Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA

KONSEPTONG
PANGWIKA
ANG WIKA
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang
“dila” at “wika o “lengguwahe.” Ito ang pinagmulan
ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan
ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging language na
siya na ring ginamit na katumbas ng salitang
lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa
buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may
halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa
dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang
pagbigkas dahil ang iba’t-ibang tunog ay nalilikha sa
Kaya naman, ang wika ay may tradisyunal at
popular na pagpapakahulugang Sistema ng
arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang
tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang
pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista
at propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika
ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
ANG WIKANG
PAMBANSA
• 1934
Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t-ibang
pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang
mainitang pinagtatalunan, pinag-iisipan, at tinatalakay sa
Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.
Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga
umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit
sinalungatan ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na
makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.
Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang Pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang
mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo
• 1935
Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-
daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo
XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na
nagsasabing:

“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
• 1937
Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

• 1940
Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang
pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado.
• 1959
Noong Agosto 13, 1959 , pinalitan ang tawag sa wikang
pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E.
Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong
ito’y higit na binibigyang-halaga at lumalaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa
mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa., gayundin sa
iba’t-ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng
diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila
•1972
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo
sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong
1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli,
ito ang mga naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksyon 3, blg. 2:
• 1987
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino
ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon
tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.”
WIKANG OPISYAL
AT WIKANG
PANTURO
Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang
itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan
ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaring
gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa
anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang
opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
• Ayon sa itinadhana ng ating Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksiyon 7, mababasa ang sumusunod:

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtututuro,


ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magisisilbing
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.”
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga
opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother
Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay nagging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at
pribado man. Tinatawag itong Mother-Tounge Based
Multi-Linggual Education. (MTB-MLE).

You might also like