Jesus, Ang Tapat Na Saserdote: Liksyon 6 para Sa Ika-5 NG Pebrero, 2022

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

JESUS, ANG

TAPAT NA
SASERDOTE
Liksyon 6 para sa ika-5 ng Pebrero, 2022
Sa Hebreo 5 hanggang 7, ipinakilala ni Pablo si Jesus bilang ating
makalangit na Punong Saserdote, ang ating kinatawan sa Ama.
Punong Saserdote? Paano mangyayari yun? Ang mga saserdote ay
kailangang miembro ng tribu ni Levi, ang pamilya ni Aaron. Hindi
ba’t si Jesus ay kabilang sa tribu ni Juda?
Pag-aaralan natin kung bakit at paano nabago itong mga angkan
ng saserdote. Madediskobre din natin ang perpektong Saserdote,
Jesus. “Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang
saserdote” (Heb. 7:26).

Kanyang papel: Maawaing Tagapamagitan (Heb. 5:1-10)


Kanyang Angkan: Ang hanay ni Melquisedec (Heb. 7:1-3)
Kanyang karapatan: Pagbago sa kautusan (Heb. 7:11-16)
Kanyang batas: Mas mainam na tipan (Heb. 7:17-22)
Kanyang katangian: Ang perpektong saserdote (Heb.
7:26)
MAAWAING TAGAPAMAGITAN
“At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang
hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.”
(Hebreo 5:9)
Ang pamamagitan sa Dios at mga tao ay isa sa mga
tungkulin ng mga saserdote.

“Nauunawaan ng lubusan ng mga saserdote ang mga tao dahil sila


kasing makasalanan nila. Kaya, kailangan nilang “makapagtitiis na may
kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin
naman ay nalilibid ng kahinaan” (Heb. 5:2).
Hindi makasalanan si Jesus, ngunit kinuha Niya ang ating likas at
naging sakdal sa pagsunod at pagdurusa (Heb. 5:7-8). Sa ganitong
paraan ay pinatunayan Niyang mauunawan at mamahalin Niya tayo.
Naging angkop Siya bilang saserdote dahil sa Kanyang pagsunod,
Kanyang pagdurusa, at Kanyang perpektong buhay. Naging
tagapamagitan Siya natin at ng Dios (Heb. 5:9-10).
ANG HANAY NI MELQUISEDEC
“Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.’” (Hebreo 5:10)
Pinagpala ni Melquisedec, na Hari ng Salem, si Abram nang
bumalik Sya mula sa pakikipaglaban kay Chedorlaomer at
mga kakampi nito upang mapalaya ang kanyang pamangking
si Lot (Gn. 14:17). Si Melquisedec din ay “saserdote ng
Kataastaasang Dios”(Gn. 14:18-20).
Si Melquisedec ay nabanggit lamang ng isa pang beses sa
Lumang Tipan, Awit 110:4. Ginamit ni Pablo ang talatang iyon
upang ipakilala ang kwento ng hari-saserdote bilang uri ni
Jesus.
Si Melquisedec ay “naging katulad ng Anak ng
Dios” (Heb. 7:3). Si Jesus ay Hari at Saserdote.
Siya ay walanghanggan, “walang pasimula ng
mga araw ni katapusan ng buhay man” (Heb.
7:3). Si Jesus ay hindi kalahi ni Melquisedec,
ngunit ang pagkasaserdote ni Jesus ay kagaya
ng sa kanya.
PAGBAGO SA KAUTUSAN
“Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa
kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan.” (Hebreo 7:16)
Ang mga saserdote at namagitan sa Dios at mga Pagbabago sa
Pagbabago ng
tao, ngunit hindi sila perpekto. Kailangan pa batas ng kautusan ng
nilang maghandog ng hain para sa kanilang pagkasaserdote paghahandog
sariling mga kasalanan (Heb. 7:27).
Mula sa hanay Mula sa
Kaya, hindi rin nila pwedeng gawing perpekto ang ibang tao. ni Aaron maraming
Maliban dito, ang paghahandog ay hindi paraan tungo sa tungo sa hayop tungo sa
hanay ni tanging si Jesus
pagkaperpekto (Heb. 10:1). Melquisedec na handog

Kailangan ng mga tao ng perpektong


saserdote na magpapasakdal sa atin sa
harap ng Ama. Ang batas ng
pagkasaserdote at dapat mabago dahil
wala sa mga lahi ni Aaron ang
magiging perpekto (Heb. 7:11, 16).
M A S M A I N A M N A T I PA N
“Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.”
(Hebreo 7:22)
Ang matandang tipan ay base sa pagkapari ni Aaron.
Kaya, kailangan ng bagong tipan dahil ang batas ng
pagkapari ay nabago (Heb. 8:7, 13).

Sa bagong tipan, ang kahinaan ng mga saserdote ay napalitan ng


“walanghanggang buhay” ng ating Tagapanagot na si Jesus. Siya ang
Punong Saserdote ayon sa hanay ni Melquesedec.

At saka, ang panata sa bagong tipang ito ay isang


garantiya. Nawawala ang mga panunumpa ng tao kung
sila ay mamatay, ngunit ang panumpa ng Ama tungkol
sa pagkasaserdote ni Jesus ay pangwalanghanggan
dahil hindi sila mamamatay (Heb. 7:21). Tiyak ang
Kanyang mga pangako.
ANG PERPEKTONG SASERDOTE
“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang
sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas
pa kay sa mga langit.” (Hebreo 7:26)

Banal
“Relihiyoso” sa literal o “nakalulugod sa Dios.”
Ginagawa Niya ang kalooban ng Dios

Hindi masama o mapaghiganti. Palagi Siyang


Di-nakakasama gumagawa ng mabuti sa iba at hindi kailanman nag-
iisip ng masama

Walang dungis
Dalisay, walang kasalanan. Tinukso sa lahat ng
bagay, ngunit hindi nagkasala

Hiwalay mula Nahiwalay Siya mula sa mga makasalanan nang


sa mga siya ay umakyat. Ngayon ay namamagitan Siya
makasalanan alang-alang sa kanila
Siya ay naging
mas mataas pa Siya ay itinaas sa ibabaw ng lahat, gaya ng Dios
sa mga langit (Aw. 57:5; 108:5)
“Si Kristo ang nag-uugnay sa Dios at tao. Ipinangako
Niya ang personal Niyang pamamagitan. Inilalagay
Niya ang buong kabutihan ng Kanyang katuwiran sa
panig ng nagsusumamo […] Habang lumalapit tayo sa
Dios sa kabutihan ng gantimpala ng Manunubos,
inilalapit tayo ni Kristo sa Kanyang tabi, niyayakap
tayo ng Kanyang pangtaong kamay, habang ang
Kanyang pangdios na kamay ay humahawak sa trono
ng Walanghanggan […] Ipinapangako Niyang dinggin
at sagutin ang ating mga pagsusumamo.”
E. G. W. (Testimonies for the Church, vol. 8, cp. 29, p. 178)

You might also like