Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Bb. Trisha Nicole P. Navarro


Bb. Jessa V. Gallardo
Aralin 3: Mga Talento At
Kakayahan

Ikatlong Linggo
Layuning Pampagkatuto

 Natutukoy ang sariling mga kakayahan at talento;


 Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang ng tiwala sa sarili at nakikilala ang
mga paraan kung paano malalampasan ito;
 Napatutunayang ang pagtuklas at pagpapaunlad sa mga angking gtalento at kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang mga ito ay kaloob na kung pauunlarin ay makatutulong sa paghubog
ng tiwala sa sarili, sa paglampas sa kahinaan, sa pagtupad sa mga tungkulin, at sa
paglilingkod sa pamayanan; at
 Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talent at
kakayahan.
Gawain 1: Ang Puno ng Buhay

Pagmasdan ang puno ng niyog. Di ba’t napakaganda nitong tignan? Bukod sa pagiging maganda, ito rin ay
tinaguriang “tree of life” o “puno ng buhay”. Bakit kaya ito tinawag na ganoon? Dahil ang iba’t ibang bahagi ng
punong ito ay nagagamit kung kaya’t walang nasasayang.

Ugat- nagagamit na pandekorasyon


Katawan ng puno – nagagamit na kahoy sa mga estruktura.
Sanga – nagagamit na panggatong
Dahon – maaaring gawing banig o basket
Midrib – maaaring gawing walis
Bunga – Nakakain at naggaawang bunot
Bao – nagagamit na pandekorasyon; sinaunang pinggan
Lahat ng bahagi ng punong ito ay may kapakinabangan,
katulad ng tao. Bawat tao ay may iba’t ibang kakayahan na
kailangang tuklasin at linangin upang maabot ang
kaganapan bilang isang tao.
MULTIPLE INTELLIGENCES THEORY
Dr. Howard Gardner

Siya ay isang Amerikanong Sikolohista (America Developmental


Psychologist) na kilala sa sa kanyang Theory of Multiple Intelligences. Sa
kanyang librong Frames of Mind noong 1983, nakatala ang kanyang
teorya at ang noon ay walong uri ng katalinuhan. Malaki ang naging
epekto ng teoryang ito ni Gardner sa larangan ng edukasyon, kung saan
naging inspiration ito sa mga guro upang mag explore ng panibagong
paraan ng pagtuturo ayon sa iba’t ibang uri ng katalinuhan.
9 Multiple Intelligences

1. Mathematical/Logical Intelligence
2. Verbal-Linguistic Intelligence
3. Visual/Spatial Intelligence
4. Musical/Rhythmic Intelligence
5. Bodily/Kinesthetic Intelligence
6. Interpersonal Intelligence
7.Intrapersonal Intelligence
8.Naturalist Intelligence
9. Existential Intelligence
1. Mathematical-Logical Intelligence
(Number/Reasoning Smart)

Ito ay ang talinong kaugnay ng paghahalaw ng bilang at lohika. Inaasahan na ang taong
may taglay nito ay mahusay sa matematika, computer programming, at chess. Taglay rin
niya ang kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat,
pagkilala ng abstract patterns, at pagsasagawa ng
komplikadong pagtutuos. Ang mga halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay ang mga siyentista,
mathematician, inhenyero, doctor, at ekonomista.
2. Verbal-Linguistic Intelligence
(Word Smart)

Ang taong may taglay na ganitong talino ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat,


pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at petsa. Madali siyang matutong
magbasa, magsulat, makinig sa pagtuturo, o makipagdebate. Mahusay siya sa pagtuturo,
pagtatalumpati, pagpapaliwanag, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali rin
siyang matuto ng ibang wika.
3. Visual/Spatial Intelligence
(Picture Smart)

Ang taong may taglay na ganitong talino ay mabilis


matuto sa pamamagitan ng paningin at pag aayos ng
mga ideya.
Nakagagawa siya ng mahusay na paglalarawan ng mga
ideya, at kailangan din niyang makita ang paglalarawan
nito upang maunawaan ito. Siya ay may kakayahang
makita sa kanyang isip ang mga bagay upang malikha
ang isang produkto.
4.Musical/Rhythmic Intelligence
(Music Smart)

Ang taong nagtataglay ng ganitong


talino ay natututo sa pamamagitan ng
pag uulit, ritmo, o musika. Natututo
siya sa pamamagitan ng pandinig at
pag uulit ng kanyang karanasan. Sila
ay matagumpay sa larangan ng
musika.
5. Bodily-Kinesthetic Intelligence
(Body Smart)

Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga


kongkretong karanasan at interaksyon sa kapaligiran. Mas natututo sila sa
pamamagitan ng paggamit ng kanyang katawan, tulad ng pagsasayaw at
paglalaro. Mahusay rin siya sa pagbuo at paggawa ng mga bagay, gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang muscle memory ng taong may taglay na
talinong ito.
6. Interpersonal Intelligence
(People Smart )

Ang taong may ganitong talino ay may


kakayahang makipagtulungan o
makiisa sa isang pangkat. Siya ay
kadalasang bukas sa pakikipagkapwa
o extrovert. Sensitibo siya at mabilis
na nakatutugon sa pagbabago ng
damdamin, motibasyon, at disposisyon
ng kapwa. Siya ay epektibo bilang
pinuno at tagasunod.
7. Intrapersonal Intelligence
(Self Smart)

Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at


pananaw. Ang talinong ito ay kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban.
Siya ay malihim at mahilig mapag-isa, o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan
ang kanilang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kanyang angking
kakayahan at kahinaan.
8. Naturalistic Intelligence
(Nature Smart)

Ito ang talino na pag-uuri,


pagbabahagdan, at pagpapangkat.
Ang taong may ganitong talino ay
madaling nakakikilala ng
mumunting kaibahan sa kahulugan.
Sila ay mahilig sa mga halaman at
kalikasan.
9. Existential Intelligence
(Spiritual/Moral Smart)

Ito ay talino sa pagkilala sa


pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob.
Itinatanong nito: “Bakit ako naririto?
May ginagampanan ba akong papel sa
mundo?” ang talinong ito ay
naghahanap ng paglalapat at
makatotohanang pang-unawa sa mga
bagong kaalaman sa mundong ating
ginagalawan.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Week 4
Aralin 3: Mga Talento at Kakayahan

Pagpapatuloy……
Talent Treasure Time
Tumutukoy ito sa Tumutukoy ito sa Tumutukoy ito sa
talino, talent, pinahahalagahan ng paraan ng paggamit ng
abilidad, at isnag tao gaya ng pag- oras upang malinang
kakayahang taglay. uugali. ang pagkatao.
Talento, Kakayahan, at Kaalaman

Ayon kina Bukingham at Coffman, ang talent ay potensiyal na nakapaloob sa isang tao na kailangan
linangin.
Ang kakayahan (skill) ay isang praktikal na gawain na dapat ding linangin upang matagpuan ang
itinakdang gawain. Lahat ng ito ay kailangang malinang sa tulong ng mentor.
Ang kaalaman(knowledge) ay tumutukoy sa pang-unawa sa mga pangyayari, konsepto, at praktikal
na isyu na kailangan sa pagdedesisyon at pagpili ng dapat na gawin. Ito ay napayayaman sa
pamamagitan ng pagbabasa, pagsasanay, at mga karanasan sa trabaho.
Dalawang Uri ng Kakayahan (Skill)

1. Batayang Kakayahan (Foundational Skill)


 Ito ang kakayahang dapat na linangin para sa magiging trabaho.
Halimbawa: Kakayahang magsalita, kakayahang makipagdebate
2. Pangunahing kakayahan (Fundamental Skill)
 Ito ang kakayahang nakapaloob sa tao upang magampanan ang kanyang trabaho.
Halimbawa: pagiging abogado-taglay na kagalingan sa batas
Aralin 3: Gawain 2

L-M 1 9 17 25 33 41 49 57 65 73  

Ling 2 10 18 26 34 42 50 58 66 74  

Spa 3 11 19 27 35 43 51 59 67 75  

Mus 4 12 20 28 36 44 52 60 68 76  

B-K 5 13 21 29 37 45 53 61 69 77  

Inter 6 14 22 30 38 46 54 62 70 78  

Intra 7 15 23 31 39 47 55 63 71 79  

Nat 8 16 24 32 40 48 56 64 72 80  

Exist 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90  

You might also like