Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

MAGANDANG

ARAW!!!
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Dibisyon ng Pangasinan I
Pambansang Mataas na Paaralan ng Sual

Ikaapat na Markahan:
Tayutay
At Mga Uri ng Nito
Tayutay
Ay salita o isang pahayag na ginagamit upang
bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng
talinghaga o di-karaniwang salita.
1. Pagtutulad(Simile)-
paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay, pangyayari
atbp. Ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
HALIMBAWA:
 Siya ay katulad ng kandilang
unti-unting nauupos.
 Kawangis ng kanyang ama si
Ana.
2. Pagwawangis(Metaphor) – isang
tuwirang paghahambing na hindi
ginagamitan ng mga salitang tulad
ng, para ng, kawangis ng, animo
atbp.
HALIMBAWA:
 Si Jona ay kumikilos na
pagong.
 Tumatakbong kabayo si Ben
sa paghahabol sa kanyang
ina.
3. Pagtatao(Personification) –
nasasalin ng talino, gawi at
katangian ng tao sa bagay na walang
talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
HALIMBAWA:
 Lumuluha ang kandila sa
lamay ng ina ni Pepe.
 Ang buwan ay nahiya at
nagtago sa ulap.
4. Eksaherasyon(Hyperbole) –
lubhang pinalalabis o pinakukulang
ang katunayan at kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari atbp.
HALIMBAWA:
 Nabiyak ang kanyang dibdib
sa tindi ng dalamhati.
 Nabutas ang bambam ng
tainga ni Popot dahil sa ingay.
5. Paglilipat-wika – ito ay
gumagamit ng pang-uri upang
bigyang paglalarawan ang bagay.
HALIMBAWA:
Ang matalinong pluma ni Rizal
ang nagbigay sa atin ng
kalayaan.
 Ang kanilang mapagpatuloy
na tahanan ay kumanlong ng
mga sugatan.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!
PAGSASANAY…
MAIKLING PAGSUSULIT
PANUTO: Tukuyin ang bawat pangungusap kung anong uri ng
Tayutay.
1.Lumindol at nawasak ang bawat tirahan nang dumaan si Boobsie.
2.Tila kawangis ng artistang si Liza Soberano ang aming kaklaseng si Lyka.
3. Napakaganda ng mikroponong hawak ni Regine Velasquez sa ginamit niya sa
pagkanta.
4.Bumaba sa lupa ang mga bituan mula sa langit upang masilayan ang iyong
ganda.
5. Ang ama ni Ramon ay leon sa bagsik
6. Kaya kong sungkitin ang mga bituin mapasagot lamang kita.
7.Ang mapagkalingang kumot ay maingat na itinupi ni Leo.
8.Niyakap ako ng malamig na hangin.
9.Kitang kita ko ang usok ng ilong ng ina ni Bebang habang ito
ay nagagalit.
10.Masaya ang kulay ng palda ni Nina.

You might also like