Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Pagpapatubo at

Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
Bryan P. Dela Cruz
Teacher 3
Layunin
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. naiisa-isa ang wastong pamamaraan ng paghahanda ng taniman;
2. naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpili sa
paghahanda ng mga itatanim at patutubuing halamang ornamental;
at
3. napahahalagahan ang pagtatanim ng halamang ornamental ayon
sa wastong pamamaraan (EPP4AG-Od-6)
Subukin
Panimula
Mahalagang matutuhan ng isang batang katulad mo ang
wastong pamamaraan ng pagpapatubo at pagtatanim ng
halamang ornamental. May mga bagay din na dapat
isaalang-alang sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng
halaman upang maging malago at malusog ang mga
halamang itatanim. Handa ka na bang malaman ang mga
paraan na ito? Tiyak na makatutulong ito upang mas
lalong gumanda ang iyong bakuran.
Balikan
Suriin
Wastong Paraan sa
Pagpapatubo at
Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
Mayroong dalawang paraan ng pagpapatubo
at pagtatanim ng mga halamang ornamental:
Unang paraan
Di-tuwirang pagtatanim at pagpapatubo o
transplanting
Ito ay ang pagpapatubo o pagtatanim na
gumagamit ng kahong punlaan upang
makapagpasibol ng bagong halaman mula
sa buto.
Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Di-Tuwirang Pagpapatubo.
1. Ihanda ang kahong punlaan.
2. Ibabad ng magdamag ang mga buto o sangang pantanim sa tubig.
3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas angunang
sibol.
4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti unting ilantad sa
araw ang kahong punlaan.
5. Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong dahon, maaari na
itong ilipat sa kamang taniman.
6. Piliin ang mga payat at dikit dikit na punla. Itanim ito na magkakahiwalay
sa kahong punlaan upang lumaki ng malusog bago ito ilipat sa kamang
Pangalawag Paraan Tuwirang
pagtatanim/pagpapatubo o direct planting
Ito ay ang direktang pagtatanim ng mga sanga
at buto ng halaman sa lupang taniman.
Mga Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo
1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
2. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging
gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng dalawa o tatlong buto o sangang pantanim.
5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may
tanim.
Wastong Pamamaraan ng Pagpili ng Itatanim na Halamang
Ornamental :
Narito ang ilang mga paalala sa pagsasagawa ng pagtatanim ng
mga uri ng halamang ornamental sa bakuran ng tahanan.
1. Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa
gilid, sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman.
2. Ang halamang ornamental na mabababa ay itinatanim sa mga
panabi o paligid ng tahanan, maaari sa bakod, sa gilid ng daan
o pathway.
3. Ang mga namumulaklak na halaman ay inihahalo o
isinasama sa mga halamang di-namumulaklak.
4. Ang mga halaman o punong ornamental na madaling
palaguin ay maaaring itanim kahit saan ngunit ang
mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar na maalagaan
nang mabuti.
5. Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay
maaaring itanim sa tamang makakasama nito at ang mga
halamang lumalago sa tubig ay maaari sa mga babasaging
Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng
Halamang Ornamental
1. Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna
kung anong uri ng lupang taniman ito.
a. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, bitak bitak, nararapat na
haluan ito ng mga organikong bagay.
b. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost
upang lumuwag ang lupa.
2. Kapag naayos na ang lupang tataniman, maaari na itong
bungkalin gamit ang asarol at piko.
3. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga
di kailangang bagay ng halaman sa lupa
habangbinubungkal.
4. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan
ito ng organikong pataba gaya ng compost o humus
at patagin ito gamit ang kalaykay.
5. Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang
taniman, maari na itong taniman ng mga halaman o
Wastong Paraan ng Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuing
Halamang Ornamental

Inihahanda ang mga halamang ornamental ayon sa


makasining na pagtatanim. Gumawa muna ng
layout ng pagtatanim ng halamang ornamental
upang hindi masayang ang pagod, oras, pera at
lakas.
Narito ang ilang mga bagay na dapat sundin:

• Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang


ornamental ay di dapat itanim sa harapan o
unahan ng mga halamang maliliit kung tumubo.
• Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano
kung paano at saan sila magandang patubuin
• Ang laki at lapad ng mga dahon ay iniuuri kung saan ito
ilalagay ayon sa plano ng landscaping.
• Ang mga namumulaklak na mga halaman ay kailangang
ilagay sa naarawan at kasiyasiyang tanawin. Makatutulong
ang pagsama-sama ng mga uri nito kung kinakailangan.
• Ang mga halamang magiging malaking puno ay dapat
ilagay sa hindi makasasagabal sa darating na panahon.
Pagyamanin
Tayahin
Thank
You

You might also like