Professional Documents
Culture Documents
Komfil Lesson 1
Komfil Lesson 1
Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mas Mataas
na Antas ng Edukasyon at
Lagpas Pa
“Kasaysayan
ng Wikang
Pambansa”
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw atb.
nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang
pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at wikang
opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.
1934
isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935
"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at
paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang
hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal.”
Abril 1, 1940
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at
isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang
Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso, 1968
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973
Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong
sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
”Lubos kong nakilala ang aking bayan, ang tunay nitong kasaysayan, at
mga istorya sa likod ng mga larawang naipinta ng mga kuwentong
nabasa. Filipino ang ating identidad at panitikan ang magtuturo para
hindi tayo makalimot.” wika ni Manuel
”Maraming naiambag ang Filipino sa pagkilala ko sa
ating wika, kultura, at kasaysayan. Malaki ang
naitulong ng Panitikan sa pagpapaunlad ng aking
kamalayan at mas naging kritikal ang pagtanaw ko sa
lipunan. Ngayon, nagagamit ko ang mga naipon kong
kaalaman upang ibahagi ito sa kabataan. Dahil din sa
Filipino at Panitikan, mas lumalim ang pagmamahal
ko sa bayan. Dapat nga dagdagan pa ‘yong mga
subject na kumikilala sa ating pagka-Pilipino tulad ng
mga rehiyonal na wika.” giit ni Siena
Inako naman ni Elle Galvez bilang iskolar at
manunulat na itaguyod ang Filipino at
Panitikan,
”Mahihirapan ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan
kung mawawalan tayo ng laya na patuloy na hasain
ang sarili nating wika at panitikan. Walang
masamang pag-aralan ang mga banyagang salita,
ang hindi katanggap-tanggap ay habang natututo
tayo sa wika ng iba, ay patuloy naman nating
nalilimutan ang sariling atin. Walang silbing kilalanin
ang iba, kung ang sarili natin ay hindi natin kilala.
Bilang iskolar at manunulat ng bayan, desisyon kong
itaguyod ang panitikan at Filipino sa bawat oras na
kinakalimutan ito.”
Sa kasamaang palad, dahil sa desisyon ng CHED, dumami ang
mga kolehiyo at unibersidad na piniling tanggalin na ang
Panitikan at Filipino bilang mandatory subject sa kolehiyo.