Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

9 – BAITANG

Gng. MARIA AURORA M. BULANDA


SUBUKIN
Panuto: Bilugan ang
dalawang salitang
magkasingkahulugan sa
loob ng pangungusap.
SUBUKIN
Labis ang hinagpis na nadama
ng ina sa pagkawala ng kanyang
anak. Ang kalungkutan niya’y
nakapagpalimot sa kanya na
pangalagaan ang kanyang sarili.
SUBUKIN
Ang pagmamalasakit ng ating mga
kababayan sa panahon ng
pandemya ay damang-dama sa
kanilang taos pusong pagtulong na
walang hinihinging kapalit sa iba.
SUBUKIN
Nagsisikap ang lahat na matapos
ang kanilang gawain, ang
kanilang pagpupunyagi ay
paniguradong aani ng malaking
katagumpayan.
SUBUKIN
Tumagal nang mahabang
panahon ang kanyang pagluluksa
sa yumaong ina. Araw-araw labis
ang kanyang pagdadalamhati sa
loob ng kanyang silid.
SUBUKIN
Ang kanyang suliranin sa buhay
ay umabot sa sukdulan. Halos
tulala siya sa kanyang bahay
habang iniisip-isip ang kanyang
mga problema.
Anong paraan ang
ginawa sa bahagi
ng subukin?
KONOTASYON AT DENOTASYON
•Paraan ng pagbigay kahulugan sa mga
salita
•Makatutulong ang kaalaman sa
denotasyon at konotasyon upang mas
maging maparaan sa pagpapakahulugan
KONOTASYON
• Pagpapakahulugan na iba kaysa sa pangkaraniwang
kahulugan
• Ito ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin,
karanasan at sitwasyon ng isang tao.
• Nagtataglay ng mga pahiwatig na emosyonal o
pansaloobin ang mga salita.
• Mayroong malalim na kahulugan ng salita.
Napagaganda nito ang isang pangungusap
KONOTASYON
Halimbawa:
BAHAY - lugar kung saan may
pagkalinga at pag-
aaruga
INA – ilaw ng tahanan
DENOTASYON
•ang kahulugan ay karaniwang
nakukuha sa diksyunaryo.
Ang salita ay nagbibigay ng
isang tiyak na kahulugan
DENOTASYON
Halimbawa:
BAHAY- tirahan ng tao, isang
gusali na ipinatayo upang maging
proteksiyon ng tao
INA – Isang babaeng magulang
PAGSASANAY
Panuto: Basahin ang
sumusunod na pangungusap.
Piliin kung ito ay KONOTASYON
o DENOTASYON ang salitang
mayroong salungguhit.
PAGSASANAY
1. Huwag kang lumapit
sa nagbabagang apoy
at baka mapaso ka.
PAGSASANAY
2. Madalang na lamang
tayo makakita ng mga
tanim na kawayan.
PAGSASANAY
3. Mga naggagandahang
bulaklak ang ipinarada
taon-ton sa Panagbenga
Festival.
PAGSASANAY
4. Isa siyang maningning
na ilaw sa gitna ng
kalungkutan dahil sa
pag-asang dala niya.
PAGSASANAY
5. Nakatutuwang
pagmasdan ang makulay
na bahaghari sa kalangitan
pagkatapos ng ulan.
PAGSASANAY
6. Isang iyak – pusa ang
aking kapatid, maliit na
bagay lamang ay agad
na siyang umiiyak.
PAGSASANAY
7. Mag-ingat ka sa mga
salitang gagamitin mo kapag
kakausapin mo na siya dahil
siya ay balat-sibuyas.
PAGSASANAY
8. Matibay ang haligi ng
tahanan nila kahit ilang
malakas na bagyo na ang
nagdaan ay hindi pa rin ito
natitibag.
PAGSASANAY
9. Maituturing na tila isang
walis tingting ang kanilang
klase dhil sa pagtutulungan at
pagkakaisang kanilang
ipinamalas.
PAGSASANAY
10. Isang kaligayahan para sa
mga magulang ang makita ang
kanilang mga anak na
nagsusunog ng kilay para sa
kanilang pag-aaral.
PAGSASANAY
1. Denotasyon
2. Denotasyon
3. Denotasyon
4. Konotasyon
5. Denotasyon
6. Konotasyon
7. Konotasyon
8. Denotasyon
9. Konotasyon
10. Konotasyon
TAKDANG-ARALIN
Panoorin ang akdang
“MENSAHE NG BUTIL NG KAPE”
sa youtube. Sagutin ang
tanong na ito, Paano dapat
hinaharap ang mga problema
sa buhay?

You might also like