Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mga

Popular na
Babasahin

Inihanda ni: Nikki Rose G. Corongay


Masasabing nagpapatuloy ang tradisyunal na panitikan sa kabila ng modernisasyong
dulot ng pag- unlad ng ekonomiya. Marahil nagkakaroon lamang ito ng bagong
mukha. Kung susuriin naiibalamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang
panitikang popular. Narito ang maikling paliwanag pra sa mgapopular na babasahing
laganap ngayun sa bansa:
 PAHAYAGAN (diyaryo)
-ito ay itinuturing na isang uring print media ana nanatiling
buhay at bahagi ng ating kultura. Isa sa katibayan nito ay
ang mga nagkalat na tabloid sa ga bangketa araw-araw.
Dalawang Uri ng Pahayagan
 Tabloid- ibinibilang na pahayagang pang-
masa ang tabloid dahil sa wikang Filipino o
sa ibang diyalekto ito nakasulat bagamat ang
ilan dito ay Ingles ang midyum. Yun nga lang
sa ibang tabloid ay masyadong binibigyang
diin ang tungkol sex o karahasan kayat
tinagurian itong sensationalized journalism.
 Broadsheet- hindi katulad ng
tabloid, ang target na mambabasa
nito ay mga class A at class B.
KOMIKS
isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit ang isang
salysay o kuwento. Ito ay ibnibilang ding isang makulay at popular na babasahin
na ang layunin ay magbigay aliw sa mga mambabasa, magturo ng ibat-ibang
kaalaman t magsulong ng kulturang Pilipino.
 Ang pagiging malikhain ng mga gumagawa ng komiks ang
nagpapagalaw sa mga bagay na walang buhay.
MAGASIN
Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga
Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong
makukuha rito. Hindi rito mawawala ang Liwayway kung ang
pag uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng maikling kuwento at mga nobela na nagging
instrument upang umunlad ang kamalayan ng marami sa
kulturang Pilipino.
Mga Kasalukuyang Magasin na
tinatangkilik ng mga Pilipino:
 CANDY- Tinatalakay nito ang mga
kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulatna mas naka
uunawa sa sitwasyon ng kabataan sa
kasalukuyan.
 COSMOPOLITAN- ito ay isang magasing
pangkababaihan. Ang mga artikulong rito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa pinaka mainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
 ENTERPRENEUR- magasing naglalaman
ng mga aritukulong makatutulong sa mga
taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
 FHM( For Him Magazine)- magasing para sa
kalalakihan na naglalaman ng mga artikulong nais
pag usapan ng kalalakihan tulad ng mga isyung
may kinalaman sa buhay, pag ibig at iba pa ng
walang pag- aalinlangan.
 GOOD HOUSEKEEPING- isang
magasin para sa abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat ditto ay
tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting may bahay.
 MEN’S HEALTH- ito ay tungkol
sa mga isyu tungkol sa kalusugan
tulad ng pamamaraan sa pag
eehersisyo, pagbabawas ng
timbang at pagsusuri sa pisikal at
mental na kalusugan na nagiging
dahilan upang maging paborito ito
ng mga kalalakihan.
 METRO MAGASIN-
magasin tungkol sa fashion,
mga pangyayari,shopping at
mga isyu hinggilsa
kagandahan ang nilalaman
nito.
 T3- Ito ay may
napapanahong mga balita
at gabay tungkol sa pag
aalaga ng mga gadgets.
 YES!- Ang magasin na ito ay
tungkol sa showbiz.
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay maituturing na maikling- maikling kuwento. Kabilang sa
mga kilang manunulat ng dagli ay sina Enigo Ed. Regalado na may
bansag na tengkeleng, Jose Corazon De Jesus, Rosauro Almario(Ric. A.
Clarin), Patricio Mariano, Francisco Lacsamana at Lope K. Santos.
Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng bagong kahulugan ang dagli.
Nagkakaroon ito ng mga lehitimong pangalan at katawagan- anekdota,
spice- of –life, day-in-the-life at iba pa.
ISANG makipot na tulay ang dadaanan ng mag-ama. Mataas ang tulay at
nasa ilalim nito ay mabatong ilog. Bago tumulay ay sinabihan ng ama
ang kanyang dalagitang anak:
“Leslie, kumapit kang mabuti sa aking mga kamay.” 
“No, Daddy, ang kamay mo po ang ikapit mo sa akin.” 
“Naku, pareho lang yun anak…”
 “No Dad, its different. Kung ako ang nakahawak sa iyong kamay at
nadulas ako, malaki ang tsansa na makabitaw ako sa iyo. Pero kung ikaw
ang nakahawak sa aking kamay, may control ka sa akin kaya hindi
kaagad ako babagsak.” 
 *Leksiyon ito sa mga anak na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa
payo ng mga magulang.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8

Inihanda para kay: Gng. Eva G. Ilumin

You might also like