Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Filipino 10

(wika at panitikan)
AKLAT/
Libro
Computer Set Browsing Apps
Ano ang inyong napapansin sa mga larawang inyong nakikita?
Pagsasagawa ng Sistematikong Pananaliksik

Bahagi na ng buhay ng bawat mag-aaral ang pagsasagawa ng sistematikong


pananaliksik para sa iba’t ibang pangangailangang akademiko. Mahalaga kung
gayon na alam ng mag-aaral ang kanyang gagawin at paghahanapan upang maging
matagumpay siya sa malalimang pananaliksik. Napakaraming impormasyong
maaaring makuha sa internet man o sa silid-aklatan kaya madalas, ang isang mag-
aaral na nananaliksik ay karaniwang nakadarama ng kalituhan sa dami ng mga
impormasyon at sa huli’y nahihirapang magdesisyon kung alin sa mga ito ang
karapat-dapat isama sa kanyang binubuong papel pang-akademiko.
Internet o Silid-Aklatan?
Ang isa sa mga unang pinagtatalunan ay kung saan ba higit na makabubuting maghanap ng
impormasyon, sa internet ba o sa mga aklat sa silid-aklatan? May mga naniniwalang ang isang
epektibong pananaliksik ay kailangan sa silid-aklatan isagawa dahil ang mga silid-aklatan lalo na
ng malalaking institusyon o paaralan ay nagtataglay ng malawak na database ng mga abstract,
artikulong nalathala sa mga journal pang-akademiko, at iba’t ibang mapagkukunan ng
impormasyon na kanilang binabayaran para sa kanilang mga mag-aaral. Isa pa naninindigan ang
mga naniniwala sa silid-aklatan na hindi dumaan ang mga teksto at dokumentong mula sa
internet sa pagsusuri ng mga eksperto at awtoridad n amula sa iba’t ibang disiplina.

Kung tutuosin ay may katotohanan ito sapagkat sa internet, kahit sino ay puwedeng
maglathala. Mahalaga kung gayon na magsagawa ng pananaliksik sa tatlong lugar sa internet
para maberipika, mapalalim, at makakuha ng impormasyon sa mga Open Web, Gated Web, at
sa mga Hidden Web.
Open Web, Gated Web, at Hidden Web

Open Web ang tawag sa impormasyong agad-agad lumalabas at nakakuha mula sa mga
search engine tulad ng Google, Yahoo, at iba pa.

Gated Web ang tawag sa mga impormasyong makukuha mo lamang kapag


ikaw ay miyembro kaya’t nangangailangan ng log in at password bago
makapasok.

Ang Hidded Web na tinatawag ding Deep Web o Invisible Web ay


nagtataglay ng mga hindi naka-html na dokumento tulad ng mga
naka-PDF.
Paggamit ng Primaryang Sanggunian
Ang isa pang paraan ng paghahanap o pangangalap ng datos at impormasyon sa pananaliksik
ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga primarying sanggunian.

Ang tatlong paraan ng paglikom ng datos mula sa mga primarying sanggunian ay ang
sumusunod:

Obserbasyon: May mga pananaliksik na nangangailangan ng aktuwal na obserbasyon ng


mga tao, pangyayari, at iba pang bagay na maaaring masukat.
Pakikipanayam: Ito ay pangangalap ng datos o pagkuha ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanong nang isahan sa tao o kaya’y pangkatang pakikipanayam.
Survey: Sa pamamagitang ito nakakukuha ng datos o impormasyon ang mananaliksik sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa mga kalahok o respondents ng questionnaire o
palatanungang kaugnay ng paksa.
PANDIWA
(Aspekto) 

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw


at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Ito’y binubuo ng salitag-ugat
at ng isa o higit pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa
ay tinatawag na panlaping makadiwa.
 Panlaping makadiwa – panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang mabuo
ang pandiwa.
Aspekto ng
Pandiwa
Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kalian naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinahahayag nito.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.

Halimbawa: Ipinadala ni Zues si Pandora kay Epimetheus.

• Aspektong katatapos – bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay


katatapos pa lang gawin o mangyari. Sa pagbuo nito ay idinudugtong ang panlaping
ka- at inuulit ang unang pantig ng salita.

Halimbawa: Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon


subalit binuksan pa rin niya ito.
2. Aspektong Nagaganap or Imperpektibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang
nangyayari o kaya’y patuloy na nangyayari.
Halimbawa:
• Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.
• Ako ay nangangarap na makapagtapos nang pag-aaral hanggang kolehiyo.

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa


isinasagawa o gagawin pa lang.

Halimbawa:
 Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang.
 Matatanggap mo ang pabuya bukas ng hapon.
Processing
Questions
1. Bakit mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang aklat, browsing
apps o websites para sa paggawa ng sistematikong
pananalisik?

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng aspekto ng


pandiwa upang lubos na maunawaan ang isang pahayag?
Framing
Concepts
Panuto: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng pangkat na mayroong 5 miyembro. Ibigay
ang mga aspekto ng pandiwa at magbigay ng sariling likhang halimbawa ng bawat
aspekto.

You might also like