Epp4 q2 w3 San Jose Kristine Joy

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

EPP4

Pagpili ng Halamang
Ornamental na
Itatanim
Ang mga halamang ornamental ay
may iba’t ibang katangian, ito ay
may mga halaman/punong
ornamental na may mataas at may
mababa, may namumulaklak, at
di- namumulaklak, may madaling
palaguin at may mahirap
palaguin, may nabubuhay sa lupa
at may nabubuhay sa tubig. Kaya
mahalagang piliin ang itatanim na
halamang ornamental na angkop
sa lugar na pagtataniman.
Halamang Ornamental na Matataas
Ang mga punong ornamental na
mataas ay itatanim sa gilid, sa kanto, o sa
gitna ng ibang mababang halaman.
Malalaking puno at maraming mga sanga
na karaniwang tumataas ng mahigit na 7
metro kapag magulang na.
Halimbawa nito ay, Pine Tree, Red Palm,
Golden Shower Tree, Fire Tree, Ilang –
ilang, Palm Tree at iba pa.
Halamang Ornamental na Mababa
Ang mga halamang ornamental na
mababa ay itinatanim sa mga panabi o
gilid ng tahanan, maaari sa bakod, sa
gilid ng daanan o pathway. Halamang
ornamental na kabilang sa Herbs –
halamang may malambot na mga
tangkay at karaniwang nabubuhay ng
isa o dalawang taon.
Halimbawa nito ay Cosmos, Oregano,
Espada, Zinnia, Ribbon Plant at iba pa.
Halamang Ornamental na Shrub
Halamang ornamental na Shrub o
Mapalumpon. Halamang may ilang
matititgas na sanga at maaaring
gamiting pambakod. Karaniwang hindi
tumataas ng higit sa 7 metro.
,
Halimbawa nito ay Gumamela, Rosal,
Adelfa, Sampaguita, Santan at iba pa.
Halamang Ornamental na Namumulaklak
Ang mga namumulaklak na halaman/punong
ornamental ay inihahalo o isinasama sa mga
halamang di namumulaklak.
Halimbawa:
.
Halamang ornamental na namumulaklak.
Itinatanim dahil sa makukulay nilang
bulaklak atmababangong halimuyak.
Halimbawa nito ay Rosas, Adelfa, Gumamela,
Marigold, Santan, Zinnia, Bougainvillea at iba
pa.
Halamang Ornamental na Di-
Namumulaklak
Halamang hindi namumulaklak

.
ngunit may magaganda at malalapad
na dahon. Karaniwang itinatanim sa
harapan ng bahay at isinasama sa mga
halamang namumulaklak.
Halimbawa nito ay Aloevera, San
Francisco, Ribbon Plant, Espada,
Chinese Bamboo, Bermuda grass at iba
pa.
Halamang Ornamental na Madaling
Palaguin at Mahirap Palaguin

Ang mga halaman /punong


ornamental na madaling palaguin ay
maaaring itanim kahit saan ngunit ang
mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar
na aalagaan nang mabuti.
Halimbawa ay Rosas, Morning Glory,
Orchids, Sunflower at iba pa.
Halamang Ornamental na Nabubuhay sa
Tubig
Ang mga halamang nabubuhay sa lupa
ay maaaring itanim sa tamang
makakasama nito samantalang ang mga
halamang lumalago sa tubig ay maaaring
sa mga babasaging sisidlan sa loob ng
tahanan o fishpond
Halimbawa ng halamang nabubuhay sa
tubig ay Water Lily, Lotus, Water Lettuce,
at iba pa.

You might also like