Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALIN 6 :

SIKLO
NG
PAGPAPLANONG
PAGTUTURO
Tulad ng maraming bagay, ang pagpapalano ay dumadaan
din sa masalimuot at komplikadong proseso bago tuluyang
mabuo sa kasalukuyang anyo nito.
Ang prosesong ito ay paulit-ulit na nagaganap taglay ang
pagpapayaman at pagpapabuti sa mga natukoy na
kahinaan o kakulangan mula sa naunang
pagpaplano.Lumilikha ito ng isang padron para sa guro
upang matutuhan ang siklo o cycle na nabuo.
Mapapansin natin na sa aktuwal o praktikal na
pagtuturo,mayroon ding siklo o sariling proseso ang
personal na estratehiya o gawain ng guro.Narito ang
pinasimpleng siklo o proseso ng pagpaplanong pagtuturo:
1. Ganap na Kabatiran sa Kurikulum
Ito ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi:
• Pamantayang Pangnilalaman
• Pamantayan sa Pagganap at
• Tatas
Tinutugon ng mga bahaging ito ang mga bagay na dapat
isagawa ng isang guro sa kaniyang pagtuturo sa klase.
Pamantayang pangnilalaman
• Ito ay mahahalagang paksa o konsepto na dapat
maunawaan ng mga mag-aaral sa bawat
asignatura.Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na,“Ano
ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
Pamantayan sa Pagganap

You might also like