Eighteen years old noong una matuto mag trabaho naalala ko
pa ang una kong trabaho na kung saan nag sisimulang lumawak na ang aking mundo ito ay sa Shopping Mall o “SM” kung tawagin. Hanggang sa matapos na ang kontrata ko dito dahil noon ay kontraktwal pa humanap agad ako ng trabaho hindi pedeng hindi dahil madaming tao ang umaasa sa akin hanggang sa natanggap naman ako sa isang construction shop “Wilcon” dito una ko natutunan ang mga bagay na akala ko lalaki lang ang may alam nakakatuwang isipin na ang mga bagay na yun ay kaya ko palang gawin. Nagimg isang brand specialist ako dito. BANGHAY:
Hanggang sa nag resign ako dahil dalawang store na
ang pinahahawakan sakin Wilcon san Pablo at Batangas na kung saan ay madalas ako nabyahe at hindi kinaya ng katawan ko kaya naisipan ko na umalis. Pangatlong trabaho ko naman ay sa Camella Home San Pablo ibang first time nanaman ang naranasan ko dito at iba din ang mga tao sa paligid ko dahil sila ay mas maedad sakin dito sa trabahong ito ang hindi ko malilimutan na nakabenta ako ng bahay na halagang 1.5 milyon ang sarap sa pakiramdam na ang laki ng bigay na commission sa akin noon at akoy tuwang tuwa first time ko humawak ng ganong halaga ng pera. BANGHAY:
Hanggang na naisipan ko na kung bayaran ko na kaya ang utang ko dati
sa paaralang pinasukan ko nung college ako para makapasok at maka enroll at makapag tapos binayad ko ang ipon ko noon sa dati kong pinasukan at first time ko nag enroll sa paaralang pinapasukan ko ngayon sobrang saya ko non as in hindi ako makatulog dahil hindi ko maimagine na makakapag aral ulit ako dahil sa pagsisikap ko. Nakita ng nanay ko na officially enrolled ulit ako dun ko first time na Nakita na proud na proud sa akin ang nanay ko. At ngayon ito ako na patuloy na lumalaban at nag papaka independent woman hindi man matalino pero kaya ko malagpasan lahat ng bagay at naniniwala ako na maraming First time pa ang mangyayare sa buhay ko at ang lahat ng ito ay itinataas ko sa panginoon. BANGHAY:
1. Bakit maraming tao ang umaasa sa kaniya?
2. Ano ang naging apekto sa kaniya ng pagtatrabaho niya sa malayong lugar? 3. Bakit siya takot na takot sa syudad ng maynila? PAHIWATIG:
1. Bakit kailangan niya gumawa ng mga panlalaking trabaho
tulad ng pagpapalitada at iba pa? 2. Ano ang naging resulta ng pag gawa niya ng mga panlalaking trabaho? HINUHA:
1. Bakit mas pinili niya na sa ibang paaralan magpapatuloy
ng pag-aaral? 2. Hindi ba siya nagsisi na umalis siya sa trabaho niya sa Wilcon na tumagal siya ng isa’t kalhating taon? 3. Lumipat pa kaya ulit siya ng trabaho matapos niyang makabenta ng 1.5 milyon halaga ng bahay?