Professional Documents
Culture Documents
Nara Tibo
Nara Tibo
Nara Tibo
na Pagkukuwento
Layunin
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o
magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo
man o hindi. Layunin din nitong manlibang o
magbigay-aliw sa mga mambabasa.
Deskripsiyon
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye
ng pangyayari na maaaring piksiyon (hal.: nobela,
maikling kuwento,tula) o di-piksiyon (hal.:
biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang
salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento.
Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa
tunay na daigdig o pantasya lamang.
Mas malalim na halaga ng
tekstong Naratibo
Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang
suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko
sapagkat ang mahusay na panitikan para sa kaniya ay
kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng
lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
Iba't ibang elemento ng Naratibong
teksto
a) Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan.
b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estruktura ng kuwento.
c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan,
lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang
kuwento.
d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at
mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang
bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang
magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay
upang hindi lumihis ang daloy.
Mga iba't ibang paraan ng Narasyon
diyalogo
Foreshadowing
plot twist
ellipsis
comic book death
reverse chronology
in media res
deux ex machina (God from the machine)
e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang
bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.
f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng
komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o
hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing
tauhan.
Mga Katangian ng Naratibong
Komposisyon
1. May mabuting pamagat
a) Orihinal
b) Kapanapanabik
c) Makahulugan
d) Maikli
Ito ay panawang pansin ng pasulat na
naranasyon, kung hindi mmabuti ang
pamagat niyon, malamang na walang
magkakainteres na basahin iyon.
Samakatuwid, upang maging mabuti
ang pamagat, kailangang taglayin niyon
ang mga sumusnod na katangian.
a) Maikli
b) Kawili-wili o kapanapanabik
c) Nagtatagpo ng lihim o hindi
nagbubunyag ng wakas
d) Orihinal o hindi palasak
e) Hindi katawa-tawa, kung ang
komposisyon ay wala namang layunin
na magpatawa.
f) May kaugnayan o naaangkop sa paksang
diwa ng komposisyon.
Isang pook na nabanggit
Hal. Canala de Reina-Liwayway A. Arceo
Kaisipang diwa rin ng akda
Hal. Nagbibihis na ang Nayon
Isang bagay na mahalaga sa salaysay
Hal. Ang Kalupi- Benjamin Pascual
Isang katotohanang akda ng paksa
Hal. Mabangis na Lungsod
Isang naganap na pangyayari
Hal. Noche Buena
2. Mahalaga ang paksa o diwa
Simula-Gitna-Wakas
Gitna-Simula(flashback)-Wakas
Wakas-Tunay na Simula-Tunay na Wakas
Iba’t-ibang ayos ng pagkasunod-sunod ng isang
narasyon:
Simula-Gitna-Wakas
Gitna o dakong wakas-Simula-Wakas
Wakas-Simula-Tunay na Wakas
4. Isang kaakit-akit na simula