Komfil

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Iba pang

kagawian:
Pagunawa sa
hitik na
kalinangan
• May mga kagawian sa pagbati ang mga pilipino bukod sa pag sasabi ng
"Magandang (umaga, tanghali, hapon, gabi o araw) Bumabati rin tayo
sa pamamagitan ng di-berbal na eks presyon (mabilisang pagtango o
pagtungo, pag taas o pag kaway ng isang kamay) na sinasabayan pa
madalas ng pag sambit ng "Uy" o "Kumusta". May ilang nag aapir o
nag kakamay. Pero hindi palasak ang beso-beso at pag halik sa pisngi o
noo. Ang hindi naman pag bati sa kakilala o pag iwas na makasalubong,
lalo na kung nagkatinginan na bago pa mag kalapit ay nag papahiwatig
ng tampuhan o pag aaway
• Mahilig din kumain ang mga pilipino at ang pag aalok ng pagkain ay bahagi na rin
ng ating kagawiang pang komunikasyon na pag papakita ng kagandahang loob sa
iba at pagpapahalaga sa pagbabahagi sa kapuwa. Ang ugnayan natin sa isa't isa ay
napapatibay ng pag aalok ng pagkain kahit di kasahog, sa pag kain nang sama sama
gaano man karami o kaunti ang kakainin, at sa pag kain nang madalas kung saan
maraming kuwento ang nabubuo at pagkakaibigang namumukadkad. Sa ating
kultura, ang madamot ay hindi kagigiliwan, Subalit may pag kakaiba raw sa
kahulugan ng isa sa dalawa o higit pang beses ng pag aalok. Kapag isang beses lang
nag alok, walang kasiguraduhan kung gusto talagang ibahagi ang kinakain dahil
maaring ito ay palasak na akto ng mabuting pakikipag kapuwa. Kapag daw
dalawang beses o higit pa, sigurado raw na gustong mamigay ng pag kain. Kapag
daw ipinag duduldulan na ang pag kain maaring ayaw na o busog na at gusto'y iba
na ang umubos nito.
• Marami ring mga gawing pang komunikasyon na matatagpuan lamang
ngayon sa ilang lugar sa pilipinas kagaya ng salamyaan sa marikina, bandilyo
at katutubong praktis kagaya ng pukkaw Pinag-aralan ni Calbayan (2012) ang
pukkaw, na nangangahulugang pag sigaw o pagtawag, na isang katutubong
praktis ng mga Tingguian sa tubo, Abra sa pamamahagi ng impormasyon na
nag nula pa sa mga ninuno ng mga Tingguian na nag tatalaga ng isang taong
(manpukkaw) mag sisilbing taga sigaw ng anunsyo sa komunidad.

You might also like