Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

ARALING

PANLIPUNAN 2

Quarter 3 Week 2
Sa araling ito ay inaasahan na:
a) Maiisa -isa ang mga suliraning
pangkapaligiran ng komunidad.
b) Matutukoy ang mga gawain nang
komunidad na nagiging
sanhi.
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano ang
suliraning pangkapaligiran ang ipinakikita sa
larawan?
Panuto: Batay sa mga sumusunod na
larawan , ano-ano ang
pakinabang na naibibigay ng kapaligiran sa
isang komunidad.
Iguhit sa kahon at kulayan ang mga ito.
Pagmasdan ang larawan sa kahon.
Nararanasan ba ninyo ito sa inyong
komunidad? Sa iyong palagay bakit
nakararanas ng pagbaha ang isang
komunidad?
Ang basura ang pangunahing suliranin na
nakaaapekto sa ating komunidad. Sa maling
pagtatapon ng basura, ito ay
makapagdudulot ng baha, polusyon sa tubig,
pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng
matitirhan ng mga tao.
Ang baha ay isa sa suliraning kinahaharap ng
isang komunidad lalo na sa mga lungsod dahil
sa maling pagtatapon ng basura na maaaring
bumabara sa mga kanal at sa mga pamayanan
na mababa ang lugar
o kinalalagyan nito.
Ang dumi ng hangin at tubig ay nagiging
sanhi ng pagkakasakit ng mga mamayan
sa isang komunidad.
Gawain 1: Isulat sa bilog ang mga suliraning
pangkapaligiran ng
nararansan ng isang komunidad.
Gawain 2: Gumuhit ng larawan ng isang
suliraning pangkapaligiran
na nararanasan ng inyong komunidad at paano
ka makatutulong upang mabawasan ito.
Kulayan mo ang iyong naiguhit at lagyan ito ng
pamagat . Ilagay ito sa isang malinis na papel o
sa iyong portfolio.
Tandaan
Ang mga pangunahing kalagayan at suliraning
pangkapaligiran na nararansan ng komunidad ay
basura, baha at
polusyon sa hangin at tubig na nagiging sanhi ng
problemang pangkalinisan at pangkalusugan ng
mamamayan sa isang
komunidad.
A. Batay sa iyong natutuhan ng tungkol sa aralin,
pumili ng isang suliraning pangkapaligiran na
pinag- aralan, sabihin ang sanhi at epekto nito sa
isang komunidad. Ilagay ito sa iyong portfolio.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at
ilagay ito sa sagutang papel.
1. Ito ay mga bagay na itinapon ng tao at
hindi na nararapat gamitin.
a. basura
b. baha
c. polusyon sa tubig
d. polusyon sa hangin
2. Ito ay pag- apaw ng tubig sa isang lugar na
maaari ang dahilan ay ang mga barang basura
sa kanal o daraanan ng tubig o labis na pag-
ulan.
a. basura
b. baha
c. polusyon sa tubig
d. polusyon sa hangin
3. Ito ay suliranin ng isang komunidad na
nagmumula sa maruming usok na inilalabas ng
pabrika at sasakyan.
a. basura
b. baha
c. polusyon sa tubig
d. polusyon sa hangin
4. Ito ay suliranin ng isang komunidad na kung
saan ang mga kanal o daraanan ng tubig, tulad
ng ilog at sapa ay marumi at puno ng basura.
a. basura
b. baha
c. polusyon sa tubig
d. polusyon sa hangin
5. Ano ang epekto ng nakabarang basura sa
kanal o daluyan ng
Tubig?
a. baha
b. bagyo
c. sunog
d. lindol
A. Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba,
ikaw bilang batang kasapi ng komunidad, alin
sa mga sumusunod na larawan ang sa palagay
mo ang makatutulong upang mabawasan ang
mga suliraning pangkapaligiran na
nararanasan sa kasalukuyan.
B. Sa iyong piniling larawan, isulat ang iyong
maikling paliwanag
bakit ito ang iyong napili. ( Ilagay ang iyong
paliwanag sa sagutang papel.
_____________________________________

_____________________________________

You might also like