Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Gateway Drugs

CINDY LOU D. CANOY


Teacher I
Suriin ang mga produktong
makikita sa larawan. Piliin ang
mga produktong may sangkap na
caffeine, tobacco at alcohol.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga produktong may


sangkap na caffeine? Tobacco?
Alcohol?
2. Ano ang pagkakaiba ng mga inumin o
pagkaing may sangkap na caffeine sa
iba pang pagkain?
3. Anu-ano ang mga produktong may
tobacco o nicotine?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4. Mayroon bang miyembro ng inyong


pamilya na gumagamit ng mga
produktong ito?
5. Anu-ano naman ang mga produktong
may sangkap na alcohol?
6. Mayroon bang miyembro ng inyong
pamilya ang komukunsumo ng mga
produktong may sangkap na alcohol?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

7. Makabubuti ba ang pagkain o pag-


inom ng mga pagkaing may sangkap
na alcohol o caffeine?
Pag-aralan Natin:

Bihira sa mga taong gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot tulad ng heroin o
cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway drugs.
Unang hakbang sa paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga
gateway drugs tulad ng mga pagkaing may
caffeine, tobacco at alcohol.
Para sa maraming tao, ang pag- inom ng
kape ay karaniwang inumin lamang ngunit
lingid sa kanilang kaalaman, nagiging daan
ito sa pagkagumon.
Unang hakbang ang pag-inom ng kape, ang
pagkonsumo ng higit sa 100mg nito ay nagdudulot sa
pagkadepende ng isang tao sa pag- inom nito, ang
pag- inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer
at alak ay nagdudulot din ng adiksyon, gayundin ang
paggamit ng sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit
ng marijuana at iba pang ipinagbabawal na gamot.
Maraming tao ang inihahalintulad
ang paninigarilyo sa pag- inom ng
kape. Madalas ito ang nagiging
sanhi o simula ng paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang taong
natutong manigarilyo, karamihan
ay nauuwi sa paggamit ng ilegal na
droga, at karaniwang nagiging sanhi
ito ng pagkalulong.
Sa pinakabagong pag-aaral, ang
paggamit ng E-cigarette ay hindi
nakatutulong upang maiwasan ang
paninigarilyo kundi mas nagiging
pangkaraniwang gawain pa ito lalo
na sa mata ng mga kabataan.
Nagpapakita lamang ito na kapag
naninigarilyo ang isang kabataan,
nauuwi ito sa paggamit ng ibang
ipinagbabawal na gamot.
Ang beer, alak at iba pang inuming
may alcohol ay isa sa malawakang
inuming kinukunsumo sa maraming
bansa sa mundo. Katulad ng tabako,
ang alcohol ay isa sa mga legal na
gateway drugs na pinagsisimulan upang
ang isang tao ay malulong sa
ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang
pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing
may mga okasyon lamang ngunit sa
pagtagal, ang pag- inom ng alak ay
nagiging karaniwang gawain at
Kahit ang isang tao ay hindi
maituturing na alcoholic, malaki
ang posibilidad na matuto rin siyang
gumamit at malulong sa
ipinagbabawal na gamot.
Nangyayari ito, tuwing siya ay
lasing o nagiging gawi dahil
nakararanas siya ng kasiyahan sa
paggamit nito.
Ang paggamit ng gateway drugs ng
isang miyembro ng pamilya ay hindi
nangangahulugan na siya ay
magiging drug addict pagdating ng
araw. Kinakailangan lamang na
magkaroon ng kasiguruhan na alam
ng inyong kapamilya ang panganib
na dulot nito at mag-alok ng tulong
kung sakaling may problema o
dinaramdam ang isang kapamilya.
Kadalasan, ang pagiging
problemado ang nagiging dahilan ng
paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Maiiwasan ito kung palaging
mayroong miyembro ng pamilya na
palaging handang tumulong at
makinig.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang gateway drugs ayon sa


binasang dayalago?
2. Anu- anong produkto ang itinuturing
na gateway drugs?
3. Legal ba ang pagbibili ng gateway
drugs? Pangatwiranan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4. Paano natuto ang isang indibidwal na


gumamit ng gateway drugs?
5. Ano ang maaaring panganib na dulot
ng gateway drugs?
6. Paano maiiwasan an paggamit ng
gateway drugs?
Lagyan ng tsek ang mga produktong
maituturing na gateway drugs.
1. Beer
2. Coffee
3. Chocolate Drink
4. Sigarilyo
5. Gin
6. Vodka
7. Energy Drink
8. Rum
9. Tabako
10. Tsaa
Gumawa ng dula- dulaan hinggil sa
pagkagumon sa mga pagkain at inumin
na may caffeine at alcohol, gayundin sa
tobacco.
Pagyamanin Natin:
Pumili sa kahon ng salitang ilalagay sa loob bilog upang
mabuo ang konsepto ng gateway drugs

Caffeine Tobacco Energy Drink


Carbohydrates Alcohol

Gateway
Drugs
1. Ano ang papel na
ginagampanan ng gateway
drugs sa pagkagumon ng
mga tao sa ipinagbabawal na
gamot?

2. Ano ang dahilan kung bakit


nahihikayat ang mga tao na
gumamit ng gateway drugs?
Pagnilayan Natin

Isulat sa notebook ang inyong


saloobin sa tanong na “Sang-
ayon ka ba na legal ang
pagbibili ng mga gateway
drugs sa mga tindahan at
supermarkets? Bakit?”
TANDAAN:

Gateway Drugs- ay anumang gamot


(caffeine, tobacco at alcohol) na ang
paggamit ay nagiging daan sa pagkagumon
o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
(cocaine o heroin).
TANDAAN:

Ang gateway drugs ay itinuturing din


recreational drugs at legal ito sa kahit
anumang bansa sa mundo.

You might also like