Pagsasaling Wika Masining Na Gawain

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

KABANATA 2

PAGSASALING WIKA:
MASINING NA GAWAIN
PANALANGIN

2
SALITANG: SALIN

3
ANG ISANG TAGAPAGSALIN

Ang pagsasaling wika ay isang mahirap na gawain. Kailangan nito ang


kadalubhasaan upang humigit-kumulang ay mabigyan ng katarungan ang orihinal na
sinulat. Kailan ma'y hindi maisasalin nang ganap sa ibang wika ang sinulat ng awtor
sa isang wika; tiyak na may makakaligtaan, mababago o kaya'y mararagdag sa
pinagmulang diwa ng isinasalin. Ayon sa mga dalubhasa, higit na mahirap ang
pagsasalin kaysa paglikha sapagkat sa una, ang tagapagsalin di-tulad ng manunulat,
ay hindi malaya; kailangan ang ibayong pag-iingat upang di maihiwalay sa orihinal
ang ideya ng manunulat. Samakatwid, ang tagapagsalin ay dapat magkaroon ng higit
na maraming katangian kaysa sa isang awtor. Mga dalubhasa sa larangan ng
pagsasalingwika tulad nina Nida at Savory ang nagsasabing kailangang angkinin ng
isang tagapagsalin ang sumusunod na katangian:

4
KATANGIAN NGsplit
You can also TAGAPAGSALIN
your content

1. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasang kot. Halimbawa, kapag ang
isang materyal sa Ingles ay isinasalin sa Filipino, nararapat na maging hasa sa
Tagalog ang isang tagapagsalin; gayon din naman sa Ingles, ang isinasaling wika.
Magiging lubhang mapanganib kapag kakaunti ang kaalaman ng nag sasalin sa alin
mang dalawang wika.

2. May sapat na kaalaman sa isasaling paksa. Halimbawa, higit na magiging mabisa


ang pagsasaling gagawin ng isang nagtuturo ng Agham kaysa isang guro ng Ingles
kung ang paksang isasalin ay Agham sapagkat alam na alam niya ang paksa at
magagamit niya nang wasto ang mga natatanging salitang gagamitin.
5
KATANGIAN
In twoNG TAGAPAGSALIN
or three columns

3. May sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Isinasaad


ng wika ang kulturang likas na ginagamit ng mga tao. Bawa't wika ay may sariling
kakayahan at katangian bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng angking kultura. Kaya nga,
ang Ingles ay mabisa sa pagpapahayag ng kultura ng Amerika tulad din ng Filipino sa kultura
ng Pilipinas. Mapatutunayan ito ng mga pagkakataong hindi maisalin sa Filipino ang ideyang
nasusulat sa Ingles pagkat ang wika natin ang ginagamit nating kasangkapan sa pagsasaad ng
kaisipang naka tali sa kultura ng Amerika. Gayon din naman, kapag ang materyales sa
Filipino ay isasalin sa Ingles, mahihirapang kumuha ng katumbas ang nagsasaling
Amerikano sa mga salitang kakikitaan ng kulturang Pilipino. Ang "bibingka" ng Filipino ay
hindi matatapatan ng katumbas sa Ingles pagka't walang ganitong luto sa Amerika; tulad din
ng "sandwich" sa Ingles sapagkat hindi likas sa mga Pilipino ang ganitong uri ng pagkain.

6
KATANGIAN
In twoNG TAGAPAGSALIN
or three columns

4. May sapat na kaalaman sa istruktura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang


katangiang ito ay nauukol hindi lamang sa kakayahan sa paggamit kundi pati sa kaalaman sa
mga kakanyahan ng dala wang wikang kasangkot sa pagsalin. Dapat malaman ng
tagapagsalin na ang mga balangkas sa Ingles at Filipino ay magkakaiba. Ang pagsasalin ay
nararapat ibatay sa kahulugan, hindi sa kaanyuan. Anupa't ang kaalaman sa gramatika, ang
wastong gamit, pagbu buo at pagsusunud-sunod ng mga salita ay nararapat na isaalang-alang
ng tagapagsalin sa pagsusuri sa tunay na mensaheng nais ipaabot ng may-akda.
Sa kabuuan, ang isang karaniwang guro ay hindi kara-karakang makapagsasalin,
kailangan niyang angkinin ang mga katangiang nabanggit upang maging mabisa ang
pagsasaling wika.

7
Mga Makabagong Kaisipan at Patnubay sa
Pagsasaling wika,
In two orayon sa iba pang mga
three columns
dalubhasa:

- Hindi masamang dagdagan ang isinasalin kapag sad yang kailangan at kaugnay sa
kaisipang orihinal o di kaya'y makapagbibigay ng kalinawan at kabisaan nito.

- Maaari ring bawasan upang makaiwas sa pag-uulit ulit ng mga salita at parirala o kaya
nama'y makasisira sa orihinal na kaisipan.

- Kailangang isaalang-alang ang pagtitimbang-timbang at pagpili ng kahulugang higit na


naaangkop sa kabuuan o sa nais ipakahulugan ng may-akda ng orihinal.

8
Mga Makabagong Kaisipan at Patnubay sa
Pagsasaling wika,
In two orayon sa iba pang mga
three columns
dalubhasa:

Kaugnay nitong huli, sinabi pa niyang:

- ang pagsasalin ay dapat na makapagbigay ng ganap na salin ng diwa sa orihinal na sinulat

- ang istilo at paraan ng pagsulat ay nararapat na maging katulad ng katangian ng orihinal

- ang salin ay dapat mag-angkin ng lahat ng kalayaan ng orihinal.

9
Eilenne Dolet

- ang tagapagsalin ay may ganap na pagkaunawa sa layunin ng awtor at sa nilalaman ng


akdang isinasalin.

- ang tagapagsalin ay may ganap na kaalaman sa wikang isinasalin at sa wikang


pinagsasalinan.

- ang pagsasalin ay hindi ginagawang literal (salita sa salita) pagkat ito'y makasisira at
makababawas sa kagandahan ng pahayag.

- ang anyo ng mga pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami ang nararapat gamitin ng
tagapagsalin.

- ang pamimili at pag-aayos ng mga salita ng tagapag salin ay kailangang makapagbigay ng


pangkalahatang bisa at kaangkupan sa himig ng pagkasalin .

10
Campbell

Sa pagsasalin:

- bigyan ng makatarungang pagpapakahulugan ang kaisipan ng orihinal na


akda

- ipahayag hangga't maaari ang diwa at istilo ng awtor

- pagsikaping magkaroon ang salin ng katangian ng orihinal na akda upang


ito'y maging parang madali at natural lamang

11
Woodhouslee

- ang mga diwang nasa orihinal ay nararapat na ganap na mapaloob sa salin

- ang istilo at paraan ng pagkasulat ay nararapat na maging magkauri sa


dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

- tulad ng isinaling akda, ang salin ay nararapat na maging maluwag at


magaang basahin

12
Mapapansing halos lahat ng binanggit na mga dalubhasa sa
pagsasaling-wika ay nagkakaisa ng paniwala na ang pagsa
saling-wika ay nararapat na gawing "diwa sa diwa at hindi salita
sa salita. Nangangahulugan ito na ang kahulugan ng buong
pahayag o pangungusap ang dapat isalin hindi ang mga salita sa
loob ng pahayag.

13
Batay sa naging karanasan ni Dr. Alfonso Santiago sa pagsasaling-wika, narito ang
kanyang mga panuntunan:

1. May kani-kaniyang katangian o kakanyahan ang bawat wika. Bawa't wika ay may
tanging paraan sa pagbubuo ng mga salita, may paraan din sa pagsusunud-sunod ng
mga salita upang makabuo ng mga parirala o pangungusap. May mga wikang lalong
mayaman sa paggamit ng mga panlapi, gaya ng Filipino. May wika namang mayaman
sa pagpapahayag ng mga idyomatiko tulad ng Ingles. Halimbawa, sa Filipino, ang
mga pangngalan ay nagiging pandiwa sa pamamagitan ng panlapi; sa Ingles,
nagkakaroon ng napakaraming kahulugan ang isang pandiwa sa pamamagitan ng
pagsasama rito ng pang-ukol o iba pang bahagi ng pananalita.

14
Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa:

Salitang Run

Run over a page - pasadahan ang pahina

Be run over by a vehicle - masagasaan ng sasakyan

Vine running over the wall - baging na gumagapang sa pader

run across - makatagpo

run about- magpalibut-libot

15
Salitang Close

close the mouth - tumigil sa pagsasalita

close the deal - tapusin ang kasunduan

close down the business - isara o itigil ang negosyo

close to my heart - malapit sa akin

close the topic - huwag nang pag-usapan

16
Salitang Turn

turn to the left - kumaliwa

turn to one's shoulder - magpaawa sa iba

turn around - umikot

turn the page - buksan ang pahina

it is your turn - pagkakataon mo na

17
Salitang Go

go after - habulin

go broke – namulubi

go down – bumaba

go about - alamin ang paraan

go away - umalis
18
Halimbawa ng pangngalang nagiging pandiwa sa pama magitan ng panlapi:

Aral- (Study)
mag-aral, aralin, pag-aralan, makiaral, pakiaral, inaral, magsiaral, magsipag-aral,
paaralin, papag-aralin, ipakiaral.

Sulat (Write)
sumulat, magsulat, sulatin, isulat, pasulat, makisulat, sinulat, pakisulat, sulat,
magsisulat, magsipagsulat, pasulatin, pasulatan.

19
2. Nakatali sa kultura ng mga taong gumagamit nito ang bawat wika. Halimbawa, tulad ng
ibinigay ni Dr. Santiago-ang pariralang "as white as snow" sa Ingles. Ang mga salitang
nabanggit ay likas na sa mga Amerikano, pagkat nasa kultura ng mga Amerikano ang
"snow," kayat ito'y madali nilang mauunawaan. Samantala, kung ito'y isasalin sa Filipino,
maaaring ang mga katumbas nito ay:
simputi ng niyebe
simputi ng yelo

Subalit, kapag ito'y bibigyan ng katumbas na "simputi ng niyebe" o "simputi ng yelo"


wari bang ito'y hindi magiging natural para sa mga Pilipino di tulad ng sa mga Amerikano.
Ang "simputi ng bulak" ang wari bang higit na malapit na katumbas para sa mga Pilipino.

20
3. Hindi dapat paalipin ang tagapagsalin sa balangkas ng wikang isinasalin upang hindi mawala ang
kaisipan ng orihinal. Bawa't wika ay may kanya-kanyang balangkas; samakatwid, upang mapanatili ang
kaisipan ng isinasalin, di-dapat ilipat ang balangkas ng isinasaling wika sa pinagsasalinang wika.

Kapag ang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay nabibilang sa isang angkan ng wika gaya
ng mga wika sa Pilipi nas, di magiging mahirap ang pagsasalin. Bukod sa rito, ang kultura ng mga
Filipino, kahit na magkakaiba ng wika o diya lekto ay may pangkalahatang pagkakatulad. Dahil dito,
maka tarungang sabihing higit na madali ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales na nasusulat sa
alinmang wika sa Filipino kaysa sa mga nasusulat sa ibang di-kaangkang wika sa daigdig gaya ng Ingles
o Pranses.

Sapagkat ang Ingles at Filipino ay dalawang wikang may magkaibang balangkas, nararapat na
mag-ingat sa pagsasalin. Ang nagsasalin sa Filipino ay di-dapat padala o patangay sa balangkas ng
Ingles.
21
Bigyang-puna ang sumusunod na halimbawa:

Ingles: We watched the show on television;

Salin: (Malabo)

Pinanood namin ang palabas sa telebisyon.

Salin: (Maliwanag)

Pinanood namin sa telebisyon ang palabas.

Ang unang pagkakasalin ay maaaring mangahulugang ang 'palabas' ay palabas na


ipinakikita sa telebisyon (show of the television).

Ang ikalawang pagkakasalin ay nagbibigay ng maliwanag na kahulugan pagkat di-


sinunod ng tagapagsalin ang balangkas - Ingles.

22
4. Ang isang salita ay nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag ito'y ginamit na sa
loob ng pangungusap. Ang isang salita ay nag-iiba-iba ng kahulugan ayon sa nais ipakahu
lugan ng gumagamit.

Sa patuloy na pakikitungo ng mga tao sa lipunan, raming mga salita ang nalilikha
kasama na rito ang mga salitang kinukuha sa iba't ibang wikang katutubo at mga wikang
dayu han.

Hindi sapat ang nalalamang talasalitaan ng mga tao sa lawak ng kanyang karanasan.
Dahil dito, ang isang salitang ginagamit niya'y nabibigyan ng iba't ibang kahulugan.
Kapansin pansing nagkakaunawaan pa rin ang mga taong gumagamit ng isang wika ang
kahulugan ng isang salita ay natitiyak kapag ito'y ginamit na sa loob ng pangungusap .
23
Narito ang halimbawa:

Magulang

Mabait ang aking mga magulang - parents

Magulang ang pinsan ko – selfish

Magulang na ang upo - matured

Magulang na ang mga turista - possess more years of age

24
5. Upang hindi maging pangit sa pandinig, ang isang diwang ipinapahayag nang tahasan sa Ingles ay
ginagamitan ng eupemistikong salita sa Filipino. Ito ay bunga ng kulturang Pili pino, ang pagpapahayag
ng nilalaman ng isipan at damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng mga piling salitang nagsasaalang
alang o namimitagan. Maaaring ang salita ay karaniwan lamang sa Ingles subalit kapag isinasalin na sa
Pilipino ay nakakahiyang sambitin. Ang mga eupemistikong salitang gaya ng sumusunod ay
ipinamamalit natin sa mga tahas na salitang katumbas ng mga ito: magsiping, dumi, nanubig, palikuran,
mayroon, ari, kabahagi.
Sa pagpapakilala ng pamimitagan, hindi lamang po/ho ang maaari nating gamitin. Mayroon din
tayong ginagamit na paraan ng pagpapahayag tulad ng: -
Mayroon po ba silang hinahanap?
Mayroon po ba kayong hinahanap?
Ano po ba ang atin?

25
Bagaman isang tao lamang ang kinakausap, ang salitang sila, kayo at atin, ay
ginagamit upang ipakilala ang paggalang ng nagtatanong.

6. Ang walang paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang kanyang


pinagsasalinan sa wikang isinasalin ay nagbu bunga ng panggagaya o panghihiram
lamang ng mga salita kasama na rito ang mga idyoma, likas na paraan ng pagpapa
hayag at balangkas ng pangungusap.

26
MARAMING SALAMAT

27

You might also like