Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Filipino Quarter 1Week 2:

Batang Magalang
Kayamanan ng Bayan
Sa araling ito,malalaman mo
ang paggamit ng magalang
na pananalita sa angkop na
sitwasyon.
Krrrriiing! Krrrriiing!
Krrrriiing!
“Michael pakisagot ang telepono,
“wika ng kaniyang Nanay.
“Opo inay,” sagot ni Michael.
Mabilis na lumapit si Michael sa
telepono at sinagot ang tawag.
Michael:Magandang araw po!
Sino po sila?
Jaypee: Ako si Jaypee, ang
kaibigan ng iyong ate Lhovie.
Jaypee: Ako si Jaypee, ang
kaibigan ng iyong ate Lhovie.
Maaari ko ba siyang makausap?
Michael: Opo, sandal lang po
tatawagin ko po si ate Lhovie.
Sino ang bata sa kuwento?

Ano – anong magagalang na


salita ang kaniyang ginamit?
Anong uri ng bata si Michael?

Gumagamit ka rin ba ng mga


salitang ito? Magbigay ng iba
pang halibawa ng magagalang sa
salita.
Magbigay ng iba pang halibawa
ng magagalang sa salita.

Tuwing kailan natin ito dapat


gamitin?
Tandaan Natin

Ang magalang na
pananalita ay ginagamit
upang ipakita ang
paggalang sa kausap.
Tandaan Natin

Ang pagiging magalang


ay isang magandang asal
na dapat na taglay ng
batang kagaya mo.
Maipapakita ang paggalang ayon sa
tamang pagkakataon:

a. Pagbati
Halimbawa: Magandang umaga po sa
inyo.
b. Paghingi ng paumanhin o pagtanggap
ng paumanhin
Halimbawa:Paumanhin po ma’am, hindi
ko po agad naibigay ang inyong lapis.
c.Paghingi ng pahintulot at pakiusap
Halimbawa: Puwede ko po ba hiramin
ang inyong aklat?
d. Pagpapakilala
Halimbawa: Ako po si Ethan,
pitong taong gulang.
Isulat ang Tamakung wasto
ang ipinapakita sa paggamit ng
telepono at kung
hindiMali
wasto.
____1. Sinisigawan ko ang
aking kausap kapag hindi ko
gustong makipag-usap.

____2. Masaya kong


sinasagot ang tawag sa
telepono.
____3. Binabagsakan ko ng
telepono ang tumatawag sa
akin.

____4. Hindi ko ibinibigay


ang tawag para sa aking ate
at kuya.
____5. Inililista ko ang
iniiwang
impormasyon ng
tumatawag na hindi
para sa akin.
Piliin sa mga sumusunod
na pahayag ang dapat
mong sabihin na naaayon
sa sitwasyon. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
____1.Isang hapon nasalubong ni
Karen ang kanyang kaibigan na si
Rosa. Ano ang sasabihin niya?
a. Magandang umaga Rosa.
b. Magandang tanghali Rosa.
c. Magandang hapon po Rosa.
___2. Nabangga ni Lisa ang gamit
na dala- dala ni Ben nang hindi
sinasadya.

a. Maraming salamat Ben.


b. Paumanhin po Ben.
c. Walang anuman Ben
___3. Nagpunta sina Mario at Luisa sa
Mall.Habang pababa siya ng hagdan ay
may nasagi siyang matanda.Ano ang
sasabihin niya?
a. Paumanhin po, hindi ko po
sinasadya.
b. Magandang umaga po.
c. Hindi ka kasi tumitingin sa
dinadaanan mo.
___4. Isang umaga, nakasalubong
mo ang nanay ng iyong
kaklase.Ano ang sasabihin mo?
a. Magandang gabi po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang tanghali po.
5. Gusto mong hiramin ang lapis ng
kaklase mo. Ano ang sasabihin mo?
a. Pahiram ng lapis.
b. Puwede ko po ba hiramin ang iyong
lapis?
c. Kailangan ko ng lapis.Pahiramin mo
ako.
Isulat ang P kung ang pahayag ay
nagpapakita ng magagalang na
pananalita at HP kung hindi.
___1.Magandang hapon po.
___2.Tuloy po kayo.
___
3.Maaari ko po bang hiramin ang iyong
kuwaderno?
4. Huwag kang haharang sa dinadaanan
ko.
5.Ako po si John.Nasa ikalawang
baitang.

You might also like