Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Quarter II – FILIPINO 10

Module 3 /
Week 2
1
Aralin 3 :
Aliw-iw at
Indayog sa Tula

2
Ayon kay Casonova, et, al (2001) sa kaniyang
aklat na Panitikang Pilipino Ang Kasaysayan ng
Tula sa Ating Bansa, ang paglabas ng magasin na
Liwayway noong 1922 ay naging mitsa sa pag-unlad
ng Panitikang Pilipino partikular sa tula. Sumikat sa
panahong ito sina Jose Corazon de Jesus, ang
"Makata ng Puso," Amado V Hernandez, ang
"Makata ng Manggagawa," Teodoro Gener, Cirio H.
Panganiban, Ildelfonso Santos,

3
Inigo Ed Regalado, Julian Cruz Balmaceda,
Florentino Collantes, Domingo Raymundo,
Nemesio Caravana, Emilio Mar Antonio, Catalino V.
Flores, Aniceto Silvestre, Jose Catindig, Fernando
Monleon, at higit sa lahat si Lope K Santos:

4
  Hindi matatawaran ang galing nina Jose
Corazon Dela Cruz, Florentino Collantes, Lope K.
Santos, at si Sofia Enriquez nang magpakita sila ng
kanilang talento sa pagtudla ng tula Nagtagisan sila
ng talino sa pamamagitan ng "Balagtasan" na
ginawa sa Bulwagan ng Instituto de Majures noong
1924.
  Sa kasalukuyang panahon, ginagamit ang tula
sa pagsulat ng mga awitin, sa panliligaw, sa
pagtuligsa sa lipunang ginagalawan, at iba pang
paglalahad ng saloobin.

5
Tula
  Ang tula ay isang uri ng panitikan na may
ritmo at tugma. Maaari itong may sukat o
malaya. Maituturing na pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tula
sapagkat nangangailangan ito ng piling salita o
pahayag upang maging kaakit-akit sa mga
mambabasa.

6
Mga Elemento
ng Tula

7
1. Sukat
- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong

Mga uri ng sukat : Wawaluhin,


Lalabindalawahin, Lalabingwaluhin

8
2. Saknong
- Ito ay lipon ng mga taludtod o linya ng tula.
Maaari itong tig-aapat, tiglilima o depende sa
paraan ng pagsulat ng awtor. Kung malaya ang
tulang isusulat, hindi na kailangan na gawing
pare-pareho ang bilang ng linya sa bawat
saknong. Ngunit kung may sukat ang isinusulat
na tula, nangangailangang pantay din ang
bilang ng linya sa bawat saknong.

9
 
3. Tugma
- Isa itong katangian ng tula na angkin ng
mga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma
ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Ito ang nagdadala ng kariktan sa tula.

10
Mga uri
ng Tugma

11
a. Hindi buong rima (assonance). Ito ay paraan
ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita
ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa :

 Mahirap sumaya
Ang taong may sala
 Kapag ang tao sa saya'y nagawi
 Minsa'y nalilimot ang wastong ugali.

12
Kaanyuan (consonance). Ito ay paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
 
a. Unang lipon ng mga salitang nagtatapos sa b, k, d.
g. p, s, t

Halimbawa :

Malungkot balikan ang taong lumipas


Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
 

13
 
b. Ikalawang lipon ng mga salitang mga
nagtatapos sa l, m n, ng, r, w, y

 Halimbawa:

 Sapupo ang noo ng kaliwang kamay


 Ni hindi matingnan ang sikat na araw

14
4. Kariktan
 tumutukoy ito sa pagpili ng paggamit ng
mga salita. Madalas ay maganda sa pandinig
ang pinipiling salita upang maging ganap ang
kariktan

 5. Talinghaga
 tumutukoy ito sa paggamit sa masimbolong
pamamaraan ng pagpili ng salita tulad ng
tayutay at idyom

15
6. Anyo
 Ito ay pisikal na itsura ng tula na nakaugnay sa
pagkakasulat o pagkakalahad

7. Tono/Indayog
 Ito ang pinakadiwa ng tula. Naghahatid ito ng
damdamin sa mambabasa.

16
8. Persona
 Ito ay tumutukoy sa panauhan ng tula. May
mga tula na parang deretsahang kinakausap ang
mambabasa; gumagamit ito ng pangalawang
panauhan. May parang ikinukuwento ang paksa
na kadalasang ginagamitan ng pangatlong
panauhan. May pagkakataon naman na animo'y
ang sarili ng may-akda ang tinutukoy at ito ang
unang panauhan.

17
Halimbawa ng Tula

Sino Ako?
Carl Sanburg ng USA
Salin nina Erika Aina M Dayao, Diane D. Manlapaz,
at Cristine Annie Grace C Quito.
 

18
Sino Ako?

Ang aking ulo ay kumakatok sa mga bituin


Ang aking mga paa ay nasa itaas ng mga
bundok
Ang aking kalingkingan ay nasa libis at
pangpang ng sangsinukob na buhay
Sa baba ng malambot na sinaunang bagay.

19
Inabot ng aking mga kamay na naglalaro
sa mga bato ng kapalaran.
Ako ay nalugmok na nang ilang ulit sa
kasamaan
Alam ko ang tungkol sa langit, dahil
nakausap ko na ang Poong Maykapal.

20
Ako ay naghasik na ng dugo, at puno ng mga
katatakutan
Alam ko ang damdamin ng pagkamkam sa
kagandahan.
At ang kagila-gilalas na paghihimagsik ng mga taong
nagkukubli.
Ang pangalan ko ay katotohahan at ako ang
pinakamailap sa mundong ibabaw.

21
 
b. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan, ang
ipinahahayag ng nauuna.

pero, ngunit, subalit, datapwa't


bagama't

22
Ang mga Tayutay

23
Sa pagsulat ng magandang tula, kailangang
may alam ka sa paggamit ng tayutay Bagama't
napakaraming uri ng tayutay, pag-aaralan lang
natin ang mga malimit na ginagamit sa tula.
Ang tayutay ay ang sadyang paglayo sa
literal na kahulugan ng salita. Ito ay masining
na paraan ng pagsulat. Itinatago ang lantad na
kahulugan ng mga salita Ang sumusunod ay
ilan lamang sa mga uri ng tayutay .

24
1. Pagtutulad o Simile. ito ay paghahambing sa
kilos o katangian ng tao sa mga bagay-bagay o
hayop. Ginagamitan ito ng salitang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis,, parang
kasing,pareho , sing, kasing, at iba pa.

 Halimbawa:

 Ang kaniyang balat ay singkinis ng porselana


 Ang buhok niya ay tila hibla ng gabi sa itim.

25
2. Pagwawangis o Metaphor
Ito ay may pagkakahawig sa simile
bagama't may pagkakaiba. Hindi ito gumagamit
ng mga salitang pagwawangis, bagkos tuwiran
nitong ikinukumpara ang katangian ng tao sa
mga bagay bagay o anumang bahagi ng
kalikasan.

 Halimbawa:
Ang kaniyang balat ay porselena
Ang buhok niya ay hibla ng gabi sa itim.
26
3. Pagmamalabis o Hyperbole
Ito ay ang paglalagay ng sobra sobrang
paglalarawan. Hindi ito nagkukumpara sa
anumang bagay-bagay ngunit nasosobrahan ito
sa paglalarawan sa katangian nito.

 Halimbawa :
Nalunod ako sa luha nang siya ay lumisan.
 Lumuwa ang kaniyang mata sa galit.

27
4. Pagsasatao o personipikasyon
Ito ay paglalagay ng kilos ng tao sa hindi
gumagalaw na bagay.

 Halimbawa:

 Kinakawayan ako ng mga puno.


 Kinikindatan ako ng mga tala.

28
Wakas
29

You might also like