Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ang Kaugnayan

ng Konsensya sa
Likas na Batas
Moral
Layunin:
1. Natutukoy na ang Likas na Batas Moral ay natatangi
sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may
kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay
likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang
masama.
2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang
mga pasya at kilos taliwas sa unang prinsipyo ng
Likas na Batas Moral.
3. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at
masama sa kongkretong sitwasyon batay sa sinabi ng
konsensya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim
ng Diyos sa isip ng tao.
Paglinang ng Aralin:
- Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May
nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan
mo, naglalaman ito ng dalawang libong piso. Naroon
din ang I.D. ng may-ari na isa mong kaklase. May
sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang
pambili ng kanyang gamot.
Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama
o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging sagot, isulat ito sa
espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa
ibaba.
1. Alin sa apat na sitwasyon ang
sinagutan mong tama? Bakit mo
nasabing ito ay tama?

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit


mo nasabing ito ay mali?

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyon?


1. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ng mag-aaral na
nakakita ng pitakang naglalaman
ng pera, ang gagawin ko ay

2. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng


desisyong ito?
3. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o
mali ang isang kilos?
-Punan ng mga salita na nauugnay sa konsensya ang
chart.
-Magbahagian ng sariling karanasan, insedente o
pangyayari kung saan naranasan ninyo ang gawain ng
konsensya sa inyong buhay.
a. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensya?

b. Batay sa naging karanasan, ano ang natuklasan mo


tungkol sa konsensya?
c. Paano ka nagabayan ng konsensya sa mga pasya at
kilos mo?
d. Mabisa bang gabay ang konsensyang taglay mo?
Patunayan!
Pagtatalakay
-Araw-araw gumagawa ka ng maraming
pagpapasya, mula sa paggising sa umaga.
Ang ilan sa mga desisyong ito ay
pangkaraniwang lamang tulad ng damit na
isusuot o kulay ng sapatos na gagamitin,
subalit may mga desisyong nakasalalay
ang iyong pagkatao at nakakaapekto sa
iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan ito
ng malalim na pag-iisip.
Pagtatalakay
- Noong ikaw ay bata pa, ang
pagpapasya ay ginagawa ng
ginagawa ng iyong mga magulang
para sa iyo. Sa pagdagdag ng iyong
edad at kamalayan, ikaw na ang
gumagawa ng pagpapasyang ito para
sa iyong sarili.
Pagtatalakay
- Malaki ang papel na ginagampanan ng
iyong konsensya sa buhay mo. Dito
nakasalalay ang paghubog ng iyong
pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos
na iyong pinipiling gawin. Kung ang kilos
mo ay nakadepende sa paghuhusga ng
konsensya, saan nakadende ang
konsensya sa paghuhusga nito?
Malalaman natin ang sagot sa susunod na
bahagi ng modyul na ito.
Pagpapahalaga

Gaano ba kahalaga ang


Konsensya sa pagpapasya
ng mga tao?
Pagtataya
Panuto:

Pag-aralan ang sumusunod na


sitwasyon at gumawa ng
sariling pagpapasya . Isulat ang
iyong pasya at paliwanag
kaugnay nito sa iyong
kwaderno.
Kaso 1.
Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si
Adel ay nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay
nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil
sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala
niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta.
Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong
sasabihin sa iba lalo na
sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan,
pumunta ang nanay niya sa inyo at humihingi sa
iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?
Kaso 2.
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol
sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman mo ang
suliranin sa basura at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong
baranggay na nagtatakda ng parusa
sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura
sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang
gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong
bahay, nakita mo
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na
nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong
barangay. Ano ang gagawin mo?
Thank You!
Gerald T. Evarolo, LPT

You might also like