Kabanata 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA 1.

MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
WIKA-KATUTURAN AT
KALIKASAN
• Sa loob ng maraming siglo, marami na ring mga linggwista at
dalubhasa ang sumubok na bigyanh-kahulugan ang wika. Ito
ay sa kadahilanang ang pagbibigay kahulugan o depinasyon
ang pinaikling bersyon ng teorya. Payak man o masaklaw,
ang teorya ay mananatiling ekstensyon ng depinisyon.
WIKA-KATUTURAN AT
KALIKASAN
• Sa mga pag-aaral na ginawa hinggil sa wika, tunghayan natin
ang iba’t ibang kahulugan ng wika na inihain ng iba’t ibanng
awtoridad.
GLEASON (1961)

• “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog


na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang
kultura”
FINNOCCHIARO (1964)

• “Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong


pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o
ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.”
STURTEVANT (1968)

• “Ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng


mga tunog para sa komunikasyong pantao.”
A. HILL (1976)

• “Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng


simbolikong pantao. Ang mha simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal
na estruktura.”
BROWN (1980)

• “Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng mga simbolong


arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at
natatamo ng lahat ng tao.”
BOUMAN (1990)

• “Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng


mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang particular na
layunin na ginagamit ng mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.”
WEBSTER (1990)

• “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at


naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.”
HUTCH (1991)

• “Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang


sistema ng mga tunog, arbitraryo ng ginagamit sa
komunikasyon pantao.”
MULA SA MGA PAGPAPAKAHULUGANG
IBINIGAY NG IBA’T IBANG AWTORIDAD,
MASASABI NATIN NA ANG WIKA AY:

a. Masistema
b. Set ng simbolikong arbitraryo
c. Pasalita, ngunit biswal din
d. Makahulugan
e. Komunikasyon o gamit sa komunikasyon
f. Umiiral sa isang speech community at
g. Natutunan ng tao sa parehong paraan – sa natural na paraan.

You might also like