Mito NG Manobo at Bukidnon

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mito ng Bukidnon ( Isinalin ni Om Narayan Velasco )

Bago pa nagkaroon ng langit at


mundo , nariyan na ang banting , isang
lugar na may nakasisilaw na liwanag at
napaliligiran ng isang
bahaghari .Tatlong nilalang ang
namamalagi rito: si Mulug
Nanguyawuyaw na iisa ang ulo, si
Dadanhayan ha Sugay na may
sampung ulo , at si Diwata
Makabugnaw na iisa ang ulo at may
pakpak .
Nagpasiya si Mulug na likhain ang
mundo at ang mga tao sa tulong ni
Dadanhayan.Sa bawat hiling ni
Mulug ,isinasagot ni Dadanhayan "Yan
ka magbaya" (Matutupad ang iyong
nais) at iyon ang dahilan kung bakit
tinawag na Magbabaya ang Manlilikha .
Mito ng Bukidnon ( Isinalin ni Om Narayan Velasco )

Gumawa si Magbabaya ng pitong pigura ng tao na kawangis niya , at


ibinilin kay Dadanhayan ang anim . Tinapos ni Dadanhayan ang mga ito batay
sa kaniyang sariling kagustuhan kahit na walang pahintulot ni Magbabaya .
Pinag-awayan ito nina Magbabaya at Dadanhayan hanggang bumaon sa lupa
ang kanilang mga sandatang gawa sa tingga.
Ito mismo ang mga naging mineral na miminahin at papandayin ng mga tao
para sa sarili nilang mga sandata at sasakyan sa paglalakbay
Mito ng Bukidnon ( Isinalin ni Om Narayan Velasco )

Sa huli , itinabi ni
Magbabaya ang ikapitong
pigura at pinabayaan na ang
anim na pigurang pinakialaman
ni Dadanhayan . Ang kaniyang
pigura ang naging unang tao.
Ang anim na pigura ni
Dadanhayan ang naging
Talabugta, ang tanod ng lupa at
si Ibabasuk , ang nagbabantay
sa engkanto, ang
tagapagbantay ng kalikasan at
mga halaman , si Bulalakaw,
ang nangangalaga sa tubig at
sa mga nilalang nito at si
Mamemelig , ang tanod ng
gubat.
Mito ng Bukidnon ( Isinalin ni Om Narayan Velasco )

Kasama din si Lalawag na


syang tagabantay ng mga
bubuyog sa mga pukyutan at si
Mamahandi na tagapagbantay
ng yaman ng sangkatauhan.
Ang ibang piraso ng luwad na
nalaglag sa mga hinulmang
pigura ay naging nilalang din.
Ang mga galing sa kilikili ay
nagkaroon ng pakpak, ang mga
nagmula sa daliri ng mga pigura
ay mga nilalang na nahuhuli sa
daliri.
Nagmula sa likod ang mga
hayop na binubuhat sa likod
gaya ng usa at baboy-ramo at
namula sa binti nito ang mga
hayop na sinasakyan ng mga
tao.
Mito ng mga Manobo
Sinasabi na noon ay
mag-asawa ang buwan at ang
araw. Namumuhay sila ng
payapa at di kalaunan ay
nagkaroon sila ng dalawang
anak. Isang araw ay
kinailangang gawin ng buwan
ang mga gawaing-bayan na
nakatalaga sa kanya.
Bago umalis para
kumuha ng tubig si buwan ay
ipinaghele nya ang kanyang
mga anak at sinabihan ang
kanyang asawa na si araw na
bantayan ngunit wag lalapitan
ang kanyang mga anak pagkat
sila ay maaaring masunog.
Mito ng mga Manobo
Ang araw na kailanma’ydi pa napahintulutang mahawakan ang
kanyang mga anak ay tumayo malapit sa tinutulugan ng kanyang mga anak at
masaya silang pinagmasdan. Ngunit nang sya ay yumuko upang halikan ang
mga supling ay nalusaw ang mga ito na parang kandila dulot ng matinding init
mula sa kanyang mukha.
Nang makita ito ni Araw ay umiyak sya at nagtungo sa gubat upang
magtago sa kanyang asawa. Makalipas ang ilang oras ay bumalik ang walang
kaalam-alam na si Buwan upang balikan ang kanyang pangalan.
Mito ng mga Manobo
Nadatnan ng buwan ang mga sunog at matitigas na labi ng kanyang mga
anak at sa matinding hinagpis ay naghihihiyaw siya at tinawag ang kanyang
asawa. Sa haba at lakas ng pagtangis na ito, nahimok si Araw na balikan ang
kanyang asawa.
Lalong lumakas ang panaghoy ni Buwan ng dumating ang kanyang asawa
at dahil sa di maamo ni Araw si Buwan ay nagalit ito at sinabi nyang pagmamay-
ari nya si Buwan. Humina ang panaghoy ni buwan dahil sa takot nito mula sa
kanyang asawa.
Mito ng mga Manobo
Ngunit sa isang panaghoy ay kinuha ng buwan ang labi ng kanyang mga
anak at inihasik ito sa kanyang paligid na syang ikinagalit ng araw na kinuha ang
dahon ng gabi na dala ni buwan at sinampal nya ang asawa gamit ito at agarang
umalis.
Nang siya ay magbalik ay wala na ang asawa nyang si buwan at sinundan
nya ito ngunit bigo syang maabutan ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi
nagkakasabay ang araw at buwan na nagresulta sa pag-ikot ng araw at gabi.
Ang mga labi ng kanilang mga anak ay isinama ni buwan na naging mga bituin.
Mito ng mga Manobo
Ang mga bulalakaw na nakikita natin ay ang mga mensahero ni
buwan para sa kanyang asawa upang itigil na nito ang pagsunod sa
kanya. Gayunman ay di nakinig si araw at patuloy pa din ang paghabol
niya sa buwan na dala pa din ang mga marka ng sampal ni Araw gamit
ang gabi na dala nya noong bago sila magkawalay.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nagkakasabay ang bukang-
liwayway at takipsilim sa ating daigdig.

You might also like