Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Pagpupuri sa

Umaga
Agosto 23, 2022
Martes
Tawag sa
Pananalangin
Alalahanin natin na tayo ay nasa
banal na presensya ng
Panginoon.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at


ng Diyos Espiritu Santo. Amen.
Awitin natin ang

“Mahal Ako ni Kristo”.


Pag-aalay sa Umaga
Panginoong Diyos, iniaalay namin sa Iyo sa
araw na ito ang lahat ng aming iisipin,
gagawin at sasabihin. Punuiin Mo ang
aming mga puso ng biyaya upang ang lahat
ng aming gagawin o hindi magagawa ay
naaayon sa banal Mong kalooban. 
Tulungan Mong mahalin Ka namin
nang buong puso, nang buong pag-
iisip at nang buong lakas. Nawa’y 
maging inspirasyon namin sa aming
mga gawain ang halimbawa ng  Mahal
na Birhen, ang mapagkumbaba Mong
lingkod at ang lahat ng mga santo na
matapat na naglingkod sa Iyo. Amen. 
Panimula:

Ipagpatuloy natin ang kuwento


ng buhay ni San Benito.
Buhay ni San Benito
Iniwan ni Benito ang kanyang
pag-aaral at nagdesisyong mamuhay
sa isang ilang na lugar. Sumunod sa
kanya si Cyrilla, ang kanyang
tagapag-alaga na lubos na
nagmamahal sa kanya.
Nang sila ay makarating sa lugar
na tinatawag na Enfide, si Benito
kasama ang kanyang tagapag-alaga
ay nanirahan sa bahay malapit sa
simbahan ng ​St. Peter.​
Isang araw, humiram si
Cyrilla ng isang trey mula sa
kanilang kapitbahay upang
linisin ang mga mais.​

Iniwan niya ang trey sa
mesa at ito ay aksidenteng
nahulog at nahati sa dalawa.​
Nang makita ni Cyrilla
ang nangyari sa trey, siya ay
nagsimulang umiyak.​

Ito ay pinahiram lamang
ng kanilang kapitbahay
ngunit nabasag niya ito.​
     Si Benito ay mabuti at banal
na lalaki.​Nang makita niya ang
kanyang tagapag-alaga na
malungkot at umiiyak, kinuha
niya ang trey na nahati sa
dalawa at nagsimulang
magdasal nang may luha sa
kanyang mga mata.​
Nang siya ay tumayo
pagkatapos magdasal,
natagpuan niya ang trey na buo
na muli sa kanyang tabi.​
Imposible nang makita kung
saan ang basag.​

Dali-daling pinuntahan ni
Benito ang kanyang tagapag-
alaga at ito’y pinatahan. ​
Pagninilay

Tanungin natin ang ating mga sarili. Kapag tayo ay


nakakita ng taong umiiyak at nangangailangan,
gumagawa ba tayo ng paraan upang pagaanin ang
kanilang kalooban o hindi na lamang natin ito
pinapansin?​

Inaanyayahan tayo ni San Benito na makita at tanggapin
si Hesus sa lahat ng tao lalo na sa mga nangangailangan
nating kapatid. ​
Awitin natin ang

“Hymn to
St. Benedict”.
Panalangin kay
San Benito
Diyos Ama, pinagpala Mo si San Benito sa
biyaya at kabantugan. Sa tulong ng kanyang
makapangyarihang pamamagitan, nawa’y
maisanggalang kami mula sa mga silo ng dyablo.
Nawa ay masumpungan namin ang 
kalakasan at kaginhawahan sa oras ng aming
kamatayan
 at magalak sa Iyong pagmamahal at
paglingap ngayon at sa bawat araw ng
aming buhay. Ito ang dalangin namin
sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon.  Amen.
Santa Eskolastika at  San Benito,
ipanalangin ninyo kami.

Maria, kaisa ng kanyang Anak na si Hesus,


pagpalain mo ang bawat isa sa amin.

Nang sa lahat ng bagay,


ang Diyos ay papurihan.
Vision
St. Scholastica’s Academy of Marikina envisions
a Christ-Centered Benedictine community,
where every member is a socially – oriented
servant leader, a responsive and responsible
innovator, and a lifelong learner, imbued with
the creative balance of Ora et Labora.
Mission

Impelled by the love of Christ, SSAM commits


itself to proclaim and uphold God’s kingdom
of truth, justice, peace, and integrity of
creation. 
To concretize this mission, SSAM intensifies
the programs of action anchored on
academic excellence as social responsibility,
where all sectors are involved in the integral
formation of the human person towards a
positive transformation of the society.
Tayo’y mag-
ehersisyo!

You might also like