Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

DALUMAT SA FILIPINO

Oryentasyon
DALUMAT SA FILIPINO

Panalangin

\
DALUMAT SA FILIPINO

Alituntunin sa Birtwal na
Magsuot ng naaayong kasuotan
(wastongTalakayan
uniporme)
Huwag pindutin ang ‘present now’ na
buton. Panatilihing nakabukas ang camera
sa lahat ng pagkakataon.
Panatilihing naka-mute ang inyong
mikropono hanggat hindi nabibigyang
pahintulot ng guro na buksan ito.
DALUMAT SA FILIPINO

Alituntunin sa Birtwal na
Talakayan
Atentibong makinig sa guro at
aktibong makilahok sa talakayan.

Makipag-ugnayan sa pamamagitan
ng ‘chat box’ kung nais magbahagi
ng kasagutan sa tanong ng guro at
kung may nais linawin sa talakayan.
DALUMAT SA FILIPINO

Kumustahan
(Online class)

Kumusta ka?
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Pagtatala sa mga
lumahok sa klase
DALUMAT SA FILIPINO

Oryentasyon
Gng. Ederlinda Aguirre-Capangpangan
Hunyo 11, 2022
DALUMAT SA FILIPINO

Deskripsyon ng Kurso: Ang DALUMATFIL ay isang


maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat,
at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon
at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ang
kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang
Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at
pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng
mga estudyante na malikhain at mapanuring
makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino,
DALUMAT SA FILIPINO

batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya


na akma sa konteksto ng komunidad at bansa. Pre-
requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino
sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS). Samakatwid, ito ang
karagdagang 3 yunit ng GE-Filipino para sa mga
kumukuha ng mga kurso sa larangang Humanities,
Social Sciences at Communication/HUSOCOM (gaya ng
Bachelor in Secondary Education/BSE Filipino, BSE
English, BSE Chemistry, AB Political Science,
Communication Arts, Journalism, Legal Management at
iba pa.), bukod pa sa 6 yunit ng batayang GE-Filipino
(KOMFIL at FILDIS) na kinukuha rin ng mga mag-aaral
na ang kurso ay NON-HUSOCOM.
DALUMAT SA FILIPINO

Inaasahang Matututuhan:
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan
at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pagdadalumat
at pananaliksik.
3. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa
pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling
makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan
na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
DALUMAT SA FILIPINO

Inaasahang Matututuhan:
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod:
Kasanayan
1. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang
kasanayan sa pananaliksik.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon,
estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat
sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na
makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng
wikang Filipino.
4. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Pilipino.
DALUMAT SA FILIPINO

Inaasahang Matututuhan:

5. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na


presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto.
6. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng
inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik
na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
7. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang
mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral na
konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na akam sa mga realidad ng lipunang
Pilipino.
DALUMAT SA FILIPINO

Halagahan

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng


mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong
panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at
praktika sa pananaliksik
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino,
bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.

You might also like