Batayang Kaalaman Sa Wika

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Aralin 1

Ang Mga Batayang


Kaalaman
sa Wika
Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:

Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)


Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Bernales et al. (2002)
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring
berbal o di-berbal.
Kahulugan Ng Wika

Alfonso O. Santiago (2003)


Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa
lipunan.

UP Diksiyonaryong Filipino (2001)


Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga
ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na


binubuo ng mga tunog na binibigkas o
sinasalita at ng mga simbolong isinusulat .

Bawat bansa ay may sariling wikang


nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga
mamamayan nito.
Kahalagahan ng Wika

Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng


wika ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon.

Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,


pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng
bawat grupo ng tao.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang


bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya.
Kahalagahan ng Wika
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang


tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t
ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang
ginagamit.

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa


pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan ng Wika

Ang wika ay may masistemang balangkas.

Ang wika ay arbitraryo.

Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga


taong kabilang sa isang kultura.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin ang Filipino


bilang opisyal na wika sa
Gagamitin naman ang
pag-akda ng mga batas at
mga dokumento ng Ingles bilang isa pang
pamahalaan. opisyal na wika ng Pilipinas
sa pakikipag-usap sa mga
banyagang nasa Pilipinas at
sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.

You might also like