Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Abstrak at

Sintesis/Buod
Ika-unang grupo
A. Panalangin

.
B. Layunin ng Talakayan
1. Naibibigay ang kahulugan at katangian ng sulating akademikong
sintesis, buod o abstrak

2. Nakapagpapahayag ng saloobin batay sa binasang teksto

3. Nakabubuo ng sariling abstrak batay sa pananaliksik o tisis na binasa


C. Pagbabalik-aral
Akademik
- Tumutukoy at may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbabasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
(www.oxforddictionaries.com)

Akademiko at Di-akademikong Pagsulat


Akademiko
- Layuning magbigay ng ideya at impormasyon na kadalasang isinasagawa ng propesyonal o may
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. (Obhetibo)

Di-akademiko
- Layuning magbahagi ng sariling opinyon. (Subhetibo)
Akademikong Sulatin
- Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa
isang karanasang panlipunan na maaring maging
batayan ng pag aaral na magagamit sa ikatataguyod
ng lipunan.
Mga uri ng akademikong sulatin:

1. Abstrak 9. Replektibong Papel


2. Sintesis/Buod 10. Sanaysay
3. Bionote 11. Pictorial Essay
4. Panukalang Proyekto 12. Lakbay-sanaysay
5. Talumpati
6. Agenda
7. Katitikan ng Pulong
8. Posisyong Papel
D. Pagganyak

https://quizizz.com/join/quiz/
62ff366e18d8a7001f89bc0c/
start?studentShare=true
E. Aralin

Saksi na ang lahat sa proseso ng pagbubuod.


Ikaw ba ay, kung paprangkahin, nakichismis na?
Nakapagparating ka na ba ng mahalagang balita sa
isang kakilala? Naranasan mo na bang sumagot ng
mga katanungan sa isang pagsusulit tungkol sa isang
maikling kwentong nabasa?
E. Aralin
Ang sintesis o buod ay tumutukoy sa
pangkalahatang konsepto ng isang penomena at
ideya na siyang pinaikli mula sa totoong
pagkasunod-sunod ng isang pangyayaring galing sa
teksto, palabas, at totoong buhay.
E. Aralin
Mga Katangian at Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sintesis o Buod:
- Ito ang pinakamahalagang kaisipang bumubuo sa isang sulatin.
- Nararapat na sumusunod ito sa kronolohikal na istruktura.
- Payak dapat ang pagkakagawa ng isang sintesis.
- Ito ay impormasyong walang pagkiling at gumagamit ng obhetibong pananaw.
- Repleksyong kakabit ng orihinal na pinanggalingan, na siyang kokompleto sa
mensaheng ipinararating ng nabanggit.
- Gumagamit ng mga salitang esensyal o mga susing salita mula sa orihinal na
konsepto.
Ang pagbubuod ay dapat na nanggagaling sa sariling salita ng may-akda.
E. Aralin
Gabay sa Pagsulat ng Buod:
1.) Mabutihing basahin, panoorin, o alamin at intindihin ang pagkukunan ng impormasyon.
2.) Kilatisin ang pangunahing ideya na siyang iniikutan ng source o pinanggalingan ng impormasyon, na
. kadalasan ay isang babasahin kung ang pinag-uusapan ay kontekstong akademiko.
3.) Siyasatin ang mga pang-suportang detalye na importante sa mensahe ng teksto.
4.) Siguraduhing naintindihan ang binasa. Tukuyin kung nangangailangan ito ng mataas na antas ng
pagbabasa, o simpleng rudimentaryong pagkomprehenda lamang ang kinakailangan.
5.) Umpisahan ang pagsulat ng buod nang direktang ipinaalam ang paksa matapos ng simpelng
introduksyon.
6.) Ipakahulugan ang buod sa ibang pamamaraan ng pagsulat nang hindi nawawala o humihiwalay sa
mensahe.
7.) Pangalagaang ang isinusulat ay hindi rumeplekta ng sariling pananaw, at mga detalyeng wala sa
binasa, kundi ay mga importanteng impormasyon lamang na susuporta sa paksa.
8.) Matapos magbuod, basahin muli ang gawa upang masiguradong balido at tama.
E. Aralin
Intermedyo (Isang interaktibong intermisyon para sa mga makikinig)

Direksyon: Panoorin at pakinggan nang mabuti ang mga sumusunod na bidyo. Matapos, gawan ito ng
buod gamit ang mga salitang makikita sa inyong harapan.

1.) https://www.youtube.com/watch?v=KfCAbeaqKmI
Gamitin ang, “Magluto ka, munting palayok,” nang pakanta sa pagbuod ng kwento.

2.) https://www.youtube.com/watch?v=l9vch7yfZJA
Gamitin ang salitang “naglalaway” sa paggawa ng buod ng kwento.
E. Aralin

Kahalagahan ng Buod:

1.) Higit na nauunawan ng mambabasa ang kahulugan ng buong teksto dahil sa buod.
2.) Isang paraan upang matiyak ang komprehensyon ng mga mag-aaral tungkol sa
babasahin.
3.) Isinusulong ng pagbubuod ang teknikal na pagsulat ng mga mag-aaral sa pormal na
antas.
4.) Nabibigyan ng kahalagahan ang kawastuhan ng mga datos.
5.)Nailulunsad ang kritikal na pagbabasa at pag-iisip.
E. Aralin
- Ang abstrak ay isang uri ng buod na tumutukoy sa sintesis ng mga
impormasyong makakalap sa isang pananaliksik. Ito ay sumusunod sa mga gabay
na nabanggit, maliban sa iilang mga katangian:

- Binubuo lamang ito ng 200 hanggang 250 na mga salita


- May istrukturang sinusunod ayon sa mga seksyong matatagpuan sa pananaliksik
E. Aralin
May Dalawang Uri ng Abstrak:

Deskriptibong Abstrak - ito ay isang uri ng maiksing abstrak na maaaring


paglamanan lamang ng 100 na salita. Itinatala rito ang pangunahing ideyang
dapat ilarawan, kung saan kakabit nito ang pagpapaalam sa mga mambabasa ng
kaligiran, layunin, at tuon ng pananaliksik.

Impormatibong Abstrak - ito ay komparatibong mas mahaba kaysa sa nauna.


Maaari itong umabot sa 500 salita kung hindi wawasto ang istandardong bilang
ng mga salita sa isang abstrak. Hindi lamang pangunahing ideya ang nakatala
rito, kundi pati na rin ang iba pang mga mahahalagang ideya ng papel.
E. Aralin
Sanggunian

Ano ang kahulugan ng abstrak?. (n.d.). Nakuha August 19, 2022, mula
https://brainly.ph/question/605377

Scribd. (n.d.). Ang Sintesis O Buod. Nakuha Agosto 19, 2022, mula
https://www.scribd.com/document/384405182/Ang-Sintesis-o-Buod

Sintesis/Buod Flashcards | Quizlet. (n.d.). Nakuha Agosto 19, 2022, mula


https://quizlet.com/544373998/sintesisbuod-flash-cards/
F. Pagtataya
1.) Ano ang kahulugan ng sintesis o buod?

2.) Ano ang dalawang uri ng abstrak?

3.) Isang uri ng maikling abstrak na itinatala ang pangunahing ideyang dapat ilarawan.

4.) Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na gabay sa pagsulat ng buod ang pinaka
mahalaga?

5.) Bilang estudyante, paano makatutulong ang pagtuto sa pagsulat ng sintesis o buod?
Ulat ng Ikatlong Grupo:
Batiforra, Ma. Mikaela T.
Detablan III. Rodolfo S.
Manzano, Jianna Christel P.
Pabayo, Glenn Carlo U.
Paiso, Trisha Nicole C
Paiso, Zindy Jane C.
Ret, Pierre Angelie S.
Rugayan, Jonathan Charles N.
Salanga, Stephanie
SALAMAT
Presentasyon ng ika-unang grupo

You might also like