Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Manalangin tayo:

Ama namin, Nagpupuri at nagpapasalamat kami sa iyo sa lahat ng


biyayang aming natanggap at sa paggabay po ninyo sa amin sa
araw-araw. Ngayong araw na ito, sana ay basbasan po ninyo kami
ng inyong kaalaman upang ito ay magamit namin na matukoy kung
ano ang tama at mali na gawain. At sana ay gabayan mo kami sa
pagpili gamit ang talino at kaalaman na iyong ipinagkaloob sa
amin. Iwasan nawa namin kung ano ang makakasakit sa Iyo at sa
aming kapwa. Higit sa lahat, panatilihin mo sa aming puso’t
damdamin ang kabanalan mo ng aming mapahalagahan ang aming
katawan at buhay ng aming kapwa tao. Ito ay aming hinihiling sa
Ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen.
MODYUL 2
TALENTO MO:
TUKLASIN,
KILALANIN AT
PAUNLARIN
MR. FRANCISCO C. POLIRAN, JR.
MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO

Magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa


mga sumusunod na paksa:
• Talento at Kakayahan;
• Iba't ibang talino ayon kay Howard Gardner;
• Ang pagkilala sa sariling talento, kakayahan at
kahinaan;
PAGBABALIK-ARAL

Ano nga ba ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong


akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at sports:
1. Talento - isang pambihrang biyaya at likas na kakayahang kailangang
tuklasin.
2. Kasanayan- ay mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling, na
naiiugnay ito sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan.
3. Hilig - nasasalamin ito sa mga paboritong Gawain na nagpapasya sa
iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng
makakaya ng hindi makaramdam ng pagod o pagkabagot.
PAGBABALIK-ARAL

4. Pagpapahalaga- ay nagpapamalas ng pagsisikap na abutin ang


mga ninanais sa buhay at makapaglingkod ng may pagmamahal
sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad n gating ekonomiya.

5. Mithiin- Kailangang magkaroon ng matibay na personal na


pahayag ng misyon sa buhay para makamit ang minimithi.
MANOOD MUNA
TAYO NG VIDEO
TUNGKOL SA ATING
ARALIN NGAYON
ARAW NA ITO.
KATANUNGAN

BAKIT MAHALAGA ANG


PAGTUKLAS AT PAGPAPAUNLAD NG
MGA ANGKING TALENTO AT
KAKAYAHAN?
TALENTADO
KA BA?
SIMULAN NA
NATIN!
ANO NGA BA ANG TALENTO?
Magkasingkahulugan ba ang
TALENTO at KAKAYAHAN?
TALENTO
Ayon sa webster dictionary:
• Ito ay ginagamit sa
kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan.
• Ito ay isang likas na kakayahan na
kailangang tuklasin at paunlarin.
• Tulad ng isang biyaya, dapat itong
ibahagi sa iba.
TALENTO VS.
KAKAYAHAN
TALENTO
• Ito ay may kinalaman sa dunong o
karunungan.
• Talinong likas sa tao.
• Naipakita sa paggawa nang buong husay.
KAKAYAHAN
• Kahusayan
• Paggamit ng talino sa paggawa ng
bagay.
• Hindi tumutukoy sa kalidad ng
ginawa kuni sa abilidad sa
paggawa.
TALENTO VS.
KAKAYAHAN
AYON KAY THORNDIKE AT BARNHART
TALENTO KAKAYAHAN
ISANG PAMBIHIRANG ISANG KALAKASANG
INTELEKTWAL UPANG
LAKAS AT
MAKAGAWA NG ISANG
KAKAYAHAN, BIYAYA PAMBIHIRANG BAGAY
O MAY KINALAMAN TULAD NG KAKAYAHAN
SA GENETICS SA MUSIKA O SINING
TEORYA NG
MULTIPLE
INTELLIGENCES
AYON KAY HOWARD GARDNER (1983)
8 MULTIPLE INTELLIGENCES
Visual/Spatial
Intelligence
• Mabilis matuto sa pamamagitan ng
paningin at pagsasaayos ng mga ideya.

• May kakayahan siya na makita sa


kanyang isip ang mga "bagay" upang
makalikha ng isang produkto o
makalutas ng suliranin.
• Ang larangan na angkop sa talinong ito
ay sining, arkitektura at inhinyero.
Verbal/ Linguistic
Intelligence
• May talino sa pagbigkas o pagsulat ng
salita.
• May taglay na husay at talino sa
pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at
pagmememorya ng mga salita at
mahahalagang petsa.
• Ang larangan na nababagay sa talinong
ito ay pagsulat, abogasya,
pamamahayag, politika, pagtula at
pagtuturo.
Mathematical/ Logical
Intelligence
• Taglay ng taong ito ang pagkatuto sa
pamamagitan ng pangngatwiran at
paglutas ng suliranin.
• May talinong kaugnay ng lohika,
paghahalaw at numero. Ito ay may
kinalaman sa kahusayan sa matematika,
chess, computer programming at iba pa.

• Ang larangan na kaugnay nito ay ang


pagiging scientist, mathematician,
inhinyero, doctor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic
Intelligence
• May natututo sa pamamagitan ng mga
konkretong karanasan at interaksyon sa
kapaligiran.
• Mas matututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng katawan tulad ng pagsasayaw o
paglalaro. May tinatawag na "muscle
memory" ng taong may ganitong talino.

• Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang


pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-aartista,
konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.
Musical/ Rhythmic
Intelligence
• Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay
natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,
ritmo o musika.
• Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pati rin
sa pag-uulit ng isang karanasan.
• Likas na nagtatagumpay sa larangan ng
musika ang taong may ganitong talino.
Magiging masaya sila kung magiging
musician, kompositor o "Disk Jockey".
Intrapersonal
Intelligence
• Siya ay natututo sa pamamagitan ng damdamin,
halaga at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng
kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban.
• Karaniwang ang taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang
nauunawaan at natutugunan ang kanyang mga
nararamdaman at motibasyon.

• Ang larangag kaugnay nito ay pagiging isang


researcher, manunulat ng mga nobela o
negosyante.
Interpersonal
Intelligence
• May talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan
sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.

• Madalas bukas ang kanyang pakikipagkapwa o


extrovert. Sensitibo at mabilis na makatugon sa
pagbabago ng damdamin, motibasyon at
disposisyon ng kapwa.

• Kadalasan siya ay nagiging matagumpay sa larangan


ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuto o
edukasyon at social work.
Natural Intelligence
• Ito ay talino sa pag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan.

• Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng


kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

• Kadalasan ang taong mayroong ganitong


talino ay nagiging environmentalist,
magsasaka o botanist.
Existential
• Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng
lahat sa daigdig. "Bakit ako nilikha?" "Ano ang
papel na gagampanan ko sa mundo?" "Saan ang
lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa
lipunan?"

• Ang talinong ito ay naghahanap ng pagtatapat at


makatotohanang pag-unawa ng mga bagong
kaalaman sa mundong ating ginagalawan.

• Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino


ay masaya sa pagiging pilosoper o theorist.
TALENTO MGA HAKBANG SA PAG-UNLAD
TAKDANG-ARALIN...
A. Pagganyak: Sampung taon mula ngayon,
ano ang gusto mong trabaho?
B. Basahin ang "Parable of the Talents".
Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang
ipinahahayag ng "Parable of the Talents"?
Ipaliwanag.
IYON LAMANG
AT MARAMING
SALAMAT!
NAWAY MAY MGA NATUTUNAN KAYO SA ATING
DISKUSYON NGAYON.

You might also like