Tekstong Naratibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Tekstong

Naratibo
LAYUNIN:
1. Matukoy ang kahulugan ng tekstong naratibo.
2. Maisa-isa ang katangian ng tekstong naratibo.
3. Nakasusulat ng tekstong naratibo.
TEKSTONG NARATIBO
● Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.

● Nakapagtuturo ng mabuting asal, mahalagang


aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan
Mga Katangian ng Tekstong Naratibo

● May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of


view) sa Tekstong Naratibo
● May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o
Damdamin sa Tekstong Naratibo
● May mga Elemento ng Tekstong Naratibo
May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista
(Point of view) sa Tekstong Naratibo

1.Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang

nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o

naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako

2. Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang

tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga

panghalip na kayo o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito

gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.


3. Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay

isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kay’a ang

panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang

tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas ng mga

pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:

● Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng

mga tauhan.
● Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga

tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

● Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang

nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.


4. Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang
iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o
paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o
Damdamin sa Tekstong Naratibo

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang

nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin.


2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng

tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi


Elemento ng Tekstong Naratibo

1. Tauhan

Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang

ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang

ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan nang

ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng

tauhan—ang expository at ang dramatiko.


a. Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula

hanggang sa katapusan.

b. Katunggaling Tauhan

Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng

pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan

Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang

kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin

niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing

tauhan.

d. Ang May-akda

Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa

kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng

tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang


Ayon kay E.M. Forster may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang

tekstong naratibo tulad ng:

● Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o

maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan,

nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa

pangangailangan.

● Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o

dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.


2. Tagpuan at Panahon

Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga

pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging

sa damdaming umiiral sa kapaligiran

3. Banghay

Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

mga tekstong naratibo


Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

● Pagkakaroon ng isang epektibong simula

● Pagpapakilala sa suliranin

● Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang

● Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring

● Pababang pangyayari

● Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)


May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na

anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-

sunod. Mauuri ito sa tatlo:

● Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap

sa nakalipas.

● Prolepsis (Flashforward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring

magaganap pa lang sa hinaharap.

● Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o

hindi isinama.
4. Paksa o Tema

● sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari

● Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang

aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhan

You might also like