Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

URI NG GENDER

ROLES SA IBA’T IBANG


BAHAGI NG DAIGDIG
Mga Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan 10
MELC: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender), sex, at gender
roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig

Layunin:
1. Naiisa-isa ang uri ng gender roles na umiiral sa
Pilipinas;
2. Natutukoy ang uri ng gender roles na umiiral sa iba
pang bahagi ng daigdig;
3. Naipaliliwanag ang katayuan ng kababaihan at
kalalakihan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Paghawan ng Balakid
■ Gender roles- ito ay gampanin o tungkulin batay sa
kasarian.

■ Feminismo- ito ay ang pamamayani ng babae sa


lipunan.

■ Binukot- mga babae na itinatago sa mata ng publiko at


itinuturing na prinsesa.
■ Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay
nagkakaroon ng paghahati sa mga miyembro nito ayon sa
kasarian. Sa kasaysayan ng mundo, lalaki ang karaniwang
bumubuhay sa pamilya at ang babae naman ang siyang nag-
aalaga sa mga anak at gumagawa ng gawaing bahay. Sa
kasalukuyan, bunsod ng pag-unlad at paglaganap ng
feminismo, nagkaroon ng pagbabago sa gampanin ng babae
sa lipunan.Naging hayag o lantad na rin ang tinatawag na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o LGBT na nagnanais
din na matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan bilang
mamamayan.Ikaw, ano ang masasabi mo sa katayuan ng
kababaihan,kalalakihan at miyembro ng LGBT? Pantay-
pantay ba ang kanilang mga gampanin at karapatan?
Gender Roles sa Africa at Kanlurang
Asya
■ Sa mga rehiyong ito sa mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga
babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal
ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng
pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang
ikalawang bahagi ng ika-20 siglo pinayagan ng ilang bansa sa
Africa at kanlurang Asya na makaboto. Sa kaharian ng Saudi
Arabia, nanatili pa rin ang paghihigpit sa kababaihan. Noong taon
2015 pa lamang sila pinayagang makaboto. May pagbabawal din
sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot
sa kamag-anak ng lalaki (asawa, magulang o kapatid). Pinipigilan
din ang paglalakbay ng mga kababaihan nang mag-isa dahil sa
malaking banta ng pang-aabusong sekswal at pisikal.
■ Lumabas sa datos ng World Health
Organization na may 125 milyong kababaihan
(bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation sa 29 na bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na
walang benepisyong medikal ang FGM sa mga
kababaihan ngunit patuloy pa rin ang ganitong
gawain dahil na rin sa impluwensya ng
tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan.
■ Ang Female Genital Mutilation (FGM) ay isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan, bata man o matanda nang
walang anumang benepiyong medikal. Isinasagawa ito sa
paniniwalang mapapanatili nito nang walang bahid-dungis ang
babae hanggang sa siya ay maikasal. Wala itong basehang
panrelihiyon at nagdudulot ito ng impeksyon, pagdurugo, at hirap
sa pag-ihi at maging kamatayan. Maituturing ang gawaing ito na
paglabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan.
■ Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso rin ng gang rape sa mga
lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon
nila matapos silang gahasain. Bukod rito, ayon sa inilabas na ulat
ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may
mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng
mga miyembro ng LGBT
Maraming Salamat
(Pinagkunan: “Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu-
Learning Module, ”Learning Resources Management and Development
System, accessed January 29,2021,
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject 1270.)
■ Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat :
Eleanore M.Heredero Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran Editor: Enrile O.
Abrigo Jr. Tagawasto : Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran Tagasuri : Maritess L.
Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Maria Lea A. Magbanua, Rodney M. Ballaran,
Carissa M.Calalin Tagalapat: John Lawrince E. Retanal Tagapamahala: Servillano A.
Arzaga, CESO V, SDS Loida P. Adornado PhD. ASDS Cyril C. Serador PhD. CID
Chief Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager Marites L. Arenio, EPS I-Araling
Panlipunan Fe O. Cabasal, PSDS Eva Joyce C.Presto, PDO II Rhea Ann A. Navila,
Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

You might also like