Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

FS 101

Observation of
Teaching-Learning
in Actual School
Environment
GROUP 6

Graciadas, Kionisala, Villa, Villaranda,


Jessa Mae Clarisse Angelica Herlene S.
CRITIC TEACHER

CHRISTINE C. BALGOS
Emergency Teacher,
Capiz State University Main Campus
OBSERVATION
A. Ano-ano ang mga estratehiyang iyong ginagamit
para sa epektibong pagkatuto ng iyong mga
estudyante?
Sagot: Ayon kay Bb. Balgos, Isa sa mga estratehiyang
ginagamit ko para sa epektibong pagkatuto ay ang
pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral o learner-
centered teaching sapagkat sa aking pagtuturo at
prayoridad ko ang pangangailangan at dapat na
matutunan ng mag-aaral sa pagtatapos ng aking
aralin. Gumagamit din ako ng mga larawan at
pagkukwento upang lubos nilang maunawaan ang
mga lathalain at mga bagay na konektado sa aming
leksyon.
B. Ano-ano ang iyong mga kaparaananng ginagamit
upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa
iyong aralin?
Sagot: Ayon kay Bb. Balgos, lubos na nakakukuha ng
pansin para sa mga mag-aaral ang paggamit ng mga
sikat o trending na mga bagay na ginagawa o may
kaalaman nila bilang halimbawa sa mga bagay na
konektado sa inyong leksyon. Gayundin, ang
pagpapanood sa kanila ng mga programa o pelikula
upang hindi sila mabagot at makakukuha pa ng
kaalaman hinggil sa topiko.
D. Ano-anong uri ng pagtataya ang iyong
ginagamit sa pangkasalukuyang pamamaraan ng
pagtuturo at pagkatuto?

Sagot: Ayon kay Bb. Balgos, Sa kasalukuyan ay


gumagamit pa rin ako ng formative assessment at
summative assessment gamit ang google forms.
Paminsan-minsan ay nagkakaroon kami ng oral
recitation upang matiyak kong tunay nga ba silang
nakikinig sa klase o hindi.
REFLECTION
Ang pagiging isang guro ay isang propesyong hindi
matatawaran sapagkat ito ay may nakaakibat na
mabigat na responsibilidad sa kanilang mga balikat.
Sila ang ating katuwang sa paghubog ng ating
kaalaman, paghasa ng kasanayan at katulong sa
pagtuklas ng mga bagay sa ating mundo. Ang mga
gawaing ito ay isang mabigat na pasanin dahil sila
ang mga taong gumagabay patungo sa ating
magandang kinabukasan, kinakailangan na ang mga
guro ay may sapat na kaalaman at kakayanan upang
maturuan at
kakayanan upang maturuan at mailahad ng
tama ang mga impormasyon o kaalaman na dapat
matutuhan ng lahat. Ang pagpasok sa kursong ito
ay kailangan nang tibay ng loob, dedikasyon at
mahabang pasensiya dahil tila palaging
sumasabak sa giyera sa dami ng kailangang
gawin, tapusin at kumpletuhin upang maging
ganap na guro o bilang guro.
Sa aming pag-oobserba sa ginawa naming pag
interview at kasama na rin ang pagmamasid sa
paligid makikita mo kung gaano sila ka ”busy” sa
kanilang gawain at makikita sa kanila ang pagod
at puyat.
Kaya sa panahon ng pakikibuno sa pandemyang
ito ay mas nadagdagan ang responsibilidad at
gawain para sa kanilang mga guro tulad ng
paggawa ng modyul, pagharap sa mga mag-aaral
online na dalawa o tatlo lamang ang sumisipot at
nakikipagbuno sa maraming excuses at higit sa
lahat ay ang signal. Sa panahong ito ay tunay na
masusubok ang kanilang katatagan sapagkat sa
panahong ito ay patuloy ang pagkatuto at sa
panahong ito ay kailangan sila ng mag-aaral upang
makakita ng liwanag sa madilim nating panahon
ngayon.
Ayon nga kay Bb. Balgos, Hindi na bago para
sa mga katulad kong guro ang pagbabalanse ng
oras namin upang magawa ang lahat ng bagay
sa pagtuturo at pagsasaayos ng mga dokumento
sa paaralan. Kinakailangan lamang na maging
handa ka sa lahat ng oras upang gawin ang
iyong mga responsibilidad at maging positibo
upang hindi ka lubos na malugmok sa mga
Gawain, ito ang kanyang kaparaanan upang
maayos niyang mapangasiwaan ang kanyang
oras sa panahon ng pandemya.
Sa kabila ng pandemya, patuloy na nagsusumikap
ang mga guro na makapagturo sa pamamagitan ng
online classes. Iba’t-ibang estratihiya ang ginagamit
upang patuloy silang pakinggan at siputin ng mag-
aaral tulad ng ginagawa ni Bb. Balgos,
“ Isa sa mga estratehiyang ginagamit ko
para sa epektibong pagkatuto ay ang
pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral o
learner-centered teaching sapagkat sa aking
pagtuturo at prayoridad ko ang
pangangailangan at dapat na matutunan ng
mag-aaral sa pagtatapos ng aking aralin.
Gumagamit din ako ng mga larawan at
pagkukwento upang lubos nilang maunawaan
ang mga lathalain at mga bagay na
konektado sa aming leksyon.”
Documentation
Paghingi ng pahintulot kay Bb. Christine C. Balgos na maging Critic
Teacher sa isinasagawang FS 101- Obserbasyon.

Online
conversation

Thru
messenger
Paggawa ng sariling
group chat kasama si
Ma’am Christine Balgos.

i o n
sat
ver
e con
l i n
On

Paghingi ng Personal
na Datos kay Bb.
Christine C. Balgos
Paghingi ng Personal na Datos kay Bb. Christine C.
Balgos,

Face-to-face
conversation

October 22,2021
Pakikipanayam kay Bb. Christine C. Balgos
JACH GROUP
Pagdalo sa klase
ni Bb. Christine C.
Balgos

October 26, 2021

You might also like