Inihanda ni: Flora Danica D. Fajilan www.slideshare.net/sirarnelPHhistory Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! Handa Ka na Ba? Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli. • Biglang umulan at nakasampay sa likod-bahay ang mga damit na iyong nilabhan. • Naamoy mo na nasusunog ang sinaing. • Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone. • Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid. Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili. sitwason desisyon dahilan
Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot
ng labis na kapakinabangan. Kahulugan ng Ekonomiks • Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman. • Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na economist’s perspective. • Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon. • Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan. Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan • Ang agham panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag- uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran. • Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan. Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks • Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan. • Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan. • Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman. • Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan. Ang trade-off ay isang pagdedesisyon na kung saan kailangan mong magsakripisyo sa dalawa upang makuha ang nais mo. Ito rin ay pagkakaroon ng pagpili sa pagitan ng dalawa depende sa ambag na maibibigay nito. • Ang ganitong usapin ay nagbubukas ng pagpapalit ng mga kagamitan na kung saan mapapakinabangan ng mga tao. Ang trade off ay para na ring barter na kung saan nagbebenipisyo ang mga tao. • Bukod pa rito, isa rin itong magandang praktika upang makapagtaguyod ng relasyon sa mga tagabili at negosyante. • Makikita kung ano ang pangangailangan ng mga konsyumers at upang matugunan ang mga ito sa araw araw na pamumuhay nila. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. • Ito ay mahalagang desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Halimbawa 1 : Ang isang tao ay maaring magdesisyon kung siya ba ay maglalaro o mag-aaral. Kung pinili ng isang tao ang maglaro kesa mag- aral ay ipinagpalit niya ang halaga ng paglalaro sa halaga ng pag-aaral Halimbawa 2 : Si Ana ay pumunta sa kantina at mayroon siyang dalang 25 pesos. Mayroong sandwich na nagkakahalaga ng 10 at softdrinks na 15 pesos, may ice cream na 25 pesos. Parehong gusto ito ni Ana kapag siya ay bibili ng softdrinks may kasama pa itong sandwich samantalang kung ang kanyang pipillin ay ice cream ay isa lamang ang kanyang mabibili. Sa huling pagdedesisyon ni Ana mas pinili niya ang ice cream at kanyang sinakripisyo ang coke at sandwich. Ang pag sakripisyo ni Ana dahil may best alternative ay tinatawag na opportunity cost. Halimbawa 3 Mayroon kang pera na nagkakahalaga ng 20 pesos. Gusto mong kumain ng French fries ngunit ito ay nagkakahalaga ng 30 kaya naman mas pinili mo ang Biscuit na may fries flavor na nagkakahalaga ng 10 piso para pamalit sa gusto mong kainin. Maghanda sa maikling pagsusulit bukas 1-10 Thank you and God Bless Ma’am Danica