sunod nito. Ilan sa mga sangkap nito ay: a. Banghay b. Tauhan c. Punto de bista d. Tagpuan Banghay
• Ang daloy ng kuwento ay
tinatawag na banghay. Ang Freytag Pyramid ang madalas na ginagamit na pormat ng banghay. Banghay
• Eksposisyon – naglalahad ito kung paano nagsimula ang kuwento.
• Papataas na aksyon – mga kilos ito tungo sa kasukdulan o climax ng kuwento. • Kasukdulan – bahagi ito ng banghay ng kuwento. Ito rin anb pinakamataas na kawilihan ng mambabasa. • Pababang aksyon – mga aksyon ito pakatapos maisawalat ang kasukdulan. • Resolusyon – nakalahad naman dito ang katapusang bahagi ng banghay o ng kuwento. Mga kontradiksyon o Conflict
1. Tao Laban sa Tao – Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng
mga tauhan sa kuwento, ng bida laban sa kontrabida. 2. Tao Laban sa Sarili – Nagaganap nang tunggalian sa isipan ng tauhan. 3. Tao Laban sa Kalikasan – Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at kalikasan. Ayos ng Banghay 1. Linyar – Isinasalaysay nito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Tinatawag itong kronolohikal na ayos. 2. Pagbabalik-Tanaw – Binabalikan at inaalala ng punto de bista ang mga naganap sa isang tauhan o sa isang lugar. 3. Sorpresa – Ito ang mga kagulat-gulat na mga wakas kung lohikal ang daloy ng kuwento, may mga pahiwatig o foreshadowing na ibinibigay sa unahan pa lamang ng kuwento. • In-medias res – may pagbabalik tanaw na nagsisimula sa gitna ng kuwento.
• Twist – nagdudulot ng suwerte kung kaya nagiging masaya ang
wakas ng kuwento.
• Deus ex-machina – nagdudulot ng isang pangyayaring napakasaklap
sa wakas ng kuwento. Tauhan
• Ang mga gumaganap sa kuwento.
May iba’t ibang klasipikasyon ang mga tauhan – bida (protagonista) o kontrabida (antagonista); dynamic o static; flat o round. • Dynamic – ito ang uri ng kuwento na halos kamuhian ng mga mambabasa o tagapanood ang kontrabida na siyang lubusang nang-aapi sa bidang karakter. • Static – ito ay kung saan simple lamang ang papel ng tauhan. Kapag inilarawan ang isang pansuportang tauhan an mabait at maunawain. • Round – nagbabago ang katauhan sa daloy ng kuwento. • Flat – tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang sa katapusan. Punto de bista
• Ang mata ng buong kuwento. Ito
ang tagapagsalaysay ng mga pangyayari. Maaaring maging una, ikalawa o ikatlong panauhan. Tagpuan
• Ang tagpuan ang sumasagot sa
tanong na kalian at saan naganap ang pangyayari, na nagbibigay- kaligiran sa kuwento. Iba’t ibang Halimbawa ng Tekstong Naratibo 1. Patulang Naratibo – ito ang bersyong nagsasalaysay ng buhay ng isang tauhan, o kaya ay nagbibigay-diinsa isang pangyayari o lugar. 2. Alamat – isinasalaysay ang pinagmulan ng isang bagay. 3. Parabula – ito ang kuwentong maaaring paghanguan ng aral sa bibliya. 4. Pabula – ito ay mga kuwentong karaniwang pinagbibidahan ng mga hayop na binibigyang-buhay tulad ng mga tao. • Maikling kuwento – isang salaysayin tungkol sa isang tauhan, lugar, o pangyayari. • Nobela – ito ay salaysaying sala-salabat na ugnayan ng mga tauhan, lugar, o pangyayari. • Anektoda – ito ay mga salaysaying kawili-wili tungkol sa isang kilalang tao, na maaaring totoo o hindi. • Talambuhay – Salaysayin ito ng mga pangyayari sa personal na buhay ng manunulat o buhay ng ibang tao. • Kasaysayan – ito ay mga salaysayin ukol sa mga totoong nangyari sa isang bansa, lalawigan, o sa ibang panig ng mundo. • Atlas – isang sanggunian na patungkol sa mga impormasyong pang heograpiya na tinatalakay ang ibat-ibang bansa at kontenente mayroon ang mundo. • Ensayklopedya – isa sa mga aklat na karaniwang ginagamit kung saan ito ay naglalaman ng mga detalyadong impormasyon tunkolsa sa mga paksang hahanapin.