Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

“Ang Simula at

pagwawakas ng
Unang Digmaang
z
Pandaigdig”
Reported by: Lj Macaraan
Submitted to: May Ann L. Racoma
z

Simula
z

 Pagsapit ng 1914, Hindi na maganda ang relasyon ng Serbia sa


isang estado sa Balkan at Austria. Ang Serbia na suportado ng
Russia ay nangarap na pag-isahin ang lahat ng mga serb na
naninirahan sa imperyong Austria-Hungary at bumuo ng Kalakhang
Serbia (Greater Serbia).
 Ayaw naman ng Germany, na noon ay sumusuporta sa Austria, na
mahati ang kanyang imperyo. Nangangamba ang Austria na kapag
nagkaisa ang mga Serbs, and iba pang maliit na pangkat sa
imperyo ay maaari ding humingi ng pagsasarili, na maaaring
maging dahilan sa pagbagsak ng imperyo. Naisip ng mga pinunong
Austria na sirain ang nagsasariling bansa ng Serbia upang matigil
ang lumalakas na pagtutol laban sa pamahalaang Austria
z
 Noong Hunyo 28, 1914 dinalaw ni Archduke Francis
Ferdinand, ang taga pagmana sa tronong Austria ang
lungsod ng Saravejo, isang lungsod sa Balkan. Habang
nasa motorcade si Francis Ferdinand, isang lalaki ang
lumapit at binaril ang archduke at kanyang asawa. Ang
pagpatay ay binintang ni Konde Leopold von Berchtold,
ang ministro sa kalagayang panlabas ng france, sa
gobyernong Serbia.
 Bagama’t hindi tama ang hinala ni Berchtold, nagpadala
siya ng sulat kay Kaiser Wilhelm II ng Germany na
humihingi ng tulong upang mapatigil ang panggugulo ng
Serbia. Agad na pumayag ang Germany sapagkat nais
niyang manatili ang Austria na kanyang kaalyado.
Si francis Ferdinand kasama ang kanyang
asawa matapos barilin.
z
 Sa suporta ng Germany, nagpadala ng isang pananakot na ultimatum si
Leopold von Berchtold. Binigyan niya ang Serbia ng 48 oras upang
sumagot. Handa na si
Berchtold I sa isang digmaan, dahil nakasisiguro siyang tatalunin ng Austria
ang Serbia.
 Naniniwala pa si Berchtold na dahil kaalyado niya ang Germany, matatakot
tumulong ang ibang bansa. Upang maiwasan ang digmaan, pumayag ang
Serbia sa maraming kahilingan ng Austria, mga kahilingihan na tulad ng
pagtigil sa panggugulo at pagpaparusa sa mga sangkot sa pagpatay sa
tagapagmana ng trono sa Austria. Pumayag din sila na sumali ang Austria
sa Imbestigasyon. Tinanggihan nila ang pagpasok ng mga opisyal ng
Austria-Hungary sa bansa upang ipatigil ang mga propaganda laban sa
Austria.
 Ang pagtangging ito ay naging dahilan ng Austria na gumawa ng isang
z marahas na hakbang. Noong Hulyo 28, idineklara ng Austria ang

digmaan sa Serbia.
 Sa kabilang dako, humingi naman ng tulong ang Serbia sa Russia. Mula
sa St. Petersburg, tumelegrama si Nicholas II kay William II na bawasan
naman ng Austria ang kanyang mga kahilingan. Nang hindi binigyang-
pansin ang kahilingan, sinimulan ng Russia na ihanda ang kanyang
puwersang Militar. Tinugon ito ng Germany sa pamamagitan ng
deklarasyon ng digmaan laban sa Russia noong Agosto 1, 1919.
 Humingi naman ang Russia ng tulong sa kanyang kaalyadong France.
Sa Paris, nakakita ng pagkakataon ang mga nasyonalista na ipaghiganti
ang sinapit nila sa digmaan Franco-Prussian, Ipinagkaloob nila sa
Russia ang tulong na katulad nang ibinigay ng Germany sa Austria.
Hiniling ng Germany ang pagiging neutral ng France, ngunit tumanggi
ito, kaya’t idineklara ng Germany ang digmaan laban sa France noong
Agosto, at lalo pang lumaki ang digmaan
 Nanatiling neutral ang Italy at Britain. Ang neutrality ay isang
z patakaran ng hindi pagkiling sa alinmang panig sa digmaan.
Ang mga balak ng Germany ay nagpabago sa desisyon ng
Britain.
 Labis na kinatakutan ng Germany ang digmaan sa kanyang
dalawang panig; ang France sa kanyang kanluran at Russia
sa kanyang silangan. Dalwang taon bago ang pangyayaring
ito, binuo ni heneral Alfred Schlieffen ang isang estratehiya
upang maiwasan ang ganitong digmaaan na tinawag niyang
Schlieffen plan. Sa ilalim ng planong ito, marapat na talunin
muna ng Germany ang france bago labanan ang Russia. At
upang masiguro ang madaling panalo, inatasan ang lahat ng
Schlieffen Plan sundalong aleman na pumasok sa Belgium bago pumasok sa
likod patungo ng France. Noong Agosto 6, 1919, sinalakay ng
Germany ang Belgium. Bagama’t pumayag ang Britain at iba
pang bansa sa Europe lumagda sila sa kasunduan na
nagsisiguro sa pagiging neutral ng Belgium. At nagdeklara
ang Britain ng digmaan laban sa Germany.
z
Bagong Uri ng Labanan

 Ang dakilang digmaan (Great war) ay itinuring ng mga


pahayagan na pinakamalaking digmaan sa kasaysayan.
Pinakilos ng france ang halos 8.5 na milyong pranses, 9
na milyong Briton, 12 milyong ruso at 11 milyong aleman

Alemanyang militar
z

Ang Digmaan sa Kanlurang Europe


z  Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan ay
naghukay ng lungga sa malalawak na kanal (trenches) mula sa
hangganan ng Switzerland hanggang sa Belgium. Isang lihim na
network ang nagdurugtong sa mga bunker, mga gamit
pangkomunikasyon, at mga sandata.
 Sa pagitan ng dalawang magkalabang trenches, makikita ang
WWI Trench Warfare no man’s land.” ito ay bakanteng lupaing may nakatanim na
mga landmine. Madalas, kapag tinatawag ang mga sundalo at
lumalabas sila sa kanilang lungga, daraan sila sa “no man’s
land” nang walang proteksyon maliban sa mga baril at helmet
 Noong 1916, nagsagawa ng isang opensiba ang magkabilang
panig. Ginulat ng mga aleman ang mga pranses na nasa
Verdun. Ipinagtanggol naman ng mga pranses ang kanilang
No man’s land
posisyon, ngunit namatayan ang dalawang panig nang mahigit
na kalahating milyong tao.
z

 Ang opensiba ng mga allies sa may ilog ng somme ay mas


lalong magastos. Sa isang araw na labanan, mahigit 60,000 na
Briton ang napapatay at nasusugatan. Sa loob lamang ng
limang buwang labanan namatay ang mahigit isang milyong
katao.
 Ang makabagong armas ay nakadagdag sa malawakang
Digmaan sa Somme pagwasak dala ng digmaan. Noong 1914, ang mga sandatang
pandigma o malaking armas ng Germany ang lumipol ng mga
kaaway mula sa 15 milyang distansiya. Pagsapit ng 1918,
inatake ang paris mula sa distansiyang 70 milya.
z

Labanan Sa Silangang Europe


z
 Agosto 1914, ang mga armadong Ruso ay napunta sa silangan ng
Germany. Sa labanan sa Tannenberg, naranasan nila ang
pinakamalubhang pagkatalo sa digmaan. Pagkatapos sa Tannenberg,
ang sandatahan sa silangan ay lumaban sa lupain sa Russia.
 Sa mga bansa, ang Russia ay hindi handa sa isang makabagong
digmaan. Kulang sa kagamitan nag mga hukbong Ruso, at madalas
ang mga tropa ay walang armas maging simpleng riple man lamang.
 Ang digmaan ay naganap din sa timog-silangan ng Europe. Noong
1915, Sumapi ang Bulgaria sa Kapangyarihang Sentral sa
pagwasak sa karibal na Serbia. Sa kabilang dako, sumama naman
ang Italy sa Allies upang makuhang muli ang mga lupain na tinirhan
ng mga Italyano. Ang labanan sa Caporetto, ang pangunahing
labanan sa Austria noong Oktubre at Disyembre 1912, ay
mapaminsala sa Italy katulad ng sa Tannenberg sa Russia.
z

Labanan sa Ibang Bahagi ng Mundo


z  Naganap din sa mga kolonya ang labanan sa pagitan ng
entente at Central powers. Nagdala ang entente ng hukbo
upang sakupin ang mga kolonya at teritoryo ng Central powers
 Samantala, tinangka naman ng entente na buksan ang kipot
ng dardanelles sa turkey para makapagpadala ng suplay sa
Gallipolli Campaign mga ruso. Gayunman, kontrolado ito ng hukbo ng imperyong
ottoman kaya inilunsad ang kampanya sa Gallipoli. Pagkalipas
ng 11 buwan, nabigo ang entente na makontrol ang Gallipoli.
 Sa timog-kanlurang asya, tinulungan naman ng mga Briton ang
mga arabe na mag-alsa laban sa imperyong ottoman. Sa
pangunguna ni T.E. Lawrence, mas kilala nilang “Lawrence ng
Arabia” nasakop ng entente ang mga lungsod ng Baghdad,
Jerusalem, at Damascus.

Naval operations on
Dardanelles
z  Noong ika-23 ng Agosto, 1914, sumapi naman ang Japan sa
panig ng Entente. Sinakop ng mga Hapones ang mga teritoryo
ng Germany tulad ng Marshall Island, North Marianas,
Carolines, at ang Kiawchow sa tangway ng Shantung (sakop ng
Germany sa China)
 Sinakop ng Australia ang German New Guinea, samantalang sa
Africa ay matagumpay na nasakop ng mga Briton at pranses
ang apat na kolonya ng Germany na togo, Cameroon, German
Southwest Africa, at German east Africa. Ang pagsasanib
puwersa ng mga bansang ito ay lalong nagpalakas sa Entente,
na sa kalaunan ay tinawag na allied powers. Sumali naman ang
Italy sa panig ng Allied Powers noong Mayo 1915. Ito ay
matapos pangakuan ng lupain ang Italy ng France at Britain sa
kasunduan sa London. Ang mga lupang ipinangako ay
matatagpuan sa Asia Minor, Africa, at Balkan.
z

Ang pagpasok ng America sa Digmaan


 Ang United states ay nagdeklara ng pakikidigma laban sa Germany. Ang isang dahilan
z pag atake ng Submarine ng Germany sa pampasaherong barkong
nito ay ang
Amerikano. Iginiit ni Pangulong Woodrow Wilson na ang mga Amerikano ay mamayan
ng isang neutral na bansa at may karapatan sa tahimik na paglalakbay sa karagatan.
 Noong Mayo 1915, Isang submarine ng Germany ang nagpatama ng torpedo sa
pampasaherong barkong Briton na Lusitania. Halos 1200 na pasahero ang namatay,
kabilang ang 128 na amerikano. Pinangatwiran ng Germany ang isinagawang pag
atake sa dahilang nagtataglay ito ng armas. Noong 1917 muling nagalit si pangulong
Wilson dahil sa isinagawang pag atake ng mga submarine.
 Lalong nagalit ang America nang mapasakamay ng mga Briton ang isang telegram
noong pebrero 1917 mula kay kalihim Arthur Zimmerman ng ugnayang panlabas ng
Germany. Napakaloob sa telegram ang pagnanais na pagkikipag alyansa ng Germany
sa mexico. Kapalit ng alyansnag ito ang pagtulong ng mga aleman sa mga mehikano
na muling mabawi ang mga lupaing isinuko sa America matapos ang digmaang
Mehikano at Amerikano. Agad na ipinaabot ng mga briton sa mga amerikano ang
mensahe at noong ika-2 ng Abril, 1917, pormal nang nagdeklara ng digmaan ang
kongreso ng amerika laban sa Germany
z
z

Pagwawakas ng Digmaan
z  Ang patuloy na kakulangan sa mga kagamitang pandigma at pagkain
ang nagbigay-daan upang maganap ang isang rebolusyon sa Russia
at nagpabagsak sa morkiya ni tsar Nicholas II. Nangako ang bagong
pumalit na pamahalaan na ipagpapatuloy ang pakikipaglaban.
Pagsapit ng Nobyembre 1917, naganap naman ang rebolusyong
Bolshevik na pinangunahan ng komunistang si Vladimir Lenin. Bilang
Treaty of brest-litovsk
bagong pinuno ng Russia, nakipagkasundo siya sa Central Powers at
nilagdaan ang kasunduan sa Brest-Litovsk. Sa pamamagitan ng
kasunduang ito, isinuko ng Russia sa Germany ang Finland, Poland,
Ukraine, Estonia, Latvia, at Lithuania.
 Noong Marso 1918, sinimulan ng mga Aleman ang Malaki nitong
opensiba laban sa Allies. Nakarating muli ang hukbong Aleman sa
may Marne River, ngunit nahadlangan sila ng hukbong amerikano na
pinamunuan ni marshall Ferdinand foch. Sa labanang ito, natalo ng
Battle of Marne river
Allies ang puwersa ng Germany.
 Matapos ang pagkatalo ng Germany sa Marne, sunod namang
bumagsak sa Allies ang Bulgaria noong setyembre 1918. Pagsapit ng
z
Oktubre 1918, pumasok naman sa isang armistice ang imperyong
Ottoman sa Allies. Sa pagtatapos din ng buwang iyon, nagkawatak-
watak din ang matandang imperyo ng Austria-Hungary dahil na rin sa
pagdedeklara ng kasarinlan ng mga sakop nitong lupain.
 Dahil sa pagkatalo ng Germany, napilitang bumaba sa puwesto si Kaiser
Wilhelm II. Matapos nito, nagdeklara ng isang republika ang mga
mamamayang aleman na nagnanais nang mahinto ang digmaan.
Kaagad na nakipagpulong ang mga kinatawan ng Republika ng
Germany para sa isang armistice noong ika-11 ng Nobyembre, 1918
 Nagpulong sa paris ang mga kinatawan ng mga bansa mula sa central
Ang big four
Powers at allies upang bumuo ng mga kasunduang pangkapayapaan.
Pinangunahan ang pulong ng mga prominenteng pinuno ng allies na
sina pangulong Woodrow Wilson ng america, punong ministro Lloyd
George ng Britain, punong ministro Georges Clemenceau ng France at
punong ministro Vittorio Orlando ng Italy. Sa ilalim ng Paris Peace
settlement, nagkaroon ng limang kasunduang pangpayapaan para sa
z

 Ang kasunduan ay nilagdaan


ng Germany noong ika-28 ng
hunyo 1919.
z
Ang sumusunod ay ang mga kasunduang
pangkapayapaan para sa Germany, Austria-Hungary.
Bulgaria at Turkey.

 Pagbabalik sa France ng mga lalawigan na Alsace at Lorraine


 Pagkontrol ng France sa Rhineland
 Pagsuko ng Germany sa lahat ng kolonya nito sa Africa at Asia
 Paglimita sa laki ng hukbo ng Germany
 Pagbabawal sa Germany na bumili at lumikha ng mga armas
pandigma
 Pagbabayad ng Germany sa allies ng $33 bilyon sa loob ng 30 taon
 Pagtanggap na tanging ang Germany ang may kasalanan sa
naganap na digmaan
z

Salamat sa inyong pakikinig.

You might also like