Professional Documents
Culture Documents
Panitikan - Panahon NG Bagong Lipunan-2
Panitikan - Panahon NG Bagong Lipunan-2
BAGONG LIPUNAN
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagsimula ang Panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre,
1972.
Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak.
Karaniwang paksain ng mga akda:
o pagpaplano ng pamilya
o wastong pagkain (nutrition)
o “drug addiction”
o polusyon, at iba pa.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Pagsugpo sa malalaswang babasahin at ang mga akdang nagbibigay ng
masamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan.
Ang lahat ng pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at
maging ang mga samahang pampaaralan.
Nagtatag ang Pamahalaang Militar ng bagong kagawaran na tinawag na
“Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siyang mamahala at
sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing
panlipunan.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Muling ibinalik ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa
pagpapanibagong-buhay ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo,
Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa.
Naging laganap din ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga
ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit.
Ang mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay
malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng panitikan. Naging lagusan ito ng
manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda.
ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG
BAGONG LIPUNAN
Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, ang mga
sumusunod ang naging “Islogan” ng Bagong Lipunan ay nabasa at narinign ng
mga mamamayan:
1. “Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang kailangan.”
2. “Tayo’y kumain ng gulay Upang humaba ang buhay.”
3. “Magplano ng pamilya Nang ang buhay ay lumigaya.”
4. “Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang.”
5. “Tayo’y magtanim Upang mabuhay.”
6. “Tayo’y magbigayan at huwag magsikisikan.”
AWITIN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
“TL Ako Sa Iyo” ng Cinderella (1975)
Nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awitin ng mga Pilipino ang
awiting ito na naging popular sa tawag na himig-Maynila.
Binubuo ito ng ilang “balbal” na Pilipino na may kakaibang kumpas
kaya mabilis na tinanggap ng mga tao.
.
Naging tanyag din si Rico J. Puno sa pag-awit ng himig Maynila tulad ng kanyang
“The Way We Were.” Kabilang din sina: Freddie Aguilar – Anak, Florante – Ako’y
Pinoy, Jose Mari Chan,Tito, Vic at Joey
DULA SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Marami ring mga paaralan at samahan ang nagtanghal ng
naiibang dula.
Mindanao State University – Sining Kambayoka
PETA – nina Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka
Repertory Philippines – nina Rebecca Godines at Zenaida
Amador
UP Repertory – ni Behn Cervantes
Teatro Filipino – ni Rolando Tinio
“Tales of Manuvu” ni Bienvenido Lumpera
Isang makabagong pagtatanghal o istilong rock na operang ballet at
nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977.
Ito’y tinampukan nina Celeste Legazpi, Leah Navarro, Hajji Alejandro, Boy
Camara, Anthony Castelo, Rey Dizon, Gina Mariano, at iba pa.
Imee Marcos
Anak ng ating Pangulo ng bansa na isa ring artista ng
dulaan sa kanyang pagkakaganap bilang pangunahing
papel sa “Santa Juana ng Koral” at “The Diary of
Anne Frank”.
ANG RADYO AT TELEBISYON
Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik nang panahong ito
Naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng ating mga
kabataan.
o “Si Matar”
o “Dahlia”
o “Ito ang Palad Ko”
o “Mr. Lonely”
Maraming artista sa radyo ang lumipat sa telebisyon sa
dahilang mas malaki ang bayad ng pagganap sa telebisyon
kaysa sa radyo. Augusto Victa
Gene Palomo
Mely Tagasa
Lina Pusing
Ester Chavez
Luz Fernandez, at iba pa.
Ang mga dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na
tinagkilik ng marami.
Gulong ng Palad
Flor de Luna
Anna Liza at iba pa.
.
1. Bulletin Today
2. Pilipino Express
3. Times Journal
4. Phil Daily Express
5. Peolple’s Journal
6. Evening Express
7. Balita
8. Evening Post
Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino
ang magasing Liwayway simula noong 1922. Bukod sa Liwayway,
ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang:
.
1. Kislap
2. Bulaklak
3. Extra Hot
4. Jingle Sensation
Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga
komiks na siyang kinagigiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang
mga sumusunod:
1. Pilipino
2. Klasik
3. Hiwaga
4. Espesyal
.
5. Love Life
Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na
nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga sanaysay, mga talumpati at
tula.
PANITIKAN SA
TAONG 1986
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Namayani ang
tinatawag na
“PEOPLE’S
POWER” o LAKAS
NG BAYAN.
Pebrero 21 – 25, 1986
Pinararatangang “rebelde” sina ENRILE at RAMOS.
PANITIKAN
Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na
Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating
panitikan.
“Giting ng Bayan”
at
“Himala ni Bathala”
BAYAN KO CHORUS
Freddie Aguilar Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Ang bayan kong Pilipinas Bayan pa kayang sakdal-dilag
Lupain ng ginto't bulaklak Ang 'di magnasang makaalpas
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
At sa kanyang yumi at ganda Aking adhika
Dayuhan ay nahalina Makita kang sakdal laya
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa AD LIB
[Repeat Chorus]
SANAYSAY at MAIKLING KWENTO
Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng
mga Pilipino sa nakamit sa bagong kalayaan.
Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa
naging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng
Hapon.
Noong panahon na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita
maliban sa kanilang wika.
PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON
Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na
niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa
radyo at mga lumalabas sa telebisyon.
Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at
telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang
pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.
Ang DZRH na isang istasyon ng radyo sa ating
bansa ay kasalukuyang
tumataguyod sa isang programang
“kabayan” na ang mga tao’y nabibigyan ng
kalayaang magsalita at magbigay
ng kani-kanilang opinion o kuru-kuro.
PAHAYAGAN, MAGASIN, AT IBA PANG BABASAHIN
Matapos mawakasan ang Batas Militar, tila hudyat na rin ito ng
pagpapanumbalik sa karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa
pamamahayag. Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa
panahong ito.
o Inquirer
o Manila Bulletin
o Manila Times
o Philippine Standard
PANITIKAN SA
COMPUTER AGE
Salitang karaniwan nang ginagamit
ngayon sa ating wika.
Parte na ng ating buhay ang
teknolohiya
Mabilis din ang pagbabago sa papel
na ginagampanan ng impormasyon
sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip.
Naging biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa
internet ng pamamahayag ang BLOGGING
isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng
kakayahan sa sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang
nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang pandaigdigang saklaw.
Pagsulpot ng mga networking
sites gaya ng Friendster
(Jonathan Abrams) at facebook
(Mark Zuckerberg) , naging
madali ang pagpapahayag ng
mga tao sa kanilang saloobin
hinggil sa isang bagay.
HU-U-ISMO
Kung saan ang karakterisasyon ng ganitong klase ng
texting ay gumaGmit U bilng tXter ng mga kRakter n ms
pNaikli at pNaarte ang dTing.
Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang Wikang
Ingles sa punto na hindi na ito maunawaan.
JEJEMONISMO
!tÖ Ñm@n @¥ p@gp@p@l!t pÖwww Ñg k@r@kter n@ g@met
zHa p@gtetetxt.
Dito nag-ugat sa salitang kalye na nang naglaon ay sumikat sa text
message at sosyal midya.
Sa salitang kalye lalo na sa mga siyudad gaya ng Maynila, kapag
tinawag kang jejemon ay kasing kahulugan na rin ng baduy o
mahirap at nagiging sanhi ito ng diskriminasyon. Ang Jejemon ay
maihahalintulad sa makabagong salitang kalye na, "Hypebeast".
HALIMBAWA:
"3ow ph0w, mUsZtAh nA?" salin sa Filipino bilang "Hello po,
kamusta na?“
aQcKuHh - ibig sabihin ay ako
lAbqCkyOuHh - ibig sabihin ay mahal kita
jAjaJa - pagtawa
iMiszqcKyuH - ibig sabihin ay nami-miss kita
eEoWpFhUeEhsxz - ibig sabihin ay kumusta
o Cellphone
Nabago nito ang pang-araw-araw na komunikasyon.
Dito nabuo ang Hu-U-ismo at jejemonismo.
o Computer at Internet
Dito naglipana ang mga blogging sites kung saan Malaya ang
pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa
isyu.
PANAHON NG MGA
AMERIKANO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Nagwagi ang mga pilipinong manghihimagsik laban sa mga Kastilang sumakop sa atin
nang higit sa tatlong daang taon.
Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon
natin ng kalayaan.
Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng
Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang
lumusob ang mga Amerikano.
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng
lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa. Maliwanag na mababasa sa
mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng Kalayaan.
ANG PANITIKAN SA PANAHONG ITO AY KARANIWANG:
MANUNULAT
MGA MANUNULAT SA KASTILA
CECILIO APOSTOL
Isinilang noong 1877
The Greatest Filipino Epic Poet in Spanish
Abogado at Piskal sa Maynila
Sumulat ng mga tulang handog sa mga bayani at
tumutuligsa sa mga Amerikano
Tulang “Kay Rizal” ang tulang handog niya
kay kay Dr. Rizal na ipinalalagay na
pinakamainam na tulang papuri.
MGA MANUNULAT SA KASTILA
FERNANDO MARIA
GUERRERO
Isinilang noong Mayo 30, 1873
Sagisag sa Panulat: Fulvio, Gil, Florisel,
Hector at Tristan.
Mahigpit na kaagaw sa karangalan ni Cecilio
Apostol
naglabas ng antolohiya/koleksyon ng mga tula
na pinamagatang Crisalidas (“Mga Higad”)
MGA MANUNULAT SA KASTILA
JESUS BALMORI
Isinilang noong Enero 10, 1887
May sagisag na Batikuling (isang uri ng
puno)
Pinarangalan na isang makatang pandaigdig
sa Kastila noong 1939
Nakalaban sa balagtasan ni Manuel Bernabe
Nahirang siyang “Poeta Laureado sa Wikang
Kastila”
MGA MANUNULAT SA KASTILA
MANUEL BERNABE
Isinilang noong Pebrero 17, 1890
Isang mamamahayag at makatang liriko.
Paksain: Mga Pista at Pagdiriwang
Tinipon ang kanyang tula sa isang aklat na
pinamagatang “Cantos del Tropico” (Mga
Awit ng Tropiko)
MGA MANUNULAT SA KASTILA
CLARO M. RECTO
Naging pangulo ng Lupon ng Saligang Batas.
Tinipon niya ang kaniyang mga tula sa “Bajo Los
Cocoteros” (Sa ilalim ng Niyugan).
Naging batasang tagapayo ng kapuluan, kagawad
sa Kataas-taasang Hukuman, naging pangulo sa
mababang kapulungan ng minorya
Naging kinatawan ng Pilipinas sa Pandaigdig na
Hukuman sa Netherland
“Ang Dampa Kong Pawid”
MGA MANUNULAT SA KASTILA
LOPE K. SANTOS
Ama ng Balarila, nobelista, makata, at
politiko dahil siya ay naging senador.
Tinaguriang “Haligi ng Panitikang
Pilipino”, subalit mas kilala rin siya sa
karaniwang palayaw na Mang Openg.
Kagawad at patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa
Propesor ng Wika sa UP
“Banaag at Sikat” ang kanyang obra maestra
MGA MANUNULAT SA KASTILA
HAPONES
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Gintong Panahon ng panitikang Pilipino (1941-1945)
Nabalam sa kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli
tayong sakupin ng isa na namang dayuhang mapaniil - ang mga
hapones.
Isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito
ayon sa ilang mga Pilipino.
Ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng
pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino
sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil
sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Ang isang manunulat ay likas na manunulat.
Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.
Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P.
Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang “pamatnubay.”
(PANULAAN)
TULA SA PANAHON
NG MGA HAPONES
ANG MGA TULA SA PANAHONG ITO (PANULAAN)
“LUPANG TINUBUAN”
NI NARCISO REYES
Nabuo tungo sa karanasan sa buhay ng awtor.
Nagpapahiwatig sa bawat tauhan sa kwentong Lupang Tinubuan na dapat
balikan mo ang lugar kung saan ka ipinanganak at nagkamulat.
Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang komunidad at mahalaga ang pamilya sa
pagbuo ng sambayanan at ang magkaroon ka ng isang tunay na pamilya na may
pagmamahalan ay napakalaking nang kayamanan na maituturing.
IKALAWANG GANTIMPALA:
AKTIBISMO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
1970-1972 (Aktibismo)
Pagkaka”deklara” ng
Batas Militar (Martial
Law) noong 1972
ANG BINHI NG AKTIBISMO
Ang batás militár ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar
dulot ng pangangailangan.
Ipinatutupad ito kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi nakagaganap sa
tungkuling gaya ng:
pagpapanatili ng kaayusan ng lugar
hindi makontrol ang kaguluhan at protesta
nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas
may giyera at pananakop
PANAHON NG DUGUANG PLAKARD
Ito ang panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang
Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa
hangin ang bumubuo ng kanyang pagkalahi at pagkabansa.
ROGELIO EFREN
MANGAHAS ABUEG
“Marahil madahop ang diwa ko upang isaulo’t ipaliwanag. Ang panaginip at kamatayan ng
sanlaksang anak-pawis”
.
“Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na babaoy habang ginagahasa ng mga
hayok na pulitiko’t negosyante”
.
“Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-kanyang alipures at
tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta ang bayan.”
.
“Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyo’y isang kalyeng
baku-bako o kaya’y lumuting monumentong ihian ng mga lasenggo.”
Nagwagi ng Gantimpalang Planca sa Tula (1970-
71)
Mga Duguang Plakard at Iba pang mga Tula (Rogelio
Mangahas)
Tatlong Awit ng Pagpuksa (Lamberto Antonio)
Dalawang Tula (Cirilo F. Bautista)
May mga Katipunan din ng mga tula aang naisa aklat nang
panahong ito ng aktibismo. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Mga A! ng Panahon (1970) – Alejandro Perez
2. Kalikasan (1970) – Aniceto Silvestre
3. Peregrinasyon at Iba Pang Tula (1970) – Rio Alma
4. Mga Tula ng Bayan Ko at Iba Pa (1972) – V. G. Suarez
5. Sitsit sa Kuliglig (1972) – Rolando Tinio
6. Mga gintong Kaisipan (1972) – Segundo Esguerra
ANG DULA, MAIKLING KWENTO AT
NOBELA SA PANAHONG ITO
Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling
kwento, o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi
maging sa usapan o salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.
Ang ilan sa mga tagpo ay kalimitang usapan ng mga kalalakihan at
mayroong kwentong pagtatalik o kalaswaan.
ANG MGA PELIKULA AT KOMIKS
Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang
mga pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin
– ang tinatawag na mga Pelikulang Bomba.
Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang
mga larawang iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.