Professional Documents
Culture Documents
Mga Pananalig Teoryang Pampanitikan
Mga Pananalig Teoryang Pampanitikan
Mga Pananalig Teoryang Pampanitikan
TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang pag-alam sa mga pananalig o
teorya ng pampanitikan ay magiging
daan sa pag-unawa sa mga layunin
at pamamaraang ginamit ng may
akda sa kanyang akda. Bibigyang
diin ng kabanatang ito ang iba’t ibang
teoryang pampanitikan.
Layunin:
Inaasahan na sa pagtatapos sa pag-aaral na ito:
1. Nababatid ang iba’t ibang mga teorya o pananalig pampanitikan.
2. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng mga teorya / pananalig pampanitikan.
3. Natutukoy ang mga teorya / pananalig pampanitikan na
napapaloob sa mga akda.
4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika
5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at
disiplina tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang
pampanitikan.
6. Nakapagsusuri at nakapagaanalisa ng mga akdang pampanitikang
likha ng mga manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika –
Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang Filipinolohiya.
7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang
pampanitikan tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.
8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang
lente ng maka-Pilipinong pananaw.
Mga teorya / pananalig pampanitikan:
- Ang panitikan ay nagbabanggit sa mga kaisipan, mga
nararamdaman, mga nararanasan, mga hangarin at
kaalamang taglay ng isang tao. Sinusuri ang mga
nababanggit sa pamamagitan ng mga pananalig/ teoryang
pampanitikan.
-Ang teoryang pampanitikan ay isang pormulasyon upang
mapalawak ang mga simulain ng mga tiyak na kaisipan sa
malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan at
pagpapaliwanag sa mga akdang napili. Isa rin itong
sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pagkatuto na
maisalarawan ang tungkulin ng panitikan, layunin ng may
-akda, at tekstong ating binabasa.
-Ang pag-alam sa mga papananalig/teoryang pampanitikan
ay magiging daan sa pag-unawa sa mga layunin at
pamamaraang ginamit ng may-akda sa kanyang akda.
Ang mga ito’y babanggitin dito at bibigyan ng maikling
Hindi lamang natatapos sa pagsulat at pagtukoy sa iba’t ibang
klase ng akda ang pag-aaral ng panitikan, bahagi rin nito ang
matalinong pagkikritika sa akda, pagbibigay ng
pagpapakahulugan sa mga imahe o simbolo at talinghaga na
nakapaloob dito. Kinakailangan din ang pagdama sa mga
karakter na binuo at binigyang-buhay sa akda.
Kabilang din sa pag-aaral nito ang pagsusuri at pagbibigay
puna. Tumutukoy ito sa pagbanggit sa mga kagandahan o
positibong bagay na nabasa sa akda, gayon din ang mga
negatibong taglay nito. Sa malalim na pagsisid sa mga
akdang pampanitikan, malaki ang ginagampanan ng mga
teorya o pananalig pampanitikan na ginagamit dito. Ilan sa
mga ito ay ang mga sumusunod: (San Juan et. al : 2007)
KLASISISMO
- Ang pananalig na
pinahihigpitan ang kaisipan kaysa
damdamin. Nasa klasisismo ang pagiging
maayos. Magalang ito sa kapangyarihan.
Napapaloob sa karanasan ng daigdig—sa
pulitika, sa relihiyon, sa kabuhayan at
moralidad na panlipunan ang
kapangyarihan nito. Ang mga tauhan ng
mga akdang klasiko’y angat sa karaniwang
buhay.
-pinangingibabaw ang isipan laban sa
damdamin.
HUMANISMO - pag-aaral at
EKSISTENSYALISMO -hinahanapan ng
katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng
tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katwiran.
.
Feminismo – ito ay tumutukoy sa
kalakasan at sa kakayahan ng
tauhang babae sa isang kuwento o
akda.
-Naglalayon itong iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.
SIMBOLISMO
- Sa masaklaw na
kahulugan, ang paglalahad ng mga bagay,
damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng
mga sagisag. Masasabing ito’y pagtutol sa
tahasang pagpapahayag ng realismo.
Mayaman sa mga pahiwatig ng mga
nakakubling kahulugang pangkaluluwa at
pangkaisipan ang pananalig na ito. Ang ilan
ay simbolo ng patnubay sa buhay.
Simbolismo – ito ay pamamaraan ng
paglalahad ng mga bagay, kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng mga
sagisag.
NATURALISMO
- Ang pananalig na
nagsisikap na mailarawan ang kalikasan
nang buong katapatan, kaya’t malimit na
maging singkahulugan ng realism.
Layunin ng naturalismo ang siyentipikong
paglalarawan ng mga tauhang pinagagalaw
sa mga puwersang impersonal,
pangkabuhayan at panlipunan. Binibigyang-
pansin ang kapaligirang sosyal at hindi ang
indibidwal na katauhan.
EKSPRESYUNISMO
- ang pananalig na sa
pagpapahayag ng manunulat ng kanyang
kaisipan, lalong-lalo na ng kanyang nadarama ay
hindi nababahala sa maingat napaglalarawan ng
mga maliliwanag na pakiramdam na kanilang
ipinahihiwatig.
SALAMAT SA INYONG
PAKIKINIG….