya, Aleluya,
Aleluya, Aleluya,
Aleluya, Aleluya
(Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan )

Papuri sa iyo, Panginoon


Mabuting
Balita
Jn 16:12–15
(Ang Mabuting Balita ng Panginoon)

Pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo.
(Ang Mabuting Balita ng Panginoon)

Pinupuri ka namin, pinupuri


ka namin, pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang
makapangyarihan
sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa
Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat,
nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo, ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao,
nang may ikatlong araw nabuhay
na mag-uli.
Umakyat sa langit. Naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at
huhukom sa nangabubuhay
at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na
Simbahang Katolika sa kasamahan ng
mga banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng
nangamatay na tao, at sa buhay na
walang hanggan.
Amen.
DIYOS NG BUHAY,
PANATILIHIN MO
KAMI
(Ngayon at magpakailanman)

AMEN
Ikaw ang alak at
tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang
aming nakamit
Pagsamo ng iyong
baya'y pakinggan
Maging marapat na
ika'y pagsaluhan
Alay na hatid sa
dambanang banal
Lakip nito'y bahagi ng
aming nakayanan
Hindi lang dahil sa
gawa naming kulang
Kundi sa pag-ibig mong
kami'y pinupunan
Ikaw ang alak at
tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang
aming nakamit
Pagsamo ng iyong
baya'y pakinggan
Maging marapat na
ika'y pagsaluhan
(Manalangin tayo…)

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayan niyang banal.
(Magpasawalang hanggan.)

AMEN
(Sumainyo ang Panginoon.)

At sumainyo rin
(Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.)

Itinaas na namin sa
Panginoon
(Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.)

Marapat na siya ay
pasalamatan
Santo, Santo, Santo,
Panginoong Diyos ng mga
hukbo.
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan Mo.
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.
Osana.
(Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.)

Si Kristo ay namatay
Si Kristo ay nabuhay
Si Kristo ay babalik sa wakas ng
panahon.
(Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.)

Aming ipinahahayag na namatay


ang iyong Anak; nabuhay bilang
Mesiyas at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
(…magpasawalang hanggan)

Amen, Amen, Amen, Amen,


Amen, Amen, Amen,
Amen.
Ama namin sumasalangit Ka,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa
langit.
Bigyan Mo [po] kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At h’wag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
(Hinihiling naming…)

Sapagkat sa’Yo ang Kaharian,


Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman,
ngayon at magpakailanman.
(Hinihiling naming…)

Sapagkat sa’Yo nagmumula ang


Kaharian, ang kapangyarihan,
At ang kaluwalhatian,
magpasawalang hanggan.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan,
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin
ang kapayapan.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka sa amin, maawa
Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin
ang kapayapan.
(Ito ang Kordero ng Diyos…)

Panginoon, hindi ako


karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.
(Magpasawalang hanggan.)

AMEN
(Sumainyo ang Panginoon)

At sumainyo rin.
(Magpasawalang hanggan.)

AMEN
(Humayo kayong lahat…)

Salamat sa Diyos.

You might also like